ABEL
The boom of the music is heard outside the gate; it was loud. Syd and I are waiting for our friends dahil kasabay nila si Radio, na may dala ang invitation namin. May mga bouncer sa labas ng gate para masigurong walang mangyayaring hindi maganda.
Dumating ang sasakyan ni Cisco sa tapat namin ni Syd, at nagsibabaan silang lahat. Pero isa lang naman ang hinahanap ko—si Conan.
He is wearing a pink shirt and pants, at inakbayan siya ni Cisco pagkababa niya sa sasakyan. Close na sila? tanong ko sa sarili ko.
Tumabi ako kay Cisco na nakikipagtawanan sa kanya. Tumingin ito sa akin at nginitian ako; binalik ko rin iyon sa kanya. I whispered something to Cisco. "Close na kayo?"
"Yeah, ang funny niya tapos outgoing person pa," sabi niya, kaya tumango naman ako. Pumasok kami sa loob ng bahay nila Lori. Everyone greeted us; they were expecting us to be here.
"Look who's here, the 3CESRA!" bati sa amin ni Lori. Excited siyang lumapit sa amin, pero itong si Cisco ay walang pakialam sa kanya at patuloy lang ang pakikipag-usap kay Conan.
Niyakap niya si Cisco, at Cisco let her, pero halatang walang ibig sabihin iyon sa kanya. Sanay na siya. He doesn't hate Hugo's sister—he hates his brother.
Napatingin si Lori sa katabi niya, si Conan. "A new face, huh? I didn’t know," she sarcastically said, tiningnan pa niya ito mula ulo hanggang paa. Dumako ang mata niya sa braso ni Cisco na nakaakbay kay Conan.
Nakita kong tumaas ang kilay ni Conan sa kanya, pero hindi na siya pinansin ni Lori. "Enjoy the party!" she said, at umalis, halatang iritado.
Nakipagsiksikan kami sa mga tao; tumabi ako sa gilid ni Conan para hindi siya mabangga ng mga sumasayaw sa gitna.
"Just be close to me," bulong ko, at tumango siya. Nakapunta kami sa table na ni-reserve nila Radio. The girls were there gossiping about something again.
Pinsan iyon nina Cisco at Exis, at kaibigan nila si Lori kaya narito sila.
Nawala sa tabi ko si Conan at pumunta sa tabi ni Chance, na nakaupo. Niyakap siya nito, kaya napataas ang kilay ko.
"I miss you, Conan! Ayaw ka kasi ipakita sa amin ni Chico," sabi ni Chance, sabay tingin ng masama kay Chico na walang pakialam sa kanila.
"Ano ba 'yan, Chance, nagpapakalat ka na naman ng maling information tungkol sa akin. Magkakasama kaya kayo nina Giselle kahapon," sabi ni Exis. "Hindi man lang nag-aya," pagtatampo niyang sabi, at natawa naman ako sa inaasta ni gago.
"Girls’ time iyon, Exis," sabi ni Cherry sa kanya.
"Eh bakit si Co—"
I interrupted Exis. Inakbayan ko siya at tinakpan ang bunganga niya. "Alam mo, dude, kumuha na lang tayo ng drinks. Dami mo na namang sinasabi," at nagsitawanan naman sila Cisco. We gladly walked away from the girls' table at iniwan roon si Conan.
I'm glad the girls like him. Habang kumukuha kami ng drinks, lumakas ang hiyawan ng mga tao. Kasama ko ngayon sa kusina si Cisco dahil ang ibang tropa naman ay nasa iba nang gimik.
Sumandal ako sa counter sa kusina at tinanong si Cisco, "How's life with Gia, dude?" I asked, at tumigil naman siya sa ginagawa niya.
"Fine, I guess? She’s going back next month after she visits her grandparents in Canada," he said, sabay inom mula sa cup na nilagyan niya.
Tumango ako, hinanap ng mga mata ko si Conan na wala sa upuan ng mga girls. Hinanap ko siya kung saan-saan, at nakita ko siyang kasama sina Exis sa pool area. They were laughing with him. May kung ano akong nararamdaman na hindi ko mapaliwanag.