Chapter 1

6 0 0
                                    

“ Mailes, dito ka umupo tabi tayo! ” sigaw ni lether pagpasok ko sa classroom. Magkaklase at kasalukuyang senior high school na kaming dalawa.

Hinanap ko kung saan nagmula ang sigaw, pagtingin ko ay nandun siya sa gilid na pinakadulo, kumakaway. Nakangiti ito sa akin. Sobrang ganda ng mga mata neto kapag ngumingiti, bihira lang kasi ito ngumiti ewan ko ba d'yan para bang pasan niya ang buong mundo.

“ Wow! Coianne Lether maagang pumasok? ” 'di makapaniwalang tanong ko. Madalas kasi itong late kaya nagulat ako na mas nauna pa itong pumasok.

“ Ano ka ba Mailes Loic, nagbabagong buhay na ako 'no? kita mo nauna pa akong dumating sayo ” ngumisi ito sa'kin nang nakakaloko. “ Ganito kasi 'yan Mailes, may bago daw tayong magiging classmate at balita ko maganda daw tapos mabait kaya inaagahan ko talaga pagpasok ” pagpapaliwanag niya.

ano ba 'yan excited mo masiyado coianne lether vergara, kung ipukpok ko kaya yang ulo mo sa pader?

“ 'yan coianne pag maganda ang usapan sobrang laki ng ngiti? ” pagtataray ko sakanya. 

Matagal na akong may gusto sa best friend ko, Pero ang manhid, nakakatawa lang dahil bilang kaibigan lang turing niya sa sakin. Well hindi naman ako naghahangad nang mas higit pa dahil kuntento na naman ako sa kung ano ang mayroon samin ngayon, pero hindi ko lang maiwasan isipin na paano kaya kung parehas kami ng nararamdaman.

Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung bakit umaasa ako na sana parehas kami ng nararamdaman. Sobrang mixed signal kasi kung magbigay 'tong si coianne. Kapag may manliligaw ako inaaway niya para di ituloy kung ano man ang binabalak. Palagi ring nakadikit kaya siguro napapagkamalan kaming magjowa. Sana nga ganun, pero alam ko naman na ganyan lang siya sakin mula pagkabata namin. Nagagalit din ito sa akin kapag nalalaman niyang ini-entertain ko ang mga balak manligaw sa akin, kaya tinitigil ko na kaagad dahil di naman niya ako papansinin hanggat hindi ko tinitigil.

“ Mailes naman, alam mo naman na wala pa akong nagiging girlfriend hindi ba? baka siya na yun, 'wag ka nang magtaray d'yan libre nalang kita ng lunch mamaya ” dumikit ito lalo sa akin at umakbay pa. Sobrang bilis naman nang tibok nang puso ko kapag ganito siya kalapit sana kung alam niya lang 'yun.

Oo, hindi pa siya nagkaka girlfriend hindi ko rin alam kung bakit, siguro hindi niya lang type ang mga nagkakagusto sakanya. Marami din naman ang nagkakagusto sakanya, yung iba galit na galit pa nga kasi sobrang close daw namin. Maiinggit sila at buti nga sakanila kasi ililibing ko talaga sila ng buhay kapag pormahan nila ang honeybunch
sugarplumplum ko.

“ Good Morning Class! meron kayong bagong classmate tumahimik muna kayo ” suway ni Ms. Sanchez. “ iha pumasok kana at magpakilala ”.

Pumasok ang isang babae na mahaba ang buhok at totoo nga ang sabi ni coianne na maganda ito. Maputi at nawawala ang mga mata kapag ngumingiti. Maamo pa ang kanyang mukha, feeling ko sobrang bait niya at matalino pa. Nainsecure tuloy ako hays.

“ Good Morning everyone, Ania Solene Arceta or you can call me ania nalang ”  pagpapakilala neto sa amin nang nakangiti.

At hindi lang 'yun, ang ganda din nang boses, malumanay ang expensive pakinggan.

Sinulyapan ko si coianne, pero ang atensiyon neto ay nasa harapan. Nakikinig sa mga sinasabi ni ania.

Love after LossWhere stories live. Discover now