Habang kami ay naglalakad ay tinanong ko siya.
"Asan parents mo? Anong trabaho nila?" Tanong ko
"Magkasama parin naman sila. Si daddy asensadong imbestiga--" pinutol ko ang kanyang sinasabi.
"Imsetigador?" tanong ko.
"Oo. Tapos si mom....." tuloy tuloy siya sa pagsasalita. Naisip ko na baka... pwedeng magpatulung ako sa daddy niya.
"Busy ba ang dad mo?" bakas sa aking mukha ang pagtataka.
"Hindi naman bakit?" -Rare
"Pwede ko ba siyang makausap?" tanong ko.
"Ha? Bakit naman?" tanong niya.
"Basta mamaya nalang. Bye." pumasok na ako sa classroom namin. Kung ano-ano ang nasusulat ko sa papel. May nadrawing pa nga akong babae e. Natapos na ang orientation at sinundo na naman ako ng yabang na ito. Wala siyang imik ha. Himala. And gaya ng kaniana ay pinagtitiginan kami ng mga tao. Nilapitan naman ako nila Aira.
"Di ka ba sasabay aa amin?" tanong ni Jaira.
"Plastic naman yan e! Inagaw niya sakin ang Rare ko!" sigaw naman ng sigaw si Aira.
Sumenyas ako ng 'wait' kay Rare. Kinausap ko si Aira. Oo, si Aira lang.
"Aira ano ba problema mo? Malay ko ba na susunduin ako ng mokong na yun?" Sabi ko. "Ano? Di ka makasagot ngayun? Ha?" pagpapayuloy ko pa.
"Bobita ka talaga! Shempre di ako sasagot, ang OA mo kaya. Joke lang naman yun e!" sabi niya. Ako pa pala ang pahiya.
"Attention Highschool students, the audition for Glee, Dance and Drama Club is now open at the covered court." narinig kong sabi ng principal sa speaker.
Mag-audition kaya ako? Hmmmm....ano bang pede?
"You're thinking about it?" tanong ni Rare. Tumango ako. Di ko naman alam kung ano ang sasabihin ko e. Nilapitan ko si Mae at Mark at tinanong ko naman kung sasali sila dun sa clubs na yun. Tumango lang naman sila. Tinanong ko kung saan sila sasali. Sabi ni Mark ay sa Glee daw siya. Si Mae naman daw ay sa Journalism. Ayos! May kasama ako sa Glee.
Sabay kaming pumunta ni Mark sa club audition. Madami rin pala ang mago-audition. Nag-sign up na ako at number 26 ako. Nahagilap ng mata ko ang panglan ni Rare na nasa unahan. Kasunod ko naman si Mark.
Sana matanggap kami.
"Lahat ng mga sa glee club ay magduet except ang number 1. Ang magdu-duet ay ang number 2 and 3 and so on." sabi ni Sir Salazar, teacher namin sa mapeh. Which means kaduet ko si Mark. "Go to your respective partner." pagpapatuloy pa ni sir.
Pumunta na ako sa pwesto ni Mark. Napagkasundo naming ang kakantahin namin ay ang song na 'Lucky' by Jason Mraz. Syempre ako yung girl dun. Tinawag na ni sir ang unang magpeperform. Ang song niya ay 'Marry Your Daughter'.
"Very good, Mr. Punta Verde. Maipagmamalaki ka ng school na ito. Maganda ang boses mo."at kung ano-ano pang comment ni sir. Maganda naman rin ang delivery niya e. Delivery lang niya ang nagdala. Irap ako nang irap dito sa pwesto ko at napansin kong nakatungin sa akin si Mark.
Napa-iling nalang ako at napatawa siya ng mahina. Nagperform na ang lahat at kami na ang susunod. Kinakabahan ako.
🎶 Do you hear me I'm talking to you
Across the water across the deep blue
ocean under the....🎶Pagkanta ni Mark. Ang ganda ng boses niya grabe. Nakatingin lan siya sa akin. Tinitingnan niya ako ng worried face at napansin kong tapos na yung line niya. Kumanta na ako at nagfocus na.
"Nice voices. Tingin ko naman na matatanggap kayong dalawa. It's just.....just the part na hindi nagfocus si girl. Next time pag kayo ang nagteam up, focus ka na, girl. Panira yung part na yun." sabi ni sir.
I hope naman na matanggap kami. Pinaghirapan rin namin yun noh. Natapos na lahat ng mag-oaudition.
"The ones na matatanggap ay sina...........Mary and Ava,.............Neil and Kara,......Fytz and Aira,..........the one and only, *drumroll* Rare. And last but not the least,.......Zafra and Mark." sabi ni sir! Yesssss! Sa wakas, new friends, new best friends, and new co-singers. Hope this would be a great one.
Hinila ako ni Rare ng walang dahilan. Bakit kaya? Ano kayang problema nito?
"Come with me!" medyo napalakas ang boses niya. Galit kaya ito? Bakit naman?
"Rare, ano ba? Nasasaktan ako." sabi ko.
"Geez! Are you really a b*tch?" sabi niya. Napansin kong tumutulo ang luha ko.
"Ganyan ba talaga isip mo ha? At paano mo nasabi? May napansin ka ba?" medyo naluluha kong sabi
"May boyfriend ka na, Zafra! Tapos lumalandi ka parin?" sabi niya.
"Boyfriend? Ney wala ngang nanligaw saken e! Sige nga, sino yang tinutukoy mo ha?!" napapasigaw na ako. Binitawan niya dahan-dahan ang aking braso at napayuko. Umiling nalang siya at umalis. Pumunta ako ng restroom at nagpunas ng luha. Medyo namula yung braso ko.
Uwian na pala. Dumiretso na naman ako kayla Charlotte at nagkwento. Nakinig naman siya ng mabuti at nagbigay ng mga posibleng case kung bakit ginawa sakin yun ni Rare.
Someone's POV
Ang landi ni Zafra! Kala niya gusto siya ni Rare. Di niya alam na pinapaasa lang siya ni Rare.
"Nagawa ko lahat. Nagawa kong saktan si Zafra. Physical ang Emotional. Are you happy now?" oh si Rare pala.
"Don't you dare fall in love with her! Tandaan mo, this is just a drama! Nandito ka para saktan siya!" sabi ko
Kabisado ko si Rare. Iyang mukha niyang yan na naaawa kay Zafra. Alam kong mahal niya si Zafra. Kitang kita sa mukha.
------------
sorry kung maiklimlang po..sino kaya si Someone? hmmmm
