Tikbalangin

118 6 0
                                    

Balisa at hindi mapakali, ganoon na ang pakiramdam ni Risa simula pa kaninang umaga bago sila umalis ng mga kaibigan niya patungong Sitio Guintubdan upang akyatin ang pamosong Mount Kanlaon.

Maybe it was her sixth sense but there's a gnawing feeling inside her. Kaso hindi niya matanggihan ang paanyaya ng mga kaibigan. She didn't want to be a killjoy. Kung kaya sumama pa rin siya sa mga ito kahit na masama ang kanyang kutob.

"We're finally here," saad ni Martin na driver nang sinasakyan nilang van. He looked at them at the front view mirror. Nangingislap sa tuwa ang tsinito nitong mga mata. "It's time to wake up, guys!"

"Thank goodness!" sambit ng kikay na si Leni at nagmamadali na itong bumaba ng sasakyan. "Buong akala ko bukas pa tayo makakarating dahil sobrang bagal mag-drive ni Martin." She flipped her long black hair as she puckered her lips.

"There's nothing wrong with that," singit ni Manuel na nasa passenger's seat. "Do you know that accidents happens all the time? Mabuti na 'yong maingat, right?" Then he flashed his cocky wide smile.

"He's right, Risa," anang katabi niyang si Sonny. Inayos nito ang suot na salamin at bumaba na ng sasakyan. Napapailing siyang napapalatak at saka sumunod.

"Nasaan na ba tayo?" usisa niya at saka inilibot ang tingin. Mangilan-ngilan lang ang mga bahay na natatanaw niya. Tila ba walang-hangganan ang malawak na tubuhan at luntiang puno at halaman sa kanilang paligid. Mahalumigmig ang panahon at mainit ang sikat ng araw.

"Nasa paradahan tayo ng mga tricycle at sasakyan ng Sitio Guintubdan," wika ni Martin. "Let's wait for our tour guide first, then we can go straight to our camp site."

"Then let's get our things," aniya.

Matapos kunin ang kanilang mga gamit ay naglakad-lakad sila para humanap ng tindahan na mabibilhan ng sigarilyo. Inabutan siya ni Martin ng isang stick.

"Thanks, but I'm trying to quit na," aniya.

"Seryoso ka?" anitong tumatawa.

Napairap naman siya. Noon umambon at unti-unting bumuhos ang malakas na patak ng ulan sa bubungan ng tindahan.

"Umuulan habang umaaraw, mayroon na namang ikinakasal na tikbalang."

Napalingon silang lahat sa matandang babae na nakatayo sa sulok. Maputi ang nakapusod nitong buhok, kulubot ang balat at humpak ang mga pisngi. Matiim at nagbabanta ang tingin nito sa kanila.

Natawa si Manuel. "Lola, ano hong ibig n'yong sabihin? May tikbalang ba rito?"

"Kung nais n'yong umakyat sa bundok, maghunus-dili kayo. Mapanganib kapag may ikinakasal na tikbalang, gumagala sila at inililigaw ang sinumang pumasok sa kanilang teritoryo. Huwag na kayong tumuloy kung ayaw n'yong mapahamak."

Natigilan si Risa, at noon gumapang ang tila makapanindig-balahibong kilabot sa buong katawan niya. "E kung umuwi na lang tayo?" tanong niya sa mga kasama.

"No! I'm not going home, I want to take pictures and videos of Busay Ambon," saad ni Leni. Napalabi ito at namaywang.

"Yeah, hindi totoo ang tikbalang. It's just a myth, Risa. Don't be scared okay," ani Martin. "Nandito na tayo, sayang naman ang pagod natin sa biyahe kung basta na lang tayong uuwi," paliwanag ng lalaki.

"Huwag kang mag-alala kung totoo man 'yang mga tikbalang na 'yan, I'm always here to protect you," biro pa ni Manuel.

"Huwag kang KJ." Siniko siya ni Sonny.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan niya bago nagpasyang sumuko. "Okay, fine, let's go." Nababalisa at hindi pa rin mapanatag ang loob niya. Kinukutuban talaga siya ng masama.

Tumila na ang ulan at makalipas pa ang ilang saglit ay dumating na rin ang tour guide na kanina pa nila hinihintay.

Tall, dark and handsome. Napatanga na lamang siya, para siyang na-engkanto sa taglay nitong kakisigan. Tumigil ito sa harapan nila at magiliw na nagpakilala.

"Ako nga pala si Digong, tour guide dito. Kayo ba 'yong mga aakyat ng bundok?"

