"Aisha..." tawag ni Colton.
Napatingin agad si Kael sa kanya, at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa-isang tensyon na walang salitang kailangang sabihin.
Agad namang umiwas ng tingin si Colton, napalunok nang bahagya, tila nagtatago ng isang emosyon na hindi niya kayang ipakita.
"Tita Aisha!" sigaw ni Aishka habang masiglang tumatakbo patungo sa kanya, walang pakialam kahit hinihingal na.
Pagdating sa harapan ni Aisha, agad niya itong niyakap nang mahigpit, para bang ayaw na niyang pakawalan. "Miss na miss kita, Tita!" bulong ni Aishka, habang nakasubsob sa dibdib ni Aisha. Napangiti si Aisha at marahang hinagod ang likod ng bata, puno ng saya at lungkot na naghalo sa kanyang damdamin. "Miss na miss din kita, Aishka," sagot niya, pinipilit itago ang luha sa kabila ng napakalaking kagaanan ng loob sa muling pagkikita nila.
Habang magkayakap sina Aisha at Aishka, lumapit na lang sina Kael, Colton, JC, Aubri, Glen, at Seina sa kanila.
"Aisha, buti naman at nandito ka lang," sabi ni Glen, halatang nakahinga nang maluwag.
"Aisha, pasensya na, hindi ko kasi matiis ang mga 'to," sabi ni Seina, medyo nahihiya. "Masyado silang nag-aalala para sa'yo."
"Okay lang, Seina," sagot ni Aisha, sabay ngiti.
Nagkatitigan naman sina Kael at Aisha, at para bang tumigil ang oras. Sandaling naging tahimik ang lahat, tila may di-mabigkas na damdamin sa kanilang mga mata.
Nang biglang sumulpot ang isang hotel staff, magalang silang kinausap. "Excuse me, sir, ma'am. Ihahatid ko na po kayo sa inyong mga kwarto," alok nito, habang magalang na itinuro ang direksyon papunta sa elevator.
Nagkatinginan ang grupo at tumango. Isa-isa silang sumunod sa staff, hawak-hawak ni Aisha ang kamay ni Aishka, habang ang iba naman ay tahimik na naglakad sa likuran nila.
Habang tahimik na naglalakad sina Aisha at Aishka sa labas, naramdaman ni Aisha ang titig ni Aishka na tila may gustong itanong. Sa wakas, nagsalita si Aishka, hindi na mapigilan ang pag-uusisa.
"Tita Aisha..." mahinang tawag niya.
"Hmm?" sagot ni Aisha, bahagyang nagulat.
"Bakit po hindi ka nagpapakita sa'kin?" tanong ni Aishka, halata sa boses ang tampo.
Napatigil si Aisha, hindi inaasahan ang tanong ng bata. Natigilan siya at pansamantalang hindi nakapagsalita. Alam niyang nasasaktan si Aishka dahil sa kanyang pagkukulang, at nakaramdam siya ng guilt sa kanyang puso.
"Pasensya ka na, Aishka," sagot niya nang may pilit na ngiti, "busy lang talaga ako."
Ngunit ramdam niya ang lungkot at tampo sa mga mata ni Aishka. Hindi na kumibo ang bata at ipinagpatuloy ang paglalakad, hawak pa rin ang kamay ng kanyang tita ngunit may bahagyang paglayo sa kanyang mga hakbang.
Tahimik lang silang naglakad, at nakaramdam ng bigat si Aisha. Napagtanto niya kung gaano kababaw ang kanyang sagot at kung gaano nito nasaktan si Aishka.
"Miss na miss po kita, Tita Aisha," bulong ni Aishka, kasabay ng bahagyang pagpigil ng luha. "Alam mo ba yun? Lagi po kitang iniisip at pinagdarasal ko na sana sumama ka sa'min ni Papa tuwing weekend... pero hindi ka naman po dumarating."
![](https://img.wattpad.com/cover/374566156-288-k729991.jpg)
YOU ARE READING
ATTORNEY LIM
Action"Mahal kita, Aisha at alam kong mahal mo pa rin ako!" "May asawa na ako, Kael"