Chapter 2
"What are you doing here?" Tanong ni Dwayne na kakalapit lang. Luminga siya sa paligid bago muling tumingin sa akin.
Tapos ka na ba kay Kyla kaya nandito ka na? Pinilig ko ang ulo ko.
"Masyadong main it dito, bumalik ka na sa loob—" I cut him off.
"I'm waiting for Leon, Dwayne." Seryosong sagot ko. He stared at me.
"Bakit?" He asked.
"Ikukuha niya kasi ako ng mangoes!" Maligayang ani ko at ngumiti. Tumingala ako sa kanya at nakitang nakangiwi siya at nakakunot ang noo.
"Mangoes?" Takang tanong niya at luminga linga sa paligid. Marahil ay naghahanap.
"I'm craving for mangoes, Dwayne!" Sabi ko at tinanaw si Leon na bumaba nang naka-top less.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kung gano'n? I could just order my men to buy you mango at hindi mo kailangang mag hintay dito sa labas." Nilingon ko s'ya.
Order your men? Would it kill you if you do some effort for your wife, Dwayne?
"Well, Dwayne, you're busy. And I don't think you care." Ani ko at bahagyang ngumiwi.
He frozed.
"Of course I do!" He said and shifted his weight. Umiling na lang ako.
May lumapit na lalaki na may dalang tray.
"Hi miss, ikaw si Stasey Spade 'di ba?" Tumango ako sa lalaki.
"Pinaluto po ni Sir Leon para sa'yo." Aniya at ngumisi.
"Congratulations, ma'am! Ilang buwan na po?" Binigay n'ya sa akin ang tray na may laman na rice at adobo.
Ngumiti ako at tinanggap iyon.
"Two months." Napatingin ako kay Leon na tumatakbo bitbit ang damit n'yang may laman.
"Na'ko, ang swerte naman ni Sir Leon sa inyo, ma'am. Ang ganda n'yo po. Paniguradong maganda o gwapo yang anak n'yo." Ngumisi s'ya at nagpaalam na habang natulala naman ako sa sinabi niya.
Napaawang ang labi ko at sinundan siya ng tingin.
"A-Anak namin-"
"Stasey!" Tumawa si Leon nang makalapit. Puno ng pawis ang katawan niya at may dahon ng mangga pa siya sa buhok niya.
"L-Leon," binigay n'ya sa akin ang damit n'ya.
Ngumisi s'ya sa akin.
"Ayan. Dinamihan ko na. Baka maghanap ka ulit mamaya, e."
"Salamat!" Ngumiti ako sa kanya at dinungaw ang damit. Bahagya ko itong binuksan at sinilip ang nasa loob.
Tumango s'ya at hinahabol ang hininga.
"Don't mind it."
"Hindi ka pa kumakain, Leon."
"Ahh! Oo nga. Tara!" Aniya. Hilaw akong ngumiti.
"Ay! Ayaw mo pala dun. Hintayin mo na lang ako dito." Tumango ako kaya umalis na s'ya.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na may kasama pala kami. Muntik ko nang makalimutan.
Nilingon ko ang tahimik na si Dwayne. Tulala s'ya.
"Uy!" Nagulat s'ya at nag angat ng tingin.
"May nangyari na sa inyo ni Leon?" Seryosong tanong n'ya na ikinalaglag ng panga ko.
Umiling ako.
"Ano ka ba? Everytime na nasa bar ako at wala ka, s'ya pa mismo ang nagsasabi na layuan ako dahil sayo ako. Taas kaya ng respeto sa'yo ng kaibigan mo!" Kunot noo kong ani. Hindi naman na siya ulit umimik.
Nagsimula na akong kumain.
Natanaw ko sa malayo si Leon na may dalang tray, bottled water at juice.
Tumabi s'ya sakin.
"Kumain ka na ba, pare?" Tanong n'ya kay Dwayne.
Tumango si Dwayne at iniwan kami.
"May gagawin ata." Tumango ako at nag usap kami ng kung ano ano habang kumakain.
"So, may girlfriend ka?" Umiling s'ya.
"May nililigawan. Pero gusto yata nun si Cloudeon." Hilaw siyang tumawa at sumubo ng kanin.
"Ay! 'Di ba may girlfriend si Cloud?" Tanong ko na tinanguan n'ya.
"Yung babaeng gusto ko, kaibigan s'ya nung girlfriend ni Cloud. Sa pagkakaalam ko nga, magpinsan sila." Natigilan ako.
Magkaibigan din kami ni Kyla. Wala nga lang nanliligaw sa akin.
Nilingon n'ya ako.
"I know what you're thinking." Ngumisi lang ako sa kanya.
"It's going to be hard. Choosing between your love, and friend." Umiling ako at tumawa sa sinabi.
"Mukhang tayo ang magdadamayan dito, ah." Tumawa din s'ya matapos iyong sabihin at bumalik sa pagkain.
Bumalik kami sa restaurant at pinabalatan n'ya ang mangga dun. Nilagay ito sa bowl bago binigay sa akin.
Ngumiti ako at pumalakpak pagkatapos kumain ng isang slice.
Tumatawa silang pinagmamasdan ako.
Hindi sila kumukuha ni isa kahit inaalok ko naman.
Laging nasa tabi ko si Leon. Nakikipagtawanan man sa mga kaibigan namin, kapag napapansin niya na kayo kailangan ako ay agad niyang kinukuha iyon at binibigay sa akin.
Si Gianna naman ay tahimik na pinagmamasdan kami. Frost is sitting behind him, hands of her waist and his chin is resting on her shoulder.
Umiwas ako ng tingin.
Tumitig ako sa mangga sa harap ko at bahagyang pumikit. Imagining myself and Dwayne like that. I would be the happiest woman in the world, for sure.
YOU ARE READING
I married a Mafia Boss II
ActionHow long are you willing to wait for the one you love? Dwayne Kiefer Alvarez, lost his memories and forgotten about his wife- Anastasia Diamond Spade. He struggled remembering everything and couldn't accept the fact that he's having a child with som...