Chapter 3

14 2 0
                                    

After work, Wyatt headed to Lili Restaurant, isang sikat na Chinese fine dining. Ang hangin ay puno ng aroma ng masasarap na pagkain at mga exotic spices. Nervous na nervous siya, pero excited din. "Sana magustuhan niya," bulong niya sa sarili habang inisip ang kanyang date.

Pagpasok sa restaurant, naakit siya sa eleganteng ambiance, mga soft lights, tahimik na musika, at ang aroma ng gourmet dishes na sumasalubong sa kanya. Sa isang sulok, nakita niya si Ava, nakaupo at nakangiti, tila isang angel na nag-aantay.

"Hi, Ava!" sabi niya, medyo nanginginig ang boses. "Sorry kung na-late ako."

"Okay lang, Wyatt. Ang ganda dito," sagot ni Ava, tinitingnan ang paligid.

Umupo si Wyatt at nag-order sila. Para sa appetizer, pinili nila ang crispy calamari. Habang naghihintay, nagkwentuhan sila ng mga simpleng bagay, mga hilig at pangarap na nagbigay ng init sa kanilang pag-uusap.

Dumating ang kanilang pagkain, at hindi nila mapigilang mangiti sa sarap ng calamari. Sa bawat kagat, naramdaman ni Wyatt na unti-unting nawawala ang kanyang kaba.

Pagdating ng main course, in-order nila ang seafood pasta. Ang creamy sauce ay bumabalot sa pasta na puno ng shrimp at scallops. "Ang sarap nito!" sabi ni Ava habang tinitikman ang kanyang pagkain. Ngumiti si Wyatt, proud sa kanyang napili.

Naging tahimik ang kanilang pagkain, pero bawat ngiti at sulyap ay puno ng sinseridad. Pero sa isip ni Wyatt, may isang tanong na gustong-gusto na niyang itanong. "Dapat ko na bang itanong ito?" isip niya.

Nang matapos na silang kumain, nagpasya siyang ilabas ang tanong. "Ava, can I ask you something?" sabi niya, may halong kabang nag-aalab.

"Sure, Wyatt," sagot ni Ava, nakatingin sa kanya ng may curiosity.

"Gusto ko sanang malaman... can you be my girlfriend?" Dinig na dinig ang tibok ng kanyang puso habang hinihintay ang sagot.

"Uh, pause," sagot ni Ava, medyo naguguluhan. Pero sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, nakita ni Wyatt ang ningning sa kanyang mga mata.

Pagkatapos ng ilang segundo, ngumiti siya. "Yes," simpleng sagot niya.

Dahil dito, parang umabot ang mundo kay Wyatt. Sobrang saya ang bumuhos sa kanyang puso. Dali-dali siyang lumapit at hinalikan si Ava.

Ang mga labi nila ay nagtagpo nang marahan, puno ng pagnanasa at tamang timpla ng init. Ang kanyang mga kamay ay bumalot sa batok ni Ava, habang ang mga daliri niya ay naglaro sa kanyang buhok. Ang kiss nila ay hindi lang basta halik—ito ay tila isang pangako, isang simula ng kanilang kwento. Sa bawat galaw, tila nabura ang lahat ng kaba, pinalitan ng ligaya at excitement.

Nang naghiwalay ang kanilang mga labi, parehong nakangiti. Alam ni Wyatt na hindi lang ito isang ordinaryong gabi; ito ang simula ng isang magandang relasyon.

Di namalayan ni Chloe na 9:00 na pala ng gabi. She had kept herself busy with work, diving deep into reports and emails, but now the fatigue was settling in. "Sana makauwi na ako," isip niya, kaya nagdesisyon siyang mag-hail ng cab. Pero, sa bawat minuto na nagdaan, wala pa ring dumating na sasakyan. She started to feel a knot of worry in her stomach—lately, she had become a bit dependent on Wyatt for rides home.

Desperate, she tried to call him, but the line just kept ringing. "How unlucky can I get?" she muttered to herself, glancing around at the dimly lit street. She felt a bit anxious, knowing that it was getting late and the neighborhood wasn't the best after dark.

Just as her frustration was about to boil over, a car suddenly stopped in front of her. It was Noah, her officemate from the marketing department, looking relaxed in the driver's seat. "Hey, hop in! It's already late," he said, flashing a friendly smile.

Whisper of the HeartWhere stories live. Discover now