"Yes, kami nga 'yon," sagot ni Martin.

"Sumunod kayo sa 'kin at ihahatid ko na kayo sa pupuntahan n'yo. Bilisan nating maglakad, hapon na at baka abutin tayo ng dilim sa daan," esplika pa ng lalaki.

"Hindi lahat nang nakikita ng mata ay totoo, mag-iingat kayo ng mga kasama mo," anang matanda at saka tumalikod.

Kinilabutan ang buong pakiramdam ni Risa bago nagmamadaling sinundan ang mga kasama. Mabilis ang kanilang kilos sa makitid, matarik at mabatong daan.

Muntikan pa siyang nadulas, mabuti na lamang at nahawakan siya ni Digong.

"Thank you," aniya sa lalaki

Inalalayan siya nitong tumayo. "Walang anuman. Mag-ingat ka sa paghakbang."

Napatango siya at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Habang umaakyat pataas ng bundok ay biglang nangapal ang hamog na bumabalot sa kanilang paligid. Ilang sandali pa ang lumipas at halos wala na siyang makita. Nataranta siya sa kaba.

"Martin! Manuel! Leni! Sonny!" tawag niya sa mga kasama. Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang mga ito ngunit ni isa ay walang sumagot. "Nasaan na kayo!" sigaw niya ngunit wala pa ring sumasagot. Noon na gumapang ang matinding takot sa kanyang dibdib.

Unti-unti siyang napaatras. Bigla siyang natalisod at bago pa siya nakahuma ay mariin na siyang lumagapak sa ibabaw ng lupa. May narinig siyang lumagutok, kinapa-kapa niya ang paligid at malakas siyang napatili nang makakita ng bungo ng tao. Humahangos siyang tumayo at natutulirong tumakbo paalis sa lugar na iyon. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang magkabungguan silang dalawa ni Martin. Napatilapon siya sa malayo.

Malakas siyang napahiyaw sa takot.

"Risa! It's okay, it's me, Martin."

"Martin, umuwi na tayo, mapanganib sa lugar na 'to. May nakita akong bungo at buto ng tao." Itinuro niya ang lugar na pinanggalingan. "Please, let's go home!"

Napatango si Martin at saka itinuro ang lugar kung saan ito nanggaling. "May nakita rin akong buto at bungo doon. We need to get out of this place, now. Nasaan na sina Manuel, Sonny at Leni?"

"We're here!" sigaw ng tinig ni Leni. "I'm really getting the creeps," anang babae nang makalapit. Nakasunod sa likuran nito sina Manuel at Sonny. "We've seen skeletons over there, there and there." Itinuro nito ang iba't ibang direksiyon kung saan nanggaling ang mga ito.

Lalo siyang kinutuban ng masama nang mapagtanto ang posisyon ng mga buto. Nasa loob sila ng isang pentakulo! It's a trap. Kailangan nilang makaalis agad.

Ngunit bago pa man siya makakilos ay biglang nahawi ang makapal na hamog, lumitaw si Digong sa kanilang harapan.

"Maligayang pagdating sa aking abang tahanan," bati ng lalaki at unti-unting nagbago ang anyo nito at naging isang tikbalang na kawangis ng isang kabayo.

Napasinghap muna silang lahat sa gulat bago nagsipagpulasan sa sobrang takot.

"Tumakbo lang kayo at magtago, ngunit hindi n'yo ako matatakasan. Dahil akin na ang kaluluwa n'yong lahat! Hindi na kayo makakalabas pa sa lugar na ito!"

Nagkukumahog si Risa, lakad-takbo ang ginawa niya ngunit tila paikot-ikot lang siya sa lugar na iyon. Mayamaya pa ay narinig niya ang malakas na hiyawan ng mga kasama niya. Nilingon niya ang mga ito at nanlaki ang mga mata niya sa nasaksihang pagbabagong-anyo ng mga ito. Naging kapre si Martin, naging tiktik si Manuel, naging sigbin si Sonny at naging tiyanak naman si Leni.

Mariing natutop ni Risa ang bibig. Hindi malaman ang gagawin, unti-unti siyang napaatras. Naparalisa ang katawan niya nang maramdaman ang malamig na kamay sa magkabila niyang balikat. Napalingon siya at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng tikbalang.

"Natagpuan ko na rin sa wakas ang bago kong mapapangasawa." Nakaloloko ang ngiting gumuhit sa hitsura ng tikbalang.

Napahiyaw siya ng malakas at kasabay niyon ay muling umalingawngaw ang halakhak ng tikbalang sa buong paligid.

TikbalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon