Chapter 5 [WTF!]

21 1 0
                                    

☆‧₊Eli's Pov----------

Sabado ngayon, at ngayon na ako aalis sa inuupahan kong kwarto. Kahapon, sinabi sa akin ni Mirah na pwede na akong lumipat sa bago kong matutuluyan dahil nakapag usap na sila ng mommy niya.

Hindi ko inakala na sobrang laki ng diskwento na ibinigay sa akin ng mama niya halos 3k lang ang renta dahil studyante daw ako at kaibigan naman ng anak niya huhu thanks God at Mirah hulog ka ng langit.

Hindi na rin ako siningil ni Ate Beth sa upa ngayong buwan bilang pasasalamat at kabayaran daw sa abalang nangyari. Tinawag pa niya ang kasambahay niya na si kuya Ric upang ipagmaneho ang maliit na pick up truck at matulungan akong dalhin ang aking mga gamit papunta kina Mirah.

Sinabi ni Mirah na magkikita na lang kami pagdating ko roon at ipapakilala niya ako sa kanyang mommy.

Cinancel ko muna ang tutoring na sideline ko ngayong linggo para mas mapagtuunan ko ng pansin 'tong paglipat ko.

Pinakita ko lang kay kuya Ric ang google map kung saan nakalugar ang bago kong lilipatan.

Nagpasalamat ako at nagpaalam kay Ate Beth bago kami tuluyang umalis. Bago kami makaalis, patuloy pa rin siya sa paghingi ng pasensya.

Pagkalipas ng halos sampung minuto, nakarating na kami sa lugar. Parang subdivision itong lugar.

Nakita ko si Mirah sa may kanto at kumakaway ito sa amin.

"Hi, Ate Eli!" sabi ni Mirah sa akin, sabay yumapos na parang linta huhu ang kulit talaga ng batang ito.

"Dito tayo, Ate Eli!" hatak niya sa akin, at tumambad sa akin ang medyo kalakihang bahay na may dalawang palapag. Sumenyas ako kay Kuya Ric na sasaglit lang ako.

"Mommy!!!" sigaw ni Mirah.

"Mommy, andito na si Ate Eli, yung new friend ko!"

Lumabas ang isang matandang babae na may dalang baking pan.

"Ay, ija! Ikaw ba yung tinutukoy ng anak ko? Tara, maupo ka dito," sabi nito sa akin sabay turo sa kanilang bangkuang mahaba sa sala.

"Ito, magmerienda ka muna," sabi niya habang inaabot sakin ang plato na punong puno ng mga tinapay

"A-ah, salamat po," utal kong sabi dahil hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon; nakakahiya.

"Yes, Mommy! Siya po yun, hihi! Ang ganda niya, diba?"Dagdag ni Mirah

Pakshet talaga

Nagtawanan silang dalawa at nakisabay na lang ako seryoso ba sila?

"Ahh, nga po pala totoo po ba na 3k lang ang upa ko? Di po ba kayo lugi doon?" Tanong ko dahil baka niloloko lang ako ni Mirah.

"Ay, ano ka ba, Ate Eli? Oo naman! Si Mommy pa! Basta friend ko, sabi ko naman sa'yo, may mega discount!"

"Oo ija! Don’t worry, pag malapit sa anak ko, parang family ko na rin kayo gusto ko lang din tumulong dahil naikwento sa akin ni Mirah ang sitwasyon mo. Kaya wag kang mahiya sa amin. Kung may problema ka o kailangan, magsabi ka lang sa amin, ha?" Dagdag pa ng mommy ni Mirah.

Di ko alam, pero medyo gumagaan ang loob ko sa narinig kong iyon.

"Maraming salamat po! Pwede po bang puntahan ko na? May kasama po kasi ako sa labas, si Kuya Ric. Hinatid lang ako dito, kasambahay po siya nung sa dati kong inuupahan."Sabi ko

"Ay, ganon ba? Sige, ija. Mirah! Dalhin mo itong mga tinapay. Bigyan mo ang kasama ni Eli, tama ba, Eli is your name? At samahan mo siya doon sa tutuluyan niya. Mag-aasikaso lang ako at pauwi na ang daddy at kuya mo."

May kapatid pala siya? akala ko ay only child lang si Mirah, Tumango na lang ako sa tanong ng mommy nito at ngumiti.

"Nga pala, wag ka lang masyadong maingay tuwing gabi, ah. Katabi kasi ng room mo yung anak kong panganay, medyo masungit yun at baka awayin pa ako ewan ko ba doon may sariling bahay naman ayaw pang umalis sa puder ko" natatawang sabi ng matanda.

"Ate Eli, tara na!" tawag ni Mirah sa akin at hinatak ako. Katabing lugar lang pala nila ang paupahan; mayroon gate sa bungad at pag pasok ay may limang hilera ng silid, at sa pangalawa sa dulo ako napunta.

"Ayan, dito ka, Ate! Dito naman si Kuya," nguso ni Mirah sa katabing silid ko.

Inabot ni Mirah sa akin ang susi, at saka naman binaba ni Kuya Ric ang mga gamit ko. Tinulungan niya akong ipasok ang medyo mabibigat kong gamit, saka ito tuluyang nagpaalam sa akin. Inabutan ko lang siya ng pera bilang pasasalamat sa pagtulong.

"Sige, Ate Eli, una na muna ako. Aalis kasi kami nila Mommy pag uwi ni Kuya at Daddy. Update mo 'ko sa chat ah," sabi nito, dahil binigay ko nga pala sa kanya kahapon ang social media account ko.

Pagkaalis ni Mirah, sinimulan ko nang ipwesto ang mga gamit ko. Di ko na kailangan linisin ang lugar dahil malinis na ito. Maganda siya kumpara sa lumang tinutuluyan ko at mas maaliwalas. Medyo natutuwa padin ako na mura lang ang renta nito.

Pero sabagay, mukhang mayaman naman ang pamilya nila kaya wala lang sakanila ito, kaya pala kung manlibre si Mirah sa school ay todo todo kaya maraming lumalapit dito at nakikipag kaibigan.

Tinawagan ko lang saglit si Ate Nics at inupdate siya sa bagong lugar ko. Sabi niya, sa susunod daw ay itatry niya akong bisitahin kapag hindi siya busy sa work.

8 na ng gabi, hindi pa rin ako natatapos dahil andaming anik-anik na kailangan kong pagpilian at ideclutter.

Nakakapagod naman.

Narinig ko na kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Buti na lang may natirang sinaing kaninang umaga, kaya kumuha na lang ako ng delata. Tinatamad akong magluto ngayong gabi, baka bukas ko na lang din ipagpatuloy tong pag aayos.

Kumakain lang ako at medyo napadami grabe parang ilang araw akong hindi nakakain.

Maya-maya, narinig kong may nagbukas ng gate. "Ate Eli!!" narinig ko nanaman ang malakas na boses ni Mirah huhu panigurado ay naririnig to ng mga kapit bahay nakakahiya kaya pinagbuksan ko siya agad.

"Kuya, dalian mo!" dagdag na sigaw nito.

"Kuya Cole, ano ba!" sigaw ulit nito.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko.

Mas lalo akong nanlamig ng lumabas ang lalaking tinatawag niya.

T-Tangina!

No way!

Tangina!!!!

Jusko Lord kuhain mo na ako now na.

I've Met Him Again Where stories live. Discover now