Isang larawan ng nakaraan ang aking tinitingnan
Ala-ala ng nagdaan
Na nakuha sa aking munting kahong taguan
Kahon ng sapatos na punong puno ng mga bagay
Mula noon magpahanggang ngayonIsang larawan kung saan habangbuhay na makikita ang mga ngiti sa ating mga labi
Ngiti dahil sa kasiyahan
Halakhak dahil sa mga kalokokan at asaran
Masasayang harutanIsang larawan kung saan magkakasama tayong magkakaibigan
Nangakong walang iwanan
Nandyan lang magpakailanman
Dadamay sa kalungkutan
Sabay na tatawa sa kasiyahanPagkat dito sa larawang kupas,
Mga ala ala ng nakalipas
Ay mananatiling wagas