Chapter 3

5 1 0
                                    

JAJIE

"Hoy,Jajie! Gising na!" paggising sa 'kin ni Daddy.

"Bakit na naman,Daddy?! Uutusan mo ba na naman ako?!" sabi ko ng tuloy-tuloy.

"May pasok ka ngayon,Jie! Bangon na!" bulyaw niya.

Hay.

Umalis na 'ko ng kama at pumunta sa hapag-kainan.

After 30 minutes...

"Pa! Alis na 'ko!" sigaw ko.

Hindi ko na siya inintay magsalita kaya lumabas na agad ako ng bahay.

Buti na lang talaga,ang lapit lang namin sa parahan ng jeep.

Kumbaga,walking distance lang sa 'min.

Pagkarating ko sa parahan ng jeep,nag-intay ako ng jeep.

Siguro mga after 20 minutes,nakahanap na rin ako ng masasakyan na jeep.

Aakyat na sana ako ng jeep nang biglang....may sumingit na babae. Naka Mars Restaurant uniform siya. Guess who's she.

Si Rechii.

"Putek! Kita mong nagmamadali eh!" bulyaw niya sa 'kin nang hindi ako tinitingnan sa mukha.

Buti na lang hindi niya ako tiningnan.

Baka makilala niya pa 'ko.....EPIC FAIL ang pagtago ko ng identity ko kung ganun. I might cry kung mangyayari yun.

"Akyat na!!!" sigaw nung jeepney driver.

Naghihintay na pala yung mga pasahero na umakyat ako ng jeep. Nakaakyat na pala sa jeep si Rechii ng hindi ko napapansin.

Umakyat agad ako at nagsorry agad sa kanila.

Habang nasa byahe,may naririnig akong parang tumutugtog na medyo malapit sa tenga ko...yung kantang pinapatugtog ni Rechii na naririnig ko galing sa earphones niya.

Tinanggal ko yung kaliwang earphone niya at sinabing,

"Nag earphones ka pa, rinig ko naman yang pinapatugtog mo."

sabay kabit ulit ng kaliwang earphone niya.

Nagtaka naman siya bigla.

"Hey,do I even know you?! Ano ba pake mo kung malakas akong magpatugtog?! Bwiset!" she said in annoyance.

I smirked.

"Concerned lamg po 'ko sa tenga mo,Ate. Baka mabingi ka kase. Rock song pa naman din yung pinapatugtog mo,psh." I said before I smirk again.

Tumingin ako sa mukha niya para tingnan kung ano ang reaksyon niya and Guess what? Namumula na siya sa galit. Mapaghahambing na yung kulay ng mukha niya sa kulay ng tomato,Haha.

"Anong sinabi mo?! Rock song tong pinapatugtog ko?! Putek! Kelan pa naging rock song ang Best Song Ever?!"sigaw niya.

Hindi ko naman alam na Best Song Ever ang pinapatugtog niya eh.

Akala ko naman kasi, kung anong indie rock ang pinapakinggan niya.

"Ano gusto mo ngayon? Lumuhod ako sa harapan mo?!" sabi ko.

"PESTE!!!! BUMABA NA NGA KAYO NG JEEP!" sigaw sa 'min nung manong driver.

Padabog kaming bumaba ni Rechii ng jeep.

"Wala na!!!! Sayang yung pinambayad ko!" sabi niya habang nakapout.

"Kasalanan mo yan! Ikaw nagsimula ng gulo eh." sabi ko na lang at iniwan siya sa gitna ng kalsada.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Kid Who Loves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon