Faiar Statue

8 5 0
                                        

Nang makalapit si kc at folie ay nanlake ang kanilang mga mata sa breathtaking na dambuhalang estatwa na animoy langam lang sila kumpara dito, lalong nagpapaganda dito ang ulap na animoy pinapaikutan ang paligid nito at pag-nakatayo ka sa ilalim nito ay aakalain mung tinatasak nito ang araw.

Dagdag pa na nagpapamangha sa kanila ang mga lumilipad na kung anong klase ng sasakyan na pinapagana ng mahika at nag-iiwan ng kakaibang usok sa paligid nito.

Sa kasabikang malaman kung ano ang misteryosong estatwa na ito ay nilapitan ni kc ang isa sa matandang nagtitinda sa plaza.

"Excuse me po lola, tanong ko lang, saan po nangaling ang estatwa na iyan bakit kanina hindi namin siya nakikita?" Pagtatakang tanong ni kc.

"Ahh ganun ba iho, bago lang ba kayo dito sa leheva kingdom?" Tanong ng matandang may napakabuting ngiti sa kanyang mukha na nagbibigay ng gaan sa paligid.

"Opo" sabay tangong sagot ni kc na akala mo ay alinganga.

"Ahh kaya naman pala, maligayang pagdating sa leheva kingdom mga iho, ako nga pala si bherns ang magiliw na taga lako dito, kayo mga iho ano pangalan niyo?" Nakangiting tanong ni verns.

"Kc at yung kasama ko sa likuran ay si folie po" sagot ni kc sabay pakilala kay folie na bahagyang winagayway ang mga kamay dahil sa medyo nahihiya.

"Kinagagalak ko kayong makilala kc at folie" sabay napahampas ng bahagya sa ulo si lola bherns at napatawa "Oo nga pala yung tanong niyo, hehe pasensiya na sa katandaan ko" sa giliw at energy ni lola ay hindi mo mapapasin ang edad niya "Sensiya na kayo mga iho, nasa 150 years old na kasi ang lola niyo haha"
Biglang bumagsak ang panga nila kc at folie sa narinig, hindi nila inaasahan na aabot pala sa ganun ang edad ng mga tao dito.

Habang napatulala ang dalawa at hindi makapaniwala ay nagpaliwanag na humble merchant bherns.

"Yan ang statue ng unang hari ng leheva kingdom na si panginoong Faiar, sabi sa alamat nang sumabog ang bulkan ay lumabas siya mula dito, pinaniniwalaan na isa siyang diyos, gamit ang lava ng bulkan ay itinatag niya ang leheva kingdom at ang estatwa ay nababalot ng kakaibang misteryosong mahika na pumuprotekta dito, kaya hindi niyo siya makita pag malayo kayo" hingal na paliwanag ng matanda pero halata sa ngiti niyang masaya siyang may maka-usap.

"Ahh ganun pala" kunwaring naintindihan ni kc kahit hindi naman dahil lumilipad parin ang isip niya sa mga edad ng mga tao dito at naiwan na siya sa usapan.

"Uhm teka lola ano nga pala yun?" Muling pagtatanong niya na parang wala sa sarili.

Sabay halos madapa sa kakatawa si folie at si bherns at matapos muling ipaliwanag ay may iniabot ang matanda sa kanila.

"Haha nakakatuwa naman kayo iho, sana mag enjoy kayo dito saming lugar, ito kainin niyo muna" sabay bigay sa palad nilang dalawa ang tinitinda niyang kakaibang dahon na kumkislap at nagiiwan ng napakagandang glitters sa paligid.

"Wag na po lola, wala po kaming pambayad" tangi ni folie sa matanda at sabay binalik ang dahon.

"Wag niyo ng isipin yun,.libre ko na yan sa inyo, tanda ng maligayang pagdating niyo sa napakagandang lugar ng leheva" marahang pagbigay nito muli sa mga kamay nila kc at folie.

"Uyy maraming salamat po lola!!!" Agad kinain ni kc ang dahon habang si folie ay gusto munang makita ang reaksiyon ng kasama bago ito kainin.

"Wow ang sarap nito, anlamig sa bibig" sabay napakapreskong pagbuga ng hangin ni kc at naamoy nila ang napakabango niyang hininga at dahil doon di narin nagdalawang isip na kainin ni folie ang sa kanya at sabay napangiti.

"Oo nga! Ano po ba ito?" Tanong ni folie.

"Isa yang hervesa isang uri ng halaman na pinapabango ang hininga mo ng aabot sa isang araw at nagpapagaling ng mga sugat, sabi sa alamat ang mga halamang ito ay dala ng diyos naming si faiar mula sa vulcan at hindi daw yan nalulusaw ng lava" Boung paliwanag ng matanda para ipaalam sa dalawa ang kanilang mga tradisyon at paniniwala.

Fragile Phantasy: Folies JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon