IRISH
Knock* knock* knock*
Habang nag iiscroll ako sa tiktok ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napakunot akong napatingin dun at may biglang tumawag saakin kaya sinagot ko agad yon
"Hello bakla! Open the door, kanina pa kami dito" bungad ni Natasha isa sa mga kababata ko 10years na kaming magkaibigan at magkakapitbahay lang din kami
"Open mo na yung door tes" sambat ni Maxenne, isa rin sa kababata ko, kaya napakamot nalang ako sa ulo kung tumayo at pinagbuksan sila
"Tagal naman makabukas ha" Natasha
"Anyare sayo ba bakit nakakulong ka boung araw, sabi ni tita tatlong araw ka na rawng nakakulong sa kwarto mo, buti naman at hindi ka namaho" si Maxenne at humiga sa kama ko, tinignan ko lang sila habang nakahiga sa kama ko, hindi ko sila sinagot
"Hoi! Anyare nga sayooo!?" hinila ako ni Natasha at napahiga napaupo sa kama
"Wala" sagot ko lang at kinuha ang cellphone ko
"Neknek mo tes, yung mga sharedposts and reposts mo mukhang broken ka, bakit? Naghiwalay na kayo ng boypren mo?" tanong ni Maxenne at napaupo na rin sa pagkahiga
Hindi ko napigilan ang luha ko at umiyak nalang, hindi ko mapigilan na hindi umiyak, kada naiisip ko siya ay naiiyak nalang ako, dahil ganun nalang ba niya itapon lahat ng pinagsamahan namin, lahat ng pinagdaanan namin tapos malalaman ko meron na siyang ineentertain na iba
"Baks anyare?" nag aalalang tanong ni Natasha at niyakap ako
"Kakahiwalay lang namin at ngayon meron na siyang bago, gago ang sakit, ganun nalang niya kadali bitawan ang lahat, ang sakit chee" hagulgol ko
Hindi ko napigilan at nilabas ko lahat ng sakit na matagal ko ng kinikimkim, makalipas ang tatlong araw na naghiwalay kami ni Morgan ang ex ko ay ngayon palang ako umiyak, hindi lang ako makapaniwala na ganun nalang kadali sakaniya lahat sa loob ng relasyon namin ako yung parating nasasaktan tapos ako pa yung durog na durog ngayon
"Wag ka ng umiyak tes, iinom nalang natin yan, ang pangit mo umiyak, ang ganda ganda mo tapos iiyakan mo yung pangit na yun walang ginawa kundi saktan ka lang" napangiwi nalang ako
"Mas pangit ka" nasagot ko nalang at pumunta sa salamin
"Maligo ka na, magbabar tayo, hanap tayo ng mga boys, wag kang magloklok nito, sa ganda mo na yan umiiyak ka sa pangit, alam mo ba nung kayo pa para kang may tatlong anak dahil ang losyang mo, nakalimutan mo na magpaganda kasi ang isasagot mo saamin, dahil nagagalit siya pag nag aayos ka, aba ayos!" dagdag pa ni Maxenne
"True! Ang pangit mo sa kamay niya, yang iyak mo, ibar mo nalang yan, madaming boys dun, maghahanap tayo, wag ka na mag settle ng labelan, talking stage lang, or dikaya fling" si Natasha, ito nanaman si malandi mong bakla "Or dikayaaa!! FUBUUU" sabay sabi nilang dalawa at hindi ko napigilan at binato ko sakanila yung suklay
"Gago! Virgin pa to noooo! FUBU mukha niyooo, wag niyo ako igaya sainyo ngaaa"
"Bakla atleast yun hindi ka masasaktan dahil aware ka dahil may rule, at rule number one bawal magkafeelings so okay na yun!" kombensi pa saakin ni Maxenne
"Tumahimik ka nga! Ayaw ko nun, para kayong iwan, wala nalang aalis"
"Loh! Joke lang! Sige hindi na! Bar lang tayo, sige na maligo ka na at makaalis na tayo, kaya lang naman ako nakicomfort dahil yayain ka mag inom at dahil broken ka ikaw gagasto" si Natasha
YOU ARE READING
I Want To Be Your Last, Forever.
Teen FictionThis book is memoir [or based on true events]. It reflects the author's present recollections of experiences over time. Some names and characteristics have been changed, some events have been compressed, and some dialogue has been recreated.