Chapter 1

76 3 2
                                    

RECHII'S POV: 

"Mommy! Alis na po ako ah! Bye!" paalam ko sa mommy ko.

Nasa kwarto kasi siya samantang ako, andito sa may sala, kakatapos lang mag-breakfast.

Narinig naman siguro ni Mommy yung sigaw ko. Malakas naman kasi ang boses ko eh.

Tiningnan ko sa may wristwatch ko sa braso kung anong oras na. 8:30 AM na pala. Kailangan ko nang umalis para hindi ako malate.

~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|

9:00 na nang dumating ako sa may labas ng office ng Ninong ko na si Ninong Zinds.

Siya ang may-ari ng pinakasikat na restaurant ngayon sa Pilipinas, ang Mars Restaurant.

Natatawa nga ako tuwing naaalala ko kung bakit 'yon ang pinangalan niya sa restaurant niya eh.

Mars Restaurant. Mars Restaurant. Mars Restaurant.

Pag iniisip ko pa lang yung pangalan ng restaurant ni Ninong Zinds, natatawa na 'ko eh. Nagflaflashback tuloy sa 'kin yung usapan namin no'ng bata ako.

"Eh kasi, favorite planet ko ang planet Mars."

"Bakit niyo naman po naging favorite ang Planet Mars?"

"Eh kase, napakainit dun sa planetang yun. Parang ako, hot na hot, 'diba?"

"Hay nako, Ninong Zinds. Oo na,hot ka na."

What a lame reason.

Grabe,hanggang dito sa labas ang pila ng gustong magkatrabaho dito sa Mars Restaurant.

*KRINNNNNG* *KRINNNNNG*

Kanina pa ata nagvivibrate 'tong phone ko. Malamang sa malamang, si Ninong Zinds na 'to.

"Hello,Ninong?" sabi ko.

"Hoy, Rechii. Tagal mo naman pumunta dito. Nasan ka na bang bata ka?" bulyaw niya sa 'kin.

"Andito na ako Ninong...sa may labas ng Mars Restaurant Management. Hanggang labas kasi ang pila eh." pagdadahilan ko.

"Ano ka ba? Wag ka na makipagsiksikan dyan sa pilahan na yan! Dumiretso ka na agad dito sa office ko hanggang hindi pa nagsisimula ang interview." sabi na naman niya.

"Ninong naman eh. Unfair naman sa mga nauna sa'kin pumila kung bigla-bigla na lang ako papasok sa office mo." pagpupumilit ko.

"Ninong mo naman ang may-ari nito eh."

"Kahit na. Dapat fair treatment lang,Ninong. Haha."

"Psh. Just take the advantage na lang kasi. Do what you want dahil ninong mo naman ako eh. Gusto mo ba talagang makipagsiksikan dyan?"

Hmm. Kung ako nga naman ang papipiliin, itatake ko na lang yung advantage kaysa naman sa mangisay na ko dito kakaintay.

"Oo na,Ninong." sabi ko na lang sabay end call.

'Di na ko nagdalawang-isip pang pumasok sa loob ng Mars Restaurant Management. Yung iba nagtaka kasi nanguna pa 'ko sa pila.

Mga ilang-ilang floors din ang inakyat ko bago ako makarating sa office ni Ninong Zinds.

Bubuksan ko na sana yung pintuan papunta sa office ni Ninong Zinds nang bigla na lang akong harangan ng isang blond guy.

"Hoy Ate! Nangunguna ka sa pila ah! Hindi ba tinuro sa inyo sa school ang mga katagang "PLEASE FALL IN LINE",ha?! Tsaka hindi pa nga nagsisimula maginterview eh,papasok ka na agad?" sabi nito sabay akmang susuntukin ako.

The Kid Who Loves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon