Confession
"Oh fuck lumingon!" bulalas ni Venus, ang bestfriend ko.
Nagulat naman ako kaya't tumingin ako sa gawi ni Nathan.
Is this true? Like hell. Am I just dreaming? O baka naman sa likod ko siya tumingin?
To make sure, lumingon ako sa likod ngunit wala naming ibang tao doon.
Napa-lunok na lamang ako.Why is he looking?Sandy wake up. Now!it's not funny.
Nagulat ako ng ngumiti pa ito sa direksyon ko.Para akong nabato sa kinatatayuan ko ngayon, anong nangyayari? Why is he smiling at me? Is it really me?
I froze for a moment. My brain is still absorbing what just happen.OMG did he just smiled at me? he even stared!
Nagulat na lang ako may sumampal sakin kaya't lumingon ako sa direksyon sa nagsampal sakin.
"Huy gaga. Akala ko nawala na yung kaluluwa mo sa katawan mo." Sabi ni Venus sa akin.Na-realize ko na matagal din pala ang pagkaka-tulala ko.
"Edi wow" sabi ko sakanya at hinawakan ang pisngi ko.Masakit din yun ah, minsan talaga may pagka brutal din 'tong bestfriemd ko eh.
"Eddie Garcia" sabi naman niya at tumingin muli sa sa direksyon ni Nathan.Aba, ayaw mag patalo ha?
"Eddie Murphy" hirit ko muli sakanya.
"Ed--- ay wala na akong maisip. Tama na naglo-lokohan na tayo dito" sabi niya sa akin at nagbayad sa tindero ng mangga at mais sa harap ng school namin.Ayan kasi.
"Tara na uwi na tayo. Venus, pm me okay? Bye Eliza" sabi ko sakanila.
"Oh sure. Bye Idol and Venus. See ya tomorrow" sabi ni Eiza sa amin.
"Good. Get out of my sight shoo-shoo" sabi ni Venus sa amin with matching "go away" hand gesture pa.
Nag-simula na akong maglakad.
Lumingon muli ako para maglast look kay Nathan.
Nakita ko siyang lumingon sa pwesto namin nila Eliza kanina at napa-ngiti.
Nakita ko si Venus na sumi-sigaw ng bahagya ngunit tumatawa siya na halatang nakikipag-biruan sa tindero.
"Huh? Anong meron?" bulong ko sa sarili ko.
Baka may-Hindi. Imposible yun. May gusto si Nathan kay Audrey.
At oo. Ang saklap ng buhay no? Yung may gusto ka sa isang tao pero may gusto siya sa ibang tao.
Napa-hinga na lang ako ng malalim at naglakad ng mabilis papunta sa kotse at pumasok.
Pina-andar naman ito agad ng driver.
--
Kalahating oras din ang byahe papunta sa bahay.
"Uminom ka ba ng gamot mo kanina anak?" pamungad na sabi ni mom.
" Yes mom. I always do" sagot ko naman sakanya.
"That's a relief, I thought you'll forget it" sabi niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
