Larawang Kupas

29 0 0
                                    


Isang larawan ng nakaraan ang aking tinitingnan
Ala-ala ng nagdaan
Na nakuha sa aking munting kahong taguan
Kahon ng sapatos na punong puno ng mga bagay
Mula noon magpahanggang ngayon

Isang larawan kung saan habangbuhay na makikita ang mga ngiti sa ating mga labi
Ngiti dahil sa kasiyahan
Halakhak dahil sa mga kalokokan at asaran
Masasayang harutan

Isang larawan kung saan magkakasama tayong magkakaibigan
Nangakong walang iwanan
Nandyan lang magpakailanman
Dadamay sa kalungkutan
Sabay na tatawa sa kasiyahan

Pagkat dito sa larawang kupas,
Mga ala ala ng nakalipas
Ay mananatiling wagas

Larawang KupasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon