❤️Chapter 1

12 1 0
                                    

Napakaganda at napakagara ang kasalukuyang bumabalot sa katawan ng isang dalaga na kulay asul kung saa'y may mga beads ito sa may bandang dibdib na mas lalong nagbigay buhay dito. Napapaligiran sya ng asul na bulaklak, lobo, kandila at pati na rin ang mantel ng mga lamesa. Nakalugay lamang ang buhok na may kulot sa dulo at ang kanyang make up ay napakasimple pero PERFECT ang dating sa dalaga.

"Jiyana!!!" Tawag ng isang matipunong lalaki sa kanya.

"Johnny.." Sagot ng dalaga. Na tinatago ang kakiligan.

Sabay hawak ni Johnny sa kamay ni Jiyana. Siya lang naman ang escort sa kanyang debut. He was so handsome in his suit, lalo na't nakangiti pa ito.

Abot langit ang ngiti ng dalaga dahil natupad na ang pinapangarap ngarap niya. Ang maging escort ang kanyang bestfriend kung saan ay matagal na nitong patagong iniibig.

Nagsayaw sila sa gitna ng bulwagan habang ang mga mata nito ay nakapako sa kanyang mukha. Ito'y dream come true para sa dalaga ang gabing iyon.

"May gusto akong sabihim na matagal ko nang gustong sabihin sa'yo." 'Di maipinta ang ngiti nito.

"Ano iyon?" Excited niyang tanong. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso habang inaantay ang sasabihin sa kanya.

"I..."

"You what?" Kunot ang kanyang noo habang bakas sa kanya ang pananabik sa kung ano man ang sasabihin niya.

Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ilalim ng unan nito..

Yun ang dahilan kung bakit naputol ang napakaganda niyang panaginip..

Kaasar naman oh!!! Paggiit nito sa kalooban. Sasabihin na kase sana ni Johnny ang gusto kong marining mula sa kanya. Grrrr..

Nang lingunin niya ang kanyang cellphone ay pagalit nitong hinugot, kung hindi lamang siya nanghihinayang dito, ay naitapon na sana niya ito sa tindi ng kanyang galit. Lalo nanaman siyang nagalit dahil paglingon sa kanyang orasan ay pasado ala una pa lamang. Haaaay.. Sino ba naman kase tong istorbo na ito...

Sinagot niya ang kanyang cellphone kahit 'di pa man niya nakikita kung sino ang tumawag sa kalagitnaan ng panaginip miya at kalagitnaan ng masarap niyang tulog.

"Hello." walang gana nitong sabi sa kabilang linya.

"Jiyana!" Isang salitang gumising sa kaluluwa nito at wala sa oras na bumangon nang mabosesan nito sa si Johnny ang nasa linya.

"Yes bestfriend? Ang aga mo namang nagising o hindi ka pa nakakatulog?" Ang inis na kanina'y ramdam niya ay napalitan ng tuwa.

"Hindi ako makatulog bestfriend." bakas ang lungkot sa tono ng boses nito.

"Bakit naman bestfriend? sa pagkakaal ko, wala sa dugo ko ang may insomia. Haha!"

"Kailangan ko kase ng sandalan.."

"Eto ako bestfriend oh. Nakaalalay lang sayo"

"Pasensya na ha kung naistorbo kita bestfriend."

"Okay lang. Ako ka ba naman. Basta ba ikaw! Ano bang meron bestfriend?"

"Si Patrice kase.. Nagaway nanaman kame kanina."

Napa-"haynaku" siya sabay higa ulet ngunit nakadikit paren ang cellphone sa tenga nito.

Okay lang naman sanang gisingin ako nito basta't wag lang dahil sa girlfriend niya. Haynakooo.. Hindi talaga kase ako boto dito eh, NAPAKAARTE.

"Nagaway nanaman kayo?" Pilit kong tinago ang pagkaasar at nag kunwaring interesado.

"Yup. Ayaw ba naman kaseng maniwalang nagpractice kame sa kabilang school dahil nakita raw kame sa SaveMall na kasama si Christine. Kaya't di naniniwala sa akin." Pagsusumbong nito.

"Aba! Problema na niya yon, nagsasabe ka ng totoo ngjnit di ka niya pinapaniwalaan?! Duhh." Hindi ko alam kung ramdam niya ang inis ko sa babae.

"Jiyana namann.. Ayokong magalit si Patrice sa akin. alam mo naman kung gano ko siya kamahal." sagot ng kabilang linya.

"Eh ano bang gusto mong gawin? ang sabe mo nga ay nagsasabe ka ng totoo bahala na siyanng maniwala."

"Baka maniwala siya kung ikaw mismo ang nagsabe.."

"Ano!??? Bakit naman ako nasali sa gulo niyo?"

"Favor naman bestfriend oh. sabihin mo sinamahan mo ko. Ganito ganyan para maniwala siya sayo."

"Baka isipon niya, kinakampihan kita.. Yung mga teammates mo nalang kaya? Baka maniwala siya sa mga yon?"

"Lalong 'di yun maniniwala dahil iisipin niyang kinuntyaba mko sila. buti pag ikaw, pareho kayong babae."

Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hay nako di ko talaga siya kayang ayawan.. "Oo na. Kakausapin ko na para sayo."

"Yeyyy!!" Bakas ang sayo mula dito. "Thankyou bestfriend. Thankyou talaga!!! Promise lilibre kita ng pizza pag napaniwala mo siya."

"Hayy.. Ewan ko sayo! Kung di lang kita ma.. Bestfriend." Buo ang kaba ko ng muntik akong madulas dito.

"Sige na bestfriend ha? Salamat talaga. Baba ko na to. tulog na tayo." Buti na lamang hindi niya napansin ang pagkadulas ng aking bibig.

Nanatili na lamang akong nakatitig sa kisame dahil di nako dinalaw ng antok.

-----------
Sana may magbasa. Thankyou. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon