CHAPTER 9:(PART 1)

1 0 0
                                    


Alliyah POV:

"Masarap ba?"tanong sakin ni Ella pagkatapos kung tikman yung niluto nyang bulalo.

"Oo ang sarap, paano ka pala natuto mag-luto ng bulalo, tsaka ngayon ko lang nalaman na marunong ka pala mag-luto"nakangiti kong sabi sakanya.

"Hehe. Na-surprise ka no! Naisipan ko kase na ibalik yung dati kung hobby sa pagluluto"

"Saan ka pala natuto mag-luto?"tanong ko sakanya.

"Kay Lola, nung bata pa ko tinuturuan nila akong magluto"sabi nya habang nakangiti pero kahit ganun kitang-kita ko ang kalungkutan sa mga mata nya. Maybe na miss nya ang lola nya.

"Siguradong matutuwa ang lola mo dahil namana mo Sakanila ang pagluluto"wika ko.

"Sana nga, teka lang wag na nga tayo mag-emote. Tawagin mo na sila haha!"

"Sige haha. Huyy! Baka pag iniwan kita dito tsaka mo ituloy ang pag e-emote mo"pagbibiro ko.

"Haha gagiks! Hindi nga!"

"Ok sige, pero wait si manang asan?" Nagtataka kong tanong sakanya.

"Nasa bayan, May nakalimutan daw syang bilhin"

"Ah ok sige, tawagin ko muna sila"

"Sige"nakangiti nyang sabi.

Tsaka na'ko naglakad papalayo sakanya.

--------

Nang makita ko silang nagkakasayahan habang naglalaro sa tabing-dagat, ako naman ay naglakad papalapit Sakanila.

"Guys! Tara na, ready na ang makakain natin"masaya kong sabi.

"Talaga! Good! Mauna na ako sainyo kanina pa ako gutom eh"sabi ni Bobby.

"Haha. Basta pagkain go ka talaga no!"natatawang wika ni Eunice.

Napansin ko na hindi nila kasama si josh, asan kaya yun?

"Si josh ba? Kanina nandito sya pero ngayon dumiretso sya dun"sabi ni Bobby tsaka May tinuro syang direksyon, teka ano namang gagawin ni Josh dyan.

"Sige, thank you pakisabi Nalang kay Ella susunod ako hahanapin ko muna si josh"sabi ko kila Eunice at Bobby.

"Sige"wika nilang dalawa.

Tsaka na'ko naglakad papalayo Sakanila.

----------

Nang makarating na'ko sa tinuro kanina ni Bobby napansin ko na walang katao-tao.

Sigurado ba talaga si Bobby na nandito si Josh mukhang wala namanng tao eh. Dun ko lang narealize na malapit ng dumilim ang kalangitan.

Nang papa-alis na'ko, napatigil na lamang ako ng bumukas ang mga nag gagandahang ilaw na naka display sa itaas, kaya dahan-dahan akong napatingin.

Na statwa ako sa sobrang ganda ng lugar naagaw ang atensyon ko ng makukulay na ilaw at mga petals na nasa sahig. Pero ang mas naka-agaw ng atensiyon ko ay walang iba kundi si Josh habang naka-upo sya sa harap ng piano at dun na sya pina-tunog ang piano instrument.

Napangiti na lamang ako ng i-play nya ang paborito kong piano song ang Canon in D, ng dahil dun naalala ko yung first meet namin. And I realized how lucky I am to have him. I'm extremely thankful because despite our differences and his parents disapproval, he's still fought for our relationship.

Nang matapos nyang mag-play ng piano tsaka ako nag lakad papalapit sakanya. When I got close to him, I hugged him tightly with a smile. In that moment I felt his loving embrace.

I Will Always Love You Where stories live. Discover now