"Tita si Charlotte po?" tanong ko.
"Nandun sa kwarto niya." sabi ni Tita.
Humarurot narin ako sa kanya ng makapaglabas ng sama ng loob. Kukwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa school.
Kumatok ako pero nung walang sumagot ay binuksan ko.
"Pabebe gurl! Charlotte!" pagtawag ko sa kanya.
"Yes beh?" sabi niya.
Nag-hi ako sa kanya at kinuwento ko lahat sa kanya. At sinabi ko na rin na tumaba siya. Sasabihin ko na sana sa kanya yung problema ko kaso bigla akong nagulat sa tanong niya. Bakit niya kilala yun?
"Kilala mo ba si Rare Andrei Punta Verde?" tanong ni Charlotte. Bakit niya kilala yung mayabang na yun?
"Ahhh si Yabang. Oo kilala ko yung mayabang na yun. Bakit mo siya kilala?" Pagbalik ko pa ng tanong.
"Ahhh. Pogi ba?" tanong niya sa akin. Nako tong babae na ito. Di pa nga sinasagot ang tanong ko e.
"Tama bang sagotin ng tanong ang tanong?" Pagmamataray ko sa kanya.
"Ay, tarush! Oo na oo na. Sasagutin na. Si Rare kasi ay isa siya sa mga ex ko." sabi niya.
"Echoserang Frog!" -ako
"Hindi ah. Tutoong naging kami. Dami niyang fans noh?" -Charlotte
Nasamid naman ako sa sinabi niya. Muntikan ko na tuloy madura yung tubig na iniinum ko. Naglaki nalang ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Tumingin ako sa kanya na nagsasabing 'Seryoso?' kaya tumango siya. Di talaga ako makapaniwala. Yung mayabang na yun? Di bagay sa Bestfriend kong echosera noh. Nagkuwentuhan muna kami bago ako umiwi. At guess what? Edi shempre miserable nanaman ako paguwi.
"Anak, san ka nanggaling? Ok ka lang? May nangyari ba? Anong nangyari?" kunyari pa si Lara na nagaalala siya.
"Oh c'mon Lara, wag ka nang makipag-plastican. Alam kong hindi ka nagaalala." sinagot ko siya. Sorry. di ko napigilan yung sarili ko. Kasi naman e. Step mom ko siya kasi mommy ko namatay. Sila naman kasi yung may kasalanan kung bakit namatay si mommy. Umakyat na ako sa kwarto ko. Naiirita na talaga ko. Pumunta naman si Kuya Kevin dito sa kwarto.
"What was that? Ano yung kanina?" pagtataka niya.
"Sorry kuya. Naiinis na ko sa kanya. Wala siyang konsensya!" napapalakas ang boses ko.
"Konsesya?" tanong ni kuya.
"Siya naman ang may kasalanan kung bakit nagpakamatay si Mama diba." pagpapaliwanag ko.
"Di niya kasalanan yun. Desisyon naman ni Mama yun e. Mababago sana natin yun kaso di naman sinabi ni Mama sa atin e." aba kumakampi na siya ngayun sa malandi na yun.
"Pati ba naman ikaw kuya? Ikaw na nga lang kakampi ko tapos napunta ka pa sa kanya? Pati yata ikaw nabilog na niya e." sabi ko. Inabot pa niya sa akin ang panyo ko. Di ko napansin na umiiyak na pala ako. Hindi na ko sinagot ni Kuya at umalis na siya. Ako na nga lang yata ang naiiba dito. Ayoko na! Ayoko na dito! Aalis na talaga ako.
Kumuha ako ng maleta at inilagay doon ang ibang mga pangalis ko. Inilagay ko naman ang pangaraw araw sa backpack ko. at yung gadgets ko nasa back pack na rin.
"Aalis ka sweety?" si daddy.
"I'm not your sweety. You are not my dad. I don't have a dad anymore." sabi ko at narinig ko na sinara na ni dad yung pinto. Wala nang pagasa ang pamilya ko. Pupunta muna ako sa Lola ko. Bumaba na ako ra makaalis na.
"Aalis ka Zafra?" tanong ni kuya Kyle. Hindi ako sumagot kaya nagtanong uli siya. "Zafra Marie Torres, aalis ka ba? Answer me!" naplakas ang boses niya.