Chapter 1

3 2 0
                                    

Chapter 1:
New Journey

"Anak," My mother called, her expression is unreadable. "Handa na ba ang mga gamit mo?"

Tumango ako at hinarap siya. "Opo, naayos ko na ang iba kagabi. Kaninang umaga po ay nalagay ko na rin sa bag ang iba kong gamit."

Tumango ito at saka may inilahad sa akin ang nakasaradong palad. "Wear this,"

Pagbukas niya ng kaniyang palad, namangha ako sa ganda ng isang gintong kuwintas.

Saan naman kaya iyon nakuha ni Mommy? I've been living for eighteen years, I never saw this precious little thing. Sa palagay ko ay halos milyones ang halaga nito.

Tinanggap ko iyon. Ikinabit ko na rin iyon sa aking leeg. It looks so pretty. Ngayong suot ko ito, pakiramdam ko ay may dala akong milyong halaga.

"Is this a gift, Mommy?" Tumango siya bilang tugon, ang kaniyang labi ay bahagyang nakakurba. "Thank you!"

"Alagaan mo iyan dahil importante ang bagay na 'yan. Huwag na huwag mong iwawala ang kuwintas na iyan. Naiintindihan mo ba, Cel?"

I nod attentively. "Of course, Mommy! I will." I smiled softly.

"Good," Mahina nitong sambit. "I'll get something. Babalik ako." Matapos niya itong wikain, lumabas na siya sa aking kuwarto.

Muli kong binaling ang atensyon sa kuwintas. This necklace has five five colors --- red, blue, white, purple, and green.

Sa ganda nito, sigurado akong hanggang sa hukay ko ay kasama ko ito. Everything that Mommy gave is more than valuable for me.

Si Mommy nalang kasi ang mayroon ako. Simula noong nagkaroon ako ng isip, si Mommy ang lagi kong nasa tabi. Hindi ko alam kung nasaan ang ama ko. Maybe he's gone? Or he has another family. Tanging sa dalawa lang naman iikot ang sagot sa aking katanungan.

Walang ni isang detalye tungkol sa aking ama ang naikuwento sa akin ni Mommy. Perhaps she doesn't want to talk about my father. Tuwing tatanungin ko siya tungkol doon, iniiba niya lagi ang usapan. Iniiwasan niya iyon.

Ngunit noong huling natanong ko siya tungkol sa aking ama, may maikli ngunit sapat na sagot ang aking natanggap mula sa kaniya.

"You are exactly as your father."

So, basically, my father has a green eyes, pointed nose, and thin pinkish lips. Siguro, brown din ang kulay ng kaniyang buhok.

It's weird, right? Having those kinds of feature. Maaring isang foreigner ang aking ama, kaya ganito ang aking hitsura ngayon.

"Here, baunin mo ito." Inabot sa akin ni Mommy ang ginawa niyang cookies. Paborito ko kasi ang mga ito, lalo na kung siya ang may gawa.

"Thank you, My." Marahan ko 'yong nilagay sa loob ng aking totebag. Tatlo kasi ang dala kong mga lalagyanan ng aking mga gamit --- isang maleta, isang backpack, at isang totebag.

"Anong oras na po ba? Hindi pa ho ba tayo aalis?"

"Maaga pa, maya-maya na." Ngumiti ito. "Can I talk to you first?"

Tumango ako at inayos ang upo. My mother sat beside me.

"When you enter the academy..." Seryoso nitong wika. "Remember to always prioritize your safety. Hindi mo kilala ang mga naroon dahil bago ka lang, kaya huwag kang magtitiwala kahit kanino. Hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan, anak."

Selcouth AcademyWhere stories live. Discover now