Chapter 2-A teacher

0 0 0
                                    

"Good morning Ma'am!"

Binati sya ng mga estudyante nya pagpasok nya sa classroom. Private school to & dito rin nag- aaral ang kapatid nya. Na kasalukuyang nasa Grade 9 pa lang.

Grade 7 ang tinuturuan nya.

Nginitian nya ang mga ito at inajust ang reading glass nya.

Well, sa school nya lang ito ginagamit dahil malabo na talaga mata nya.

Kapag nasa mission sya, naka- contact lens sya.

Hindi naman naaapektuhan ang trabaho nya as a teacher sa pagiging secret agent nya.

Dahil ang trabaho nya kadalasan ay Gabi.

"Good morning class. Would you give some topics that we tuckled yesterday?"

Kilala sya bilang strict English Teacher.

Hanggang sa school dala nya pa rin ang pagiging cold.

Ito na talaga ako.

For some reasons...

Nagkanya- kanya ng taas ng kamay ang mga estudyante nya.

Dire- diretso na ang lesson nya.

Lunch break na.

Tumayo na sya sa upuan nya at nagsimula ng maglakad palabas ng classrom.

Nakasalubong nya ang dalawang co- teacher nya. Si Nette Dionson at Rica Jimenez.

Hindi nya na sana papansinin ang mga ito ng nagsalita si Rica.

"Jade, sabay ka na samin lunch tayo sa canteen "
Nakangiting aya nito sakanya ganon din si Nette.

Nagtataka nga sya kahit cold ang pakikitungo nya sa dalawang ito ay kinakausap pa rin sya.

Ang ibang co- teacher nila, galit sakanya dahil binansagan syang mataray at snob.

Pero wala syang pakialam sa mga sinasabi nila.

Tumango na lamang sya at nagsimulang maglakad uli.

Sinabayan siya ng dalawa.

Itong dalawang kasama nya lamang ang maingay at nagtatawanan sa canteen.

Simpleng tango at iling lamang ang sagot nya kapag may tinatanong ang mga ito sakanya.

Sanay na rin ang mga ito sa ugali nya.

Pero kahit ganon walang tigil pa rin ang mga ito sa kakakulit sa Kanya.

Mga teacher nga ang mga isip mas bata sa mga tinuturuan nila.

Napapailing na lamang sya at itinuon ang pansin sa kinakain.

"You used to be like that too "sabi iyon ng isang parte ng isip nya.

"Used..past tense. Dati yun "sabi naman ng isang bahagi ng isip nya.

Ipinilig nya ang ulo.

Nahawaan na ata sya ng kabaliwan ng mga kasama nya ngayon.

Dire-diretso na lang ang kain nya.At hinayaan nyang magdada ang dalawang kasama.

Sila na naman ang mapapagod.

Pero I doubt kung mapagod yan na dalawa.

Special talent nila yan.

Haysst..nagiging madaldal na ko.

Bahala kayo dyan.

Kakain na ko.






Brought Me Back BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon