Chapter 2

2 0 0
                                    

“Okay thankyou Ms. Arceta, you can take your sit beside Ms. Veragara. And you Ms. Ricalde turo sa akin ni ma'am  “dito ka umupo sa tabi ni Ms. Lim” kainis naman 'tong si ma'am kay Mavian pa talaga ako pinatabi, eh 'di nga kami magkasundo neto.

Buong klase tuloy ako wala sa mood, ito namang si mavian walang ibang ginawa kung hindi inisin ako, patuloy ko lamang itong tinatarayan kasi ubos na ubos na talaga pasensiya ko sakanya.

Well mabait naman 'tong si mavian, poganda, mayaman at matalino din. Hindi lang talaga kami magkasundo kasi walang araw na hindi niya ako bini-bwesit. Pero in fairness daming nagkakandarapa dito, grabe naman kasi, siya lang naman ang nag iisang MAVIAN RAVIS LIM ang anak nang principal sa school namin.

Loic Sage, sabay tayo mag lunch wala akong kasama e. Libre ko don't worry.” pagpapacute naman netong si mavian. Siya lang naman tumatawag sakin nang ganyan kaya alam ko na kung sino ang nag aaya.

“Hoy Mavian Ravis! kung wala kang kasama wag ako isama mo! maghanap ka nalang nang iba. Kanina pa ako naiinis sayo. Umalis ka nga d'yan at lalabas na ako” inis kong sambit.

“Grabe kanaman sakin loic, sorry na nga sa pambwe-bwesit kanina. Pikon mo kasi masiyado hindi ka mabiro. Pero pag kay coianne ngiting ngiti kulang nalang mapunit yung labi” naiinis niyang sabi. Kung girlfriend kolang 'tong si mavian iisipin ko nagseselos siya kay coianne. Hello no! si coianne na 'yun, syempre sino ba naman ang hindi ngingiti pag siya ang mambwesit sayo. Imbes na mainis ka sakanya, mapapasabi kanalang nang thankyou lord.

“Teka nga lang mavian. Nagseselos ka 'no?” pabiro kong tanong. Hindi naman agad siya nakasagot kaya kinabahan ako kasi nakatingin lang siya akin nang seryoso.

“Tsss manhid mo kasi” mahinang sambit niya kaya hindi ko narinig.

“Ano? may sinasabi ka?” umiiling lamang siya bilang sagot.

Sakto namang dumating si coianne, kaya umatras na ako at tumingin sakanya na masama ang tingin kay mavian, nakakunot ang noo. Kung nakakamatay lang ang titig, nilibing na 'tong si mavian eh. Pero hindi naman siya naapektohan sa titig ni coianne, ngumisi lang ito para mainis lalo si cioanne.

“Ahmm mailes, let's go? lunch na tayo” may bahid na inis ang boses neto.

Tiningnan ko si mavian na hinihintay na sumagot ako. Ano ba 'to nakakapressure naman. Haba ng hair ko 'no? dalawang poganda ang nag aaya sa sakin.

“Coianne isama natin 'tong si mavian, wala kasing kasabay mag lunch eh kawawa naman, baka umiyak” nakangisi kong sabi sabay tingin kay mavian na masama ang tingin sakin.

“Ang dami daming tao dito sa campus, 'bat hindi siya maghanap?" galit na sabi niya.

“Ano kaba okay lang 'yan, isa pa ililibre niya tayong dalawa, diba mavian ravis?” kumindat pa ako sakanya at nagpapacute. Halata namang naguguluhan 'tong si mavian sa pinagsasabi ko pero sa huli pumayag din naman.

“Tsss kaya ko namang ilibre ka kahit ano, di mo na kailangan 'yang si mavian” galit paring sabi niya. Ayaw talaga tumigil eh.

“Oh ano may sinasabi ka coianne? Kung ayaw mo 'wag kanalang sumama. Gusto lang naman sumama yung tao. Wala namang masama dun” naiinis na rin ako sa inaasta netong si coianne, nakakahiya tuloy kay mavian.

Dali dali akong naglakad palayo. Nakakainis. Kakain nalang mag aaway pa. Gutom na gutom na kaya ako 'no. Bahala sila dun kung ayaw nala, edi wag! kaya ko namang bumili may pera naman ako.

“Teka mailes! oo na isama na natin yang epal na 'yan sa lunch na tin, sabay na tayo” nakayuko niyang sabi kaya napangiti ako.

“Oh ikaw mavian! ano pa hinihintay mo? bilisan mo na d'yan kanina pa ako nagugutom!” sumunod naman agad ito at tumakbo papunta sakin. Ngumisi ito kay coianne na nang iinis.

Natapos ang lunch namin na puro away. Parang mga bata kung umasta ang dalawang 'to. Nag aaway pa kung ano ang ipapakain sakin kaya sa huli ako na ang bumili para sakin. Naiinis na talaga ako. Kaya pagkatapos ko ay iniwan ko na sila dun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love after LossWhere stories live. Discover now