Mardy Arzon Laniosa
Kakayari ko lang maligo at mag ayos nang aking sarili na ngayon ay papunta na sa school, Nag coffee nalang ako kase pag mag breakfast ako ay baka masuka lang ako, Hindi kasi ako sanay.
Lumabas na ako nang bahay at nag paalam na kay mama na papasok nako. Maglakad nalang daw ako kase sayang pamasahe at maaga panaman daw. Pumayag nalang ako para narin ako'y ma exercise.
Habang nag lalakad naalala ko na dadanan ko yung bookstore ,sabi kase ni Ashiro na dumaan ako dito at ibili siya nang kanyang binabasa. Pumasok ako't nakitang kakaunti lang ang tao. Mabuti na'yon para mabilis kong mahanap yung librong sinasabi ni Ashiro.
Kanina pa ako palibot-libot hindi ko mahanap yung librong iyon.aalis na sana ako ng biglang may matanaw akong libro kulay Green sabi ni Ashiro green daw ang kulay ng libro ito na siguro iyon nakalimutan ko kase yung title eh, dalawa ang green kaya 'di ko alam kung alin dito yun.Kinuha ko nalang parehas.
"Ito nga po" at nilagay yung dalawang librong green sa harap ng babae,may ka idaran narin mga nasa 70 pataas siguro.Nag taka ako kase palipat lipat ang tingin niya sa libro at sa'kin.At ngumite siya,okay lang ba siya?
Nag bayad na lang ako't lumabas.
Malapit lang ang school rito kaya mabilis lang akong nakarating. Pumunta na ako sa room namin at nakitang nakaupo si Ashiro at nagbabasa. Nagbabasa nanaman siguro ng bl daw.
"Ashiro" pag tawag ko sakanya, lumingon siya kaya inangat ko ang librong pinapabili niya, dali-dali siyang pumunta sa'kin at kinuha ang libro.
"mardy bakit dalawa to? " tanong niya. Oo nga pala nakalimutan ko.
" 'di ko kase alam kung alin dyaan eh kaya binili ko nalang parehas,nakalimutan ko kase title eh" Kinuha ko nalang ang isang librong green at sinabi kong pupunta na'ko sa upuan ko.Tumango-tango siya at nag pasalamat na.
Nang maka upo na ay sakto ang pag dating ng aming guro.
Nang matapos na ang klase ay dumaretso na ako sa canteen, Hindi ko kasabay si ashiro ngayon dahil nagbabasa nanaman,papabili nalang daw siya. si Ashiro ay nag iisa kong kaibigan at isa s'yang bakla, katulad ko, oo bakla ako inaamin ko pero yung pananamit ko ay hindi mga pambabae yung iba kase gusto pambabae, si ashiro hindi rin gusto ang pambabaeng suot kaya sa umpisa ay dimo kami aakalaing bakla.
Gwapo daw kami sabi ng mga babae. hindi sa pag mamayabang ah pero tama naman sila, pero ang mga lalaki ay sinasabi samin na mas lamang ang muka naming pambabae.
Noon ay may umamin sa'kin na babae, nireject ko at sinabi ko na hindi ko gusto ang babae, pero mas naging okay daw yun dahil ayun daw type niya.
Namili na ako ng pagkain namin ni ashiro. pabalik na'ko ng makita ko ang babaeng matanda kanina sa bookstore, ngumiti siya sa'kin ng mapansin nakatingin ako sakanya.weird talaga siya.
Hindi ko nalang siya pinansin at nag dare-daretso nalang papunta sa room, Ibinigay ko na ang pagkain ni ashiro at umupo sa tabi niya. kada subject kase palipat lipat ng upuan may seating arrangements kase, susunod na subject tabi na kami kaya dito na ako umupo para 'di na'ko tatayo mamaya.
"hiro, hindi kaba tinatamad mag basa,kanina kapa d'yan eh" sabi ko, ang boring kasi wala akong ka usap hayts. "hiro, hindi kapa ba yari d'yan" umiling lang siya. hayts nakakainis.