Unexpected Love(part2)

117 6 1
                                    

Sophie: Oy. Henri ano ba? Pwede ba tigilan mo na si Carter!

At kayo mga boys, akala niyo nakakatuwa kayo e. Paulit ulit niyo nalang ginagawa yan.

Henri: Kinausap ko lang naman siya e.

Sophie: O. Sige! Kinakausap mo nga sya. E, bakit mo naman sya kinausap? Pwede ba? Tigilan mo na?

Henri: Tinanong ko lang sa kanya, bakit hindi ka niya makita. Bakit hindi ka niya mapahalagahan. At bakit hindi niya magawang magustuhan ka.

-Aray! Ipagsigawan daw ba?

Sophie: And so? Ano namang paki mo?

Henri: Pakialam ko? Kasi ayaw kitang nakikitang nasasaktan. Nung isang araw, hinarana kita, wala lang sayo. Pero siya, lumabas lang ng classroom sobrang affected ka na. Iniisip lang naman kita.

Sophie: Ako ba ang iniisip mo o yung sarili mo?

Henri: Ikaw. Concern lang ako sayo dahil nga gusto kita.

Sophie: Pwede ba? Tigilan mo na to! Tigilan mo nalang ako. At higit sa lahat tigilan mo na si Carter. Pag nagawa mo yan? Baka sakaling matuwa pa ko!

At kayo boys, wag kayong EPAL at papansin ha? Hindi nakakatuwa e.

At, ikaw naman Carter! Halika nga dito.

Carter: Ano ba yang ginagawa mo?

Sophie: Ipinagtatanggol ka.

Carter: Hindi ko kailangan yun.

Sophie: Carter naman, oo babae lang ako. Pero kapag usapang ikaw,nanghihina ako lalo na sa mga nalaman ko.

Carter: Sige. Kunin ko lang lunch ko.

Sophie: Uy. Ano ba? Sasamahan kitang kunin lunch mo.

Carter: Bahala ka nga.

Sophie: Carter! Bakit ba hindi mo pinagtanggol yung sarili mo?

Carter: Sa tingin mo ba magkakaron ng peace kung papatulan ko pa sila? Bakit ko kailangang pag-aksayahan ng oras ang ganong walang kwentang bagay?!

Sophie: *natahimik *teary eyes

Carter: Oy. Ayos ka lang?

Sophie: Please? T.T

Carter: Ha?

Sophie: Please? Wag mo naman akong iwasan. *iyak

Carter: Ano?

Sophie: Bakit mo ba ako iniiwasan? *iyak

Carter: Ha? Uy. Tumahan ka na. Sophie. Wag kang umiyak. Uy. Uy. Wag kang ganyan.

-Aw. Kahit papano nung mga time na yan, ramdam kong concern siya sa akin. Alam kong napakahalaga para sa kanya yung sasabihin ng ibang tao, pero nung mga oras na yun, pinapatahan niya lang ako kahit na madaming nakakita sa amin na ibang estudyante. Nakakatouch! Bigla kong na-feel yung Carter na kausap ko sa library. Seryoso! Yung totoong siya.

Carter: Uy. Please. Tumahan ka na. Ayos na yun. Wag mo ng isipin yun. Wag ka ng magalit sa kanila.

Sophie: Ikaw kasi e. Lagi mo kong pinag-iisip.

Carter: Huwag mo kasi kong isipin. Hindi kailangan okay? Sige na. Tahan ka na. Gusto mo siomai?

Sophie: To siomai love for you?

Carter: Hindi. O? Nagsisimula ka na naman e. Tigilan mo na yan. Mag-lunch ka na. Sige na.

-Grabe. Ang hinahon ng boses nung kausap ko siya. Nanibago ako pero ramdam na ramdam ko talagang siya yung kausap ko nun. Omo! Sana lang wag na siyang umiwas. Sana.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon