Chapter 3

9 0 0
                                    

I've never felt so lonely in my life before. As an extrovert, hindi ako sanay na hindi ako umiimik kapag may kasama ako pero minsan talaga ay nauubos ang social battery ko at hindi naiiwasan na mag mukhang wala sa mood at badtrip.

2 weeks into the SHS journey at parang gusto ko nang sumuko. Ang daming pinapagawa, ang daming deadlines, at marami pang nakakapressure na upcoming events this year.

Yes, I go by my motto "Take the risk or lose the chance," but is it really worth it? o puwede namang bitiwan nalang ang tsansa at hayaan nalang kung anong mangyari.

Nakaramdam ako ng pagyugyog sa balikat ko. "Lugmok ang baby ko ah?" saad ni Shine.

Hindi ko siya magawang tingnan man lang at ubos na ubos talaga ako sa mga nangyayari ngayon. I just shrugged at her at hindi na umimik.

I have a lot of projects to finish. Nag assign noong wednesday ng gagawa ng hazard map and report. They kept on asking me if puwede kong gawin 'yong ppt which I did pero hindi pa tapos dahil inantok na ako kagabi.

"Ry, tapos mo na 'yong PPT?" Liane asked me nang makita ako.

I just shook my head.

"Hindi pa, marami pang information na kailangan idagdag at may hindi pa naisesend 'yong kumuha ng mga litrato noong isang araw."

"Oh, ok. I'll have it sent mamaya sa gc natin para matapos na. We'll report na kasi sa susunod na araw tapos hindi pa tayo tapos. Ako na ang bahala sa paper report natin." hindi ako nagsalita at tumango nalang.

And as usual, Maddox has the photos kasi kagrupo ko siya. Napaka mapaglaro talaga ng tadhana. Kung kailan iniiwasan ko ang taong 'yon tsaka naman kami pinaglalapit.

Napaka mali na naisip ko pang kilalanin siya noong 2nd day! Bakit ko ba naisip 'yon? Baka natamaan lang ako ng kamandag niyang napaka delikado.

I still can't get over with that delusional stare noong first day tapos iyong nakakahiyang pangyayari noong nakaraang linggo and now I feel like I'm hallucinating! Pag nakikita ko siya ay iyon ang unang pumapasok sa utak ko. Like... get a grip, Ryziel!

Magkatabi kami ngayon at walang nagsasalita. Sa side niya ay ayos lang yata at baka casual lang 'yong nangyari but that tingly feeling kept creeping up on me.

Ako lang naman ang nagbibigay ng malisya sa nangyari and I don't know kung bakit binibigyan ko 'yon ng meaning. It's not like I'm interested in him na hindi naman talaga.

Nababaliw na naman ako. I should probably listen to some music right now. Nilabas ko ang earphones ko at inilagay iyon sa magkabilang tenga ko. I opened my Laufey playlist and clicked on "Falling Behind."

I was feeling the song until it came to my favorite part.

"'Cause the sun's engaged to the sky and my best friend's found a new guy.
I'm only getting older,
I've never had a shoulder to cry on... someone to call mine...
everybody's falling in love and I'm falling behind."

I lowly sang the song while tilting my head side to side. This free therapy really works for me. Parang kumakanta na ang mga ibon sa paligid ko at sa labas ng bintana'y sumasayaw ang mga puno. The curtains are flawlessly and smoothly sailing with the wind.

But I realized... the song's right. Everybody's finding their pair, even the sun and the sky, they perfectly belong together. While listening to the piece I always feel like I am really falling behind. Napag-iiwanan na nila ako.

They're happy with people by their side na makapag papasaya sa kanila while me? Well, I have Nian. I have some friends but I think it just hits differently kapag may certain person ka... your sky, soulmate, solace, and tranquility.

Since Day OneWhere stories live. Discover now