"Hindi kita mahal, Mailes. Tama na, pagod na pagod na akong magpanggap. Hindi ko kailanman matatanggap ang putanginang kasal na'to". galit na galit niyang sabi, habang patuloy parin an pagtulo ng luha sakanyang mga mata.
"i-ikaw lang ang nagdesisyon sa walang kwentang kasal na'to" hirap niyang sambit "una palang Mailes, una palang alam mo kung sino ang mahal ko. Una palang alam mo na hindi kita magugustuhan. Ganiyan kana ba kadesperada para makuha ako? para sirain kami ni Ania! putangina ang selfish mo! kaya mong sumira ng relasyon para lang sa ikakasaya mo!".
Nanatili lamang akong nakatayo sa harapan niya, wala akong pinakitang emosyon kahit ang sakit sakit na. Bawat salita na lumalabas sa bibig niya, ay parang sampung milyong karayom na tumutusok sa dibdib ko.
Selfish ba ako, kung gusto kong ako nalang ang mahalin niya? selfish ba ako kung gusto ko sa akin lang ang atensiyon niya? selfish ba ako kung mas inuuna ko ang kasiyahan niya, bago sa sarili ko?. Bakit puro mali ang nakikita niya. Bakit hindi pwede maging ako Coianne Lether? Bakit ang hirap mong abutin? bakit ang sakit sakit mong mahalin?
Hindi ko naman ginusto ang maikasal kaming dalawa. Biktima lang din ako, pero sakin lang niya sinisisi lahat. Kahit gaano ko siya ka mahal, hinding hindi ko kayang sumira ng relasyon. Mas mabuti pa na ako ang masaktan 'wag lang siya.
"Lether" unti unti kong sabi. "Lether, hayaan mo akong mahalin ka kahit malayo, hayaan mo akong gawin lahat nang gusto ko, ha-hayaan mo akong iparamdam sayo na mahal kita" nanghihinang sambit ko. Ramdam ko na nanghihina na ang tuhod ko, at nahihirapan na din akong huminga.
"hayaan mo lang ako Lether, mapapagod naman ako eh. Huwag kang mag-alala, malapit na lether, malapit na akong mapagod" tipid akong ngumiti sakanya. "kapag dumating na 'yong araw na kaya ko nang wala, na kaya ko nang palayain ka. A-ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapawalang bisa ang kasal natin, ako na mismo ang bibitaw" ang sakit sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
Nakatitig lamang ito sakin, na tila ba hinihintay na tapusin ko ang lahat nang sasabihin ko. Wala akong makitang ekspresyon sa mga mata niya.
"Lether, bakit hindi nalang ako? bakit hindi pwede maging ako?" huling tanong ko.
tumingin siya ng deritso sa mga mata ko "hindi ikaw si Ania" walang pagaalilangan niyang sambit, kahit alam niyang ikakasakit ko.
Apat na salitang lumabas sa bibig niya, pero halos mawalan ako ng hininga sa sobrang sakit sa dibdib. Alam ko naman na 'yun ang sasagot niya, 'bat pa nga ba ako umasa.
Tumawa lang ako mapakla. "Sana kapag dumating ang araw na mahal mo na ako. Sana mahal pa kita" kasabay nang pagtalikod ko ay siya ring pagpatak nang mga luha na kanina pa gustong lumabas.