Alliyah POV:Nang makarating kami sa resthouse nila Ella dito sa Batangas. Agad na kaming nagsibabaan at dumiretso ang mga iba sa kanilang mga kwarto. Habang ako naman dumiretso kay Barbie nang mapansin kung May pinagmamasdan sya sa magazine.
"Barbs! Ang laki ng ngiti mo huh, sino bang tinitingnan mo dyan"sabi ko tsaka napatingin sa magazine, pero si OA tinago sakin yung picture na nasa magazine.
"Hahahha, wala to tsaka hindi ko to ipapakita sayo"
"Bat naman, Sige na"pagpupumilit ko
"Ok sige na nga total naman May Josh Kana"wika nya. tsaka nya ito po pinakita sakin.
Agad na bumungad sakin ang magandang lalaki sa magazine, kaya pala....hmmm... Hindi na din ako magtataka pa ang masasabi ko lang he's really attractive bumagay din sakanya ang outfit nyang luxury wear.
"Huy! Akala ko ba loyal ka kay Josh bat ganyan ka makatitig sa baby boy ko"pang aasar ni Barbie.
Dun ko lang narealize na kanina ko pa pinagmamasdan ang lalaking nasa magazine.
"Huh, hindi naman"
"Alam mo ba isa syang taga-pagmana ng Law Firm sa Pilipinas at hindi lang yun marami pa silang mall sa ibang bansa"si barbs yan pinagmamalaki ba naman yung baby nya haha.
"So ano naman"
"Hahahha, sinasabi ko lang sayo na halos perfect na sya girl"
"Hahahha. Ok sige fine perfect na kung perfect, mauna na'ko sayo"bago sya magsalita naglakad na'ko papalayo sakanya mahirap na madaldal pa naman yun.
Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng kwarto namin ni Josh napatigil na lamang ako ng May marinig akong dalawang nag-uusap, kaya nakinig muna ako sa pinag-uusapan nila.
[Sh*t ayaw ko syang mag-alala]
Rinig kong sabi ni Josh pero hindi ko marinig kong ano ang sinasabi ng kausap nya.
[Sige bye na, mamaya Nalang natin pag-usapan to]
Rinig ko pang sabi ni Josh tsaka nya pinatay yung tawag.
Pagkapasok ko sa kwarto agad sya napatingin sakin.
"Kanina ka pa ba dyan?"
"Uhmm hindi naman kakarating ko lang"
"Ahh ok"
Napansin ko na parang malaki ang pino-problema nya, ano kaya yun?
Kahit gusto kong magtanong sakanya hindi ko magawa.
Ella POV
Habang tumutulong ako kay manang na magluto, biglang May sumingit tsaka ako tumingin sakanya at tinaasan sya ng kilay ng bigla nyang tikman ang niluluto ko.
"Gaga! Hindi pa yan luto"
"Ayy kaya naman pala ang tabang"
"Teka bat ba nasa baba kana, tatawagin ko nalang kayo pag ready na"
"Hays ang boring sa taas, Mag chikahan nalang tayo"
"Tas ano ang topic ulit natin yung baby boy mo"walang gana kong sabi sakanya.
Tch.iwan ko ibang-iba ang ugali naming dalawa, kahit kambal kami ni Barbie. Kung tutuusin sya ang kuya pero napapansin ko na parang mas madalas akong umakto na ate sakanya.
"Haha. Ikaw talaga sis!, sige na alam mo naman para sakin ang baby boy ang palaging bida sa topic"
"Hayst! Baliw kana talaga, ang mas mabuti pa maghanap ka muna ng iba mong kausap look busy ako sa pagluluto"
"Ok fine"tsaka sya naglakad papalayo.
Alliyah POV
Habang naglalakad ako sa tabing dagat. Hindi parin maalis sa isip ko kung bakit nagkakaganoon si Josh kahit hindi nya ipahalata sakin alam kong May pino-problema sya.
Pero teka lang kelangan kong malaman kung sino yung kausap nya kanina sa cellphone.
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang sumingit si Barbie kaya napatingin ako sakanya.
"Hi girl!, mukha yatang malalim ang iniisip mo huh. Tsaka napansin ko na hindi mo yata kasama si josh ngayon. Wait nag-away ba kayo?"
"Hahahha! Hindi no gusto ko lang talaga mapag-isa minsan"
"Ayy we! Hindi nga ba?!"sabi nya na parang hindi makapaniwala
"Haha. Oo nga!"
"Oh! Sya sabi mo eh, pero hindi talaga yan ang pinunta ko dito"sabi nya habang nakangiti"
"Oh ano?"carerious kong tanong.
"Wala kase akong ka-chikahan naisip ko kung pwede ka, si Ella kase busy sa paghahanda ng makakain natin"
"Hehe. Alam mo na yun girl "
Dahil sa sinabi nya mukhang alam ko na kung ano ang pag-uusapan naman.
"Tungkol to kay baby boy hehe"
Hahahha sabi ko na nga ba.
"Oh ano naman ang gusto mong i-chika tungkol sakanya?"
"Ganito kase yun alam mo ba kulang nalang maging perfect na sya, kaso lang maraming nagsasabi na masyado syang suplado at mailap sa mga tao"malungkot nyang wika.
"Ahh ok, pero teka lang ano bang name nya?"
"Diba pinakita ko sayo yung magazine, hindi mo chineck dun kung ano yung pangalan nya?"
"Oo eh, ano nga ba? Hehe"
"Hays paminsan-minsan May pagka slow ka din no hahaha!"
"Hahaha. Ano nga kase?"
"Xage ang name nya"
"Ahhh..."
"Ahh hahahaha!"
"Sorry kung boring akong kausap hehe..."
"Ok lang yan girl!, malay mo pag tumagal mas maging close tayo"
"Haha. Maybe yes"
Kahit kausap ko si Barbie hindi parin maalis sa isip ko, kung sino yung kausap kanina ni Josh at kung ano ang pinag-usapan nila, hindi ko rin maintindihan bat ako kinakabahan ng ganito.
****
Korawit Boonsri-Brayn Madrigal (Barbie)
YOU ARE READING
I Will Always Love You
RomanceHanggang kailan mo kaya kakayanin Lumaban kung mismong tadhana na ang naglalayo sainyo. What if sa huli marealize mo na Ikaw lang din pala ang lumalaban Para sa relasyon nyong dalawa? Lalaban ka parin ba kung Ang minamahal mo ay May Mahal ng ib...