CHAPTER 6

9 7 2
                                    

ZIHANNAH



Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Jusko lord, gusto ko lang naman maging mapayapa ang college life ko

bakit naman ganito

dahil sa pagkatapon ng kape dun sa lalaking iyon e nagkamalas malas na ang buhay ko

hays

humarap ako sa salamin at parang tangang kinausap ang sarili

"Kaya mo 'to self. Wag ka ngang kabahan, magpapanggap kalang naman. Pag tiisan mo nalang, isang buwan lang naman. Kesa naman magkaundada ka sa pagtrabaho para mabayaran lang 'yon no. " ani ko sa aking sarili at bumuntong hininga

Lumabas na ako ng apartment ko at naglakad patungo sa unibersidad ko.

Di nagtagal ay nakarating na ako, told yah malapit lang 'yong unibersidad na 'to sa apartment ko.

Naglalakad ako sa hallway, nilalasap ang preskong hangin. Preskong presko, ganito talaga siguro kapag malapit na ang kapaskuhan.

Marami-rami ang estudyanteng nasa paligid dahil sobrang aga pa, baka bored sa mga rooms nila.

habang nilalasap ko ang preskong hangin ay may kung sinong bumangga sa aking likuran

humalik ang pisngi ko sa sahig

arghh, pakshet

tinapunan ko ng tingin ang bumangga sa akin at nakita ko ang isang maganda, matangkad, at maputing babae

nakatayo ito sa harapan ko, basa ang uniform

agad akong tumayo at pinagpagan ang uniform ko, argh buti nalang sa semento ako nasubsob at hindi sa lupa, dahil kung sa lupa ay for sure maduming madumi na ang uniform ko

binalingan ko ito ng tingin at nakita kong nakakunot ang noo nito

"Bakit mo ak—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya

"Are you blind or something? Look what have you done! natapon ang ice coffee ko sa aking new uniform!" inis na sigaw ng babae

Aba? ako pa ang bulag? siya nga 'tong bumangga sa akin eh

nakita ko ang paglapit ng mga ibang estudyante sa amin, ang iba ay nag aabang kung anong mangyayari at ang iba naman ay nagbubulungan

"Omg, she's back"

"Hala, si Fiona ba 'yan?"

"Ang tanga talaga nang babaeng 'yan, noong una si baby Ace ang tinapunan ng kape, ngayon si Fiona naman" bulong ng babae sa kaniyang katabi

"Naku be, hindi niya kilala kung sino ang binabangga niya. " sabat naman ng babae

nagbubulungan pa e naririnig ko naman

So Fiona pala ang pangalan ng babaeng ito, not bad. Pero ang pangit ng ugali ah.

"Excuse me lang ah, naglalakad lang ako, ikaw ang bumangga sa akin. So maybe, ikaw ang bulag" sagot ko doon sa babaeng bumangga sa akin

nakita ko ang usok ng ilong nung babae, hudyat na napikon siya sa sinabi ko

muli kong narinig ang mga lamok sa paligid, argh bakit ang daming chismosa dito

"Omg! narinig niyo ba 'yon?"

"Malamang te, may tenga kami"

"Oh no, mukhang rambulan 'to"

HIS FAKE GIRLFRIEND Where stories live. Discover now