Chapter 2

2 1 0
                                    

Chapter 2:
Selcouth Academy

"Welcome to Selcouth Academy."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Nang lumingon ako sa aking gilid, nakita ko ang isang lalaking nakasakay sa kabayo.

"You must be the girl Headmaster Phaius was talking about. The new student, am I right?" Tanong nito habang bumaba sa kabayo.

Wala naman sigurong iba pang transferee bukod sa akin, kaya napatango nalang ako.

"Well, nice to meet you. I'm Knight," Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay. I was hesitant at first, but I accepted it anyway.

Knight? Is that even a name. Ang unique naman no'n kung gano'n. Well, he does looks like a knight with his horse, wala nga lang siyang armor.

His feautures are unbelievably beautiful. Nakakamangha ang itsura ng lalaking ito.

"You do not have to tell me your name. Halika, dadalhin kita sa opisina ng headmaster. He is probably waiting for you."

"He is," Another male voice interjected.

Sabay pa namin iyon nilingon ni Knight. Isang matipunong lalaki ang nasa harap ko. Unlike Knight, his feautures are even more gorgeous. Gwapo siya, matangkad, at maputi. Marami sigurong babae ang nagnanais sa kaniya rito.

Walang emosyon itong naglakad palapit sa amin, nasa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon ang kaniyang mga kamay.

"What are you doing here, bro?"

"Headmaster Phaius assigned me for her. He's already waiting for her in his office." Naniningkit ang kaniyang mata. "If you don't mind, we'll go to the headmaster's office."

Hindi sumagot si Knight. Mas lalong lumapit sa akin ang lalaki. Kinuha niya ang aking maleta at backpack nang walang kahit anong salitang sinasabi.

Walang pasabi itong nag-umpisa nang maglakad. Nilingon ko si Knight, nararamdaman ko ang tensyon sa kaniyang titig sa lalaki.

"Pasensya na, kailangan ko nang umalis. See you when I see you, Knight."

"Hmm," Tumango ito. "Go with him, hahanapin nalang kita bukas. We can be friends, right?"

"Oo naman."

Muling tumitig si Knight sa lalaking medyo malayo na. Agad akong tumakbo para habulin siya. Nagawa ko namang makasunod sa kaniya, ngunit hingal na hingal ako.

How dare he leave me behind without a word? Hindi niya ba napansin na wala ako sa kaniyang likuran? Ha! Maganda nga ang hitsura, mahirap naman itong pakisamahan.

Muling bumalik sa isip ko ang malalim at matalim na titig ni Knight sa lalaking ito. Ano ba ang mayroon? Galit ba sila sa isa't-isa?

Snap it, Celestia! Wala ka nang pakialam doon.

Totoo ngang mahaba ang daan na ito. Halos manghina ang tuhod ko sa layo ng nilakad namin bago kami makarating sa tapat ng isang mataas at malaking tila kastilyong estraktura.

"This is the Selcouth Academy, if you're wondering." Wika niya pa bago lumakad papasok. Sinundan ko siya.

This school is amazing. From the long driveway with pine trees in the side, to this castle-like place! Ano pa ba ang nakakamanghang bagay mayroon ang academy na ito?

Wala akong nakitang studyante sa hallway. Sabado kasi ngayon, malamang ay walang pasok. Tahimik lang ang lugar na ito. Hindi naman siya nakakatakot dahil sa maliwanag na ilaw na nagbibigay ng buhay dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Selcouth AcademyWhere stories live. Discover now