Pumasok akong nakangiti at agad na sinalubong ako ng mga tinginan at ng tilian. Naririndi na nga minsan ang tainga ko pero binabalewala ko na lang. Pinapansin ko din naman sila lalo na ang mga girls na lalong lumalapit sa akin at halos hilingin na mapasaakin sila.
"Easy lang, girls," sabi ko at nilalayo sa crowd ang sarili ko. Mula sa gilid ng aking mga mata, natanaw ko sina Ethan at Luke—aga aga nag-aakbayan.
Well, hindi naman ako inggit pero nakakainis lang. Respeto naman sa single, oh! Si Isaiah, nakita kong nauna na sa dalawa kaya naman hinabol ko na at inakbayan.
"Morning, babe..." I cheerfully greeted him. "Hindi mo man lang ako ipinagtanggol doon o kaya hinila man lang. Ang sakit mo, pre..." natatawa at pabirong sambit ko sa kanya.
Inirapan niya ako. "Morning," he greeted back. "Why would I do that from the crowd? When you're the one enjoying it, asshole." He said, ang sungit talaga ng isang 'to.
"Sabi ko nga. Ang guwapo ko talaga. My charm's irresistible. Aminin mo na, pre. Guwapo ako, 'no?" I nudge him and playfully smirk.
He shook his head and pulled away. "Guwapo, your ass!" Aniya at nauna nang maglakad.
Aba gago 'yon, ah. Hindi ba niya alam na ang swerte niya at may guwapo siyang best friend? I sighed heavily at sumunod na lang sa kanya papuntang room. Grabe, ako at si Lester, dakilang playboy sa school. 'Yong tatlo matino pa. Kami lang yata ang magulo ang buhay at may kalayaan sa lahat ng bagay.
Sa araw na 'yon, halos hindi ako tinantanan ng mga ibang babae sa klase man o sa labas ng room namin. Paano ba naman, isang ngiti ko lang sa kanila, akala mo nagwagi sa isang patimpalak sa sobrang kilig.
"Kapal talaga ng mukha mo, De Vera!" Lester uttered, tinapik ang balikat ko. "Ang bangis mo sa mga babae, gago."
"Sus, nagyayabang na 'yan!" Ethan agreed. "Alam mo namang babaero 'yan at napaka-pusok niyan." Wika niya na parang nasusuka sa pinagsasabi tungkol sa akin.
Inirapan ko na lang sila. "Excuse me? Kasalanan ko ba na ipinanganak akong guwapo at lahat sa akin nagkakandarapa?" Natatawa kong rebat sa kanila. "Mga gago, sila naman 'tong lapit nang lapit sa akin—"
"Gago. Gustong-gusto mo din naman. Aminin mo na lang, pre." Luke interrupted. "At isa pa, tinititigan mo kasi sila. Isang ngiti; isang kindat, nahihila mo na..."
Hindi na ako nagsalita dahil dumating na ang prof namin sa araw na 'yon. Tamang pakikinig lang muna sa klase at sure akong may lakad na naman kami mamaya.
This is what freedom feels. Malaya sa lahat pero hindi din naman pinapabayaan ang pag-aaral. Panandaliang saya na kailanman ay magwawakas din pero kahit papaano, nagagawa ko ang ibang bagay na nagpapasaya sa akin.
As the time goes by, our class ended at hinanap agad ako ni Lester at inakbayan. Alam ko naman ang patutunguhan nito. Sa Nustar lang naman.
"Casino tayo, pre?" Anyaya niya sa akin.
Tumango ako bilang sagot. Heto ang buhay ko pagkatapos sa paaralan. Didiretso sa bar o kahit saan para lang magpakasaya—to enjoy my teenage life before I get to college.
Ang saya talaga tuwing lumalabas sa gabi kasama ng mga kaibigan ko. Si Isaiah lang ang wala dahil subsob naman 'yon sa mga librong makakapal ang pahina.
Ako? I'm having my own freedom. Inom dito, babae doon. Landi-landi lang at ayaw kong pumasok sa isang relasyon na hindi naman ako handa. Ayaw ko din mag-commit dahil pakiramdam ko, pera lang ang magiging habol sa akin—mapababae man o lalaki. I would rather play a game with them, flirtatiously without any attachment clause of love. And at the age of fifteen, I already have access card to any clubs in town—that now I'm sixteen, mas lalong naging mapusok sa lahat ng bagay, but I don't do one night stands. I flirt, I don't fuck.
BINABASA MO ANG
Heart On Call
General FictionDr. Lance Xylander De Vera, Pediatrician Two hearts, one on duty and one at risk. Love like medicine and business, which requires the matter of investments, devotion, and bravery of responding the heart on call.