Love? L.O.V.E kung sa tagalog ay PAG-IBIG.
Andaming nabaliw sa pag-ibig na yan, madali lang umibig eh pero ang hirap makamove-on, yung tipong mas mahaba pa yung healing stage sa pagsasama niyo.
Pero sa henerasyon ngayon may dalawang uri ng Pag-ibig:
RELATIONSHIP at SITUATIONSHIP
Ano nga ba ang pinagkaiba sa dalawang yan?
Sa relationship, may malinaw na commitment at mutual understanding ang dalawang tao na sila ay romantikong magkasama. May label tulad ng pagiging "boyfriend" o "girlfriend," at karaniwang may mga kasunduan sila tungkol sa kanilang eksklusibong pagsasama at mga plano para sa hinaharap. Ang mga relasyon ay kadalasang may direksyon o layunin, tulad ng pagpapalalim ng emosyonal na koneksyon, pagbuo ng pangmatagalang samahan.
Samantala ang situationship, walang malinaw na commitment o label. Kahit na may emosyonal o pisikal na koneksyon, hindi nagiging opisyal ang kanilang pagsasama at maaaring hindi pareho ang kanilang mga plano o nararamdaman. Wala itong kasiguraduhan, at kadalasang walang plano para sa hinaharap. Dahil walang malinaw na commitment, maaaring magkaroon ng kalituhan at pagkabigo, lalo na kapag hindi pantay ang nararamdaman o layunin ng bawat isa.
Kadalasan, sa situationship, may nararamdamang pag-aalinlangan o kalituhan ang mga tao dahil hindi nila alam kung saan patungo ang kanilang pagsasama. Maaari itong magdala ng saya o excitement sa umpisa, ngunit sa huli, maaaring magdulot din ng stress o pagkabigo, lalo na kapag hindi pantay ang nararamdaman o layunin ng bawat isa sa relasyon.
TJ Monterde once said:
Pwede mong ipakita yung nararamdaman mo pero hindi mo pwedeng ipilit yung gusto mo dahil may panahon talaga na hindi ikaw yung mapiliIka nila, mas masakit yung relasyon na hindi naging kayo sa naging kayo, dahil mag iiwan talaga ng tanong na BAKIT? Bakit hindi nagwork? Bakit hindi nabigyan ng pagkakataon na mas iparanas mo pa yung pagmamahal na gusto mong iparanas sakaniya.
Pero wala eh, bigla nalang natapos yung storya na hindi pa nag uumpisa.
~~~
©zheinplawer
YOU ARE READING
I Want To Be Your Last, Forever.
Teen FictionThis book is memoir [or based on true events]. It reflects the author's present recollections of experiences over time. Some names and characteristics have been changed, some events have been compressed, and some dialogue has been recreated.