Pagkapasok palang namin sa Cafeteria ay maririnig na agad ang mga lamok sa paligid, i mean ang mga bulung-bulungan na naman ng mga estudyante.
Mga wala talagang magawa sa buhay. Daig pa ang mga tambay at marites sa mga kanto.
"Hoy nasesee niyo ba ang aking nasesee?" tanong ng isang babae
"Ace with her new girlfriend and ex-girlfriend"
"Omg, bakit sila magkasamang tatlo?"
"Anong meron?"
"Third wheel si Fiona"
"Mas bagay pa rin 'yong mag ex" rinig kong mga komento ng mga estudyante.
Hindi 'yon pinansin ni Ace at Fiona kaya hindi ko nalang rin pinansin. Pumwesto kami sa isang table. Akmang uupo na ako sa tabi ni Ace ng umupo roon si Fiona..
"Uh doon ka nalang. Mas komportable kasi dito" ani ni Fiona at ngumiti, halata namang peke.
Naglipat-lipat ang tingin ni Ace sa amin ni Fiona. Nginitian lamang siya ni Fiona. "What? Katabi lang naman kita. I'm sure she wouldn't mind, right?" tanong niya tsaka bumaling sa akin. Takte, ako na naman. Umupo nalang ako sa upuan na kaharap ng kanila. Mukhang okay naman si Ace na katabi si Fiona.
Naramdaman ko ang mga titig ng mga tao roon. Nasa aming table ang atensyon ng lahat pero parang walang nararamdaman ang dalawang ito.
"What do you want to eat, babe? I'll order" tanong ni Ace. Akmang sasagot na ako ng nagsalita si Fiona. "I want Lasagna and burger, please" saad niya habang nakanguso. Nagpapabebe ba 'to?
"I wasn't talking to you, Fiona. I was talking to my girlfriend" ani ni Ace at nilingon ako. Natahimik naman si Fiona at mukhang napahiya. Lalo kung narinig ang mga bulungan, malakas ang boses ni Fiona kaya narinig siguro ng iba.
"Uhm, p-pareho nalang ng sayo, b-babe" nauutal kong saad. Tanga! bakit may babe, pweee gusto kung masuka!
"Okay, I'll go and order" ani niya. "Pakiorder narin 'yong sa akin, Ace. Please" pabebe nitong saad. Arghh nakakairita kaya kapag nagpapabebe siya. Mukha siyang pato dahil pout siya ng pout. Mukha rin siyang abno kapag nagbebaby talk.
Ace only sighed and then left. Nakita ko naman ang pag smirk ni Fiona.
"What's your name?" tanong ni Fiona. Ayoko naman siyang i-snob kaya sumagot ako. "Zihannah. Zihannah Elyse Fernandez." ani ko. "Ikaw?" tanong ko sakaniya
"I'm Fiona. Fiona Montenegro. I'm sure you know me, Zihannah. I'm Ace’s girlfriend" kaniyang ani. "Ex-girlfriend" pagtatama ko. Inirapan lang ako nito
"Whatever, i’m sure babalik siya sa'kin. He is mine, forever mine." ani niya, dewow tinanong ko? "I know he still loves me, can’t you see? He is supposed to stay away from me kung nakamove on na siya, but look. He can't even resist my charms." ani niya, my charms my charms ka diyan.
Sarkastiko ko siyang sinagot. "He’s just trying to be friendly. Minsan ka rin niyang minahal, napakadelulu mo naman" ani ko. Namumula na ito at kunot na ang noo. She looks pissed. Dahil ba sa sinabi kong delulu siya?
Pero mahal pa naman talaga siya ni Ace. Eyes never lies. Nyeta, bakit ba kasi ako nasangkot dito.
Biglang bumago ang awra ni Fiona at bigla itong naging masaya. May nginitian siya at paglingon ko si Ace na iyon. Ngumiti ako kay Ace at ngumiti ito pabalik, hindi ko alam kung para sa akin ang ngiti na iyon o para kay Fiona.
YOU ARE READING
HIS FAKE GIRLFRIEND
Romance"You're going to be MINE. MY FAKE GIRLFRIEND, whether you LIKE IT or NOT." he said in a deep manipulative yet sexy voice.