CHAPTER 1

7 1 1
                                    

*fwip*
*Fwip*
*Fwip*

Kasama sa hagupit ng latigo ang mga pigil na pag -iyak ng isang dalaga ang maririnig sa isang silid.

"Hindi ka titigil sa pag-iyak!!"
Saad ng isang ginang sabay hagupit ulit ng kanyang latigo.

*Fwip*
Hinagupit ng hinagupit ng ginang pa ang latigo tumigil lang ito ng mapansing wala ng malay ang dalaga.

"Ano bayan ang hina niya parin ito na ba ang sinasabi nilang kyrexi?"
Napapailing na saad ng ginang bago binigay sa isang katulong ang latigong hawak.

"Ano kaba. Malamang hihimatayin yan ikaw kaya hagupitin ko ng singkwenta ng walang tigil". Saad naman ng isang binata na nanonood lang sa isang sulok.

"Anong nangyari sa kanya". Maowtoridad na saad naman ng isang may ka-edaran ng lalaki. Kung tatansyain mukha siyang nasa 40's na pero matikas at matipuno parin ang pangangatawan. Makikita mo parin sa mukha nito ang kagwapuhan kahit na may malaking pilat ito sa kaliwang bahagi ng noo pababa sa kanyang mata. Parehas itim ang mga mata at buhok kasing itim ng kadiliman.

Napayuko naman ang lahat ng nasa silid pagkapasok ng lalaki.

"Mahal na haring Kuma. Masyado po kasing nagiging mahina ang prinsisa. Hindi po nagpoprogreso ang kanyang kapangyarihan". Nakayukong saad naman ng ginang.

"Ganoon ba?". Lumuhod naman ang hari sa harap ng nakahandusay na dalaga tsaka ito binuhat.

"Hayaan niyo na muna, baka hindi pa niya kaya. Alam niyo naman sariwa pa sa kanya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang". Saad ng hari tsaka naglakad palabas ng silid.

"Ngunit mahal na hari, kailangan na niyang gamayin ang kanyang kapangyarihan para pamunoan ang lahat-". Tumigil naman agad sa pananalita ang ginang ng mapansing. Masama ang titig sa kanya ng lalaki.

"Pinapangunahan mo ba ako?". Madiing tanong ng hari.
Agad namang napaluhod ang ginang.
"Hindi po mahal na hari". Saad ng ginang.
Napangisi naman ang hari tsaka nagpatuloy na sa paglalakad.
Sumunod naman sa kanya ang binatang kanina pa naboboryo sa silid.

Sa isip naman ng ginang naglalaro ang mga tanong.

Sa kabilang banda naman.
Dahang dahang nilapag ng Ginoo ang dalaga sa kanyang higaan.
"Gamutin niyo ang mga sugat ng prinsesa". Saad niya tsaka bumaling sa mga katulong at lumabas sa mansion. Sinulyapan niya muli ang dalaga tsaka tinanguan ang binata na nakasunod sa kanya.

Habang naglalakad sa kakahuyan ay tumigil ang hari at humarap sa kanina pang nakasunod sa kanyang binata.

"Make sure to follow our plan, pag 'yan pumalpak lagot ka sakin." Pabulong na saad niya sa binata tsaka hinawakan ang kanyang balikat.

"Opo mahal na hari". Yumukod naman ang binata tsaka umalis na at pumasok ulit sa mansion.

Naglakad muli ang Ginoo papasok pa sa mas liblib pa na parte ng kakahuyan. Paglipas ng halos limang minutong lakaran narating na niya ang pakay. Pumasok siya sa may kweba. Agad naglabas ng apoy ang hari sa kanyang kamay upang gamiting pang-ilaw. Nang marating na niya dulo ng kweba ay agad siyang napangiti.

Nasa harap niya ay nakakadenang binata. Kung titignan parang nasa 16 na edad pa ang bata. Madungis ito at punit punit ang damit. Halata din na hindi ito naliligo ng ilang araw. Masyado ding patpatin ang kanyang pangangatawan.

Agad namang tumayo ang binata kahit nanghihina ito at pilit inaabot ang ginoong kararating lang.

"Hindi ko na po ulit susuwayin ang utos niyo pakawalan niyo lang ako dito. Paki usap makikinig na po ako sa inyo". Sunod sunod na saad ng binata tsaka lumuhod at pinagkiskis ang mga kamay na tila nagsusumamo sa kausap.

Hindi naman nagsalita ng ginoo tsaka dumukot ng malaking tinapay at baonan ng tubig sa dala dalang supot kanina. Binato niya iyon sa binata. Dali dali naman itong kinuha ng binata at nilantakan.

"Makikinig ka talaga sakin dahil sa susunod hindi na ito ang magiging parusa mo". Saad ng ginoo tsaka nilapitan ang binata na nilalantakan parin ang kanyang pagkain.
Hinawakan nito ang buhok ng binata at bahagyang hinimas himas. Napatigil naman ang binata sa kanyang pagkain pero agad itong napangiwi ng bigla siyang marahas na sinabunutan ng ginoo.
"Sa susunod na lumabas kapa dito papatayin na talaga kita". Mariing saad ng Hari. Sunod sunod naman na tumango ang binata. Makikita sa mga mata ng binata na labis itong nasasaktan sa ginawa ng Hari.

"Masusunod po mahal na hari". Saad ng binata.
Ngumiti naman ang hari sa narinig.

"Buti naman kung ganon. Wag mo bibigyan ng sakit ng ulo ang Papa ha. Anak"


-AUTHOR'S NOTE

Hellooooooo po ulitttttttttt thank you po sa pagbabasa kung meron mannnnn hehehehe please click the vote thank you ulit muwah muwah!!!
If may nakita po kayong kamali sa spelling or word man po na ginamit ko feel free to correct me sa comment section I'll acknowledge it pooooo.

©SHIEEEEEE🐢©

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SOVEREIGN OF THE ELEMENTS: #1 [On Going]Where stories live. Discover now