Ivan POV
"Ivan aalis na kami, magandang gabi." Sabi niya at kumaway. Kumaway din ako na ginaya siya na panglambot na kamay.
"Sige paalam," sambit ko.
"Itigil mo 'yan Ivan para kang bakla!" sabi niya. Tumawa pa siya. 'Ano ba talaga 'yang bakla. Parang madalas na akong tinatawag ni Prinsesa Cassandra ng bakla.'
"Mahal na prinsipe," tawag ni Hanz. Ang kawal na sinama ko sa mundong ito.
"Bakit Hanz?" tanong ko sa kaniya. Habang ako ay nakaupo at siya ay nakatayo.
"Sigurado ka bang siya po ang mahal na prinsesa na pinapahanap po sa inyo?" tanong niya sa akin.
"Sigurado ako dahil sa kaniyang tatak sa kamay at umiilaw ito pag lumalapit ako at nakakabasa rin siya ng mga sulat galing sa Fairy Land at malapit na siyang maging prinsesa." Mahaba kong sagot sa kaniya ng seryoso.
"Mapapahamak po kayo sa inyong ina mahal na prinsipe," sabi ni Hanz.
"Handa akong isugal ang buhay ko Hanz, para matigil na ang kahibangan ng aking ina." Sabi ko at tumayo na nasa bulsa ang mga kamay. "At s'yaka tutulongan mo naman ako hindi ba?" tanong ko sa nakayuko kong kawal.
"Opo naman mahal na prinsipe," sabi niya. Lumingon akong muli sa kaniya.
"Huwag mo na akong tawaging mahal na prinsipe, dahil hindi ako karapat-dapat. Dahil ang trono at palasyo ng mahal na Prinsesa Cassandra at ng pamilya niya ay inangkin ko at ng aking ina, tawagin mo na lang akong Ivan." Mahabang sagot ko. Dahil 'yun naman ang totoo.
"Ngunit mahal na prinsipe. . ." Angal niya sa mga sinabi ko ngunit pinutol ko ito.
"Kaibigan kita Hanz at Ivan narin ang itawag mo sa akiBar Mitzvah and Bat Mitzvah .n." Sabi ko at umalis na doon.
"Opo Ivan," sagot niya na mahina ang tinig ngunit ito'y dinig na dinig ko. Pumasok ako sa aking silid tulogan at pinakawalan ang mabigat na hangin. 'Kailangan kong magpanggap na isip bata para hindi nila mahalata na binabantayan ko si Prinsesa Cassandra. Pinag-aralan ko naman ang mga bagay na mula dito sa mundong ito'. Pumikit ako at inisip ang mga baliw na mga ginawa ko.
"Aking ina patawad kung tatraydorin kita," sabi ko. Bago muling ipinikit ang aking mga mata.
~
"Ivan." Tawag ng kung sino.
"Tita Kim, Tito Ian." Sambit ko sa dalawang magulang ni Prinsesa Cassandra.
"Ivan, protektahan mo sana ang aming mga anak." Sabi ni Tito Ian.
"Sila ang tagapagligtas," sabi ni Tita Kim. 'Sila? Ang akala ko si Prinsesa Cassandra lang. Hindi ko maintindihan pero sumagot na lang ako.'
"Opo," sagot ko.
~
"Ivan!" Sigaw na nagpagising sa akin.
"Bakit ka ba sumisigaw Hanz?!" Naiirita kong tanong.Sigawan ka ba naman na mismo sa tenga mo. F*ck sh*t talaga ito. Hay! Nagamit ko pa ang masamang salita dito sa mundong ito.
"Mahuhuli na po kayo sa iyong pasok." Sagot ni Hanz. 'Oo nga pala, magpapanggap na naman akong isip bata.' Umalis na kami ng condo unit at dinala ko narin ang aming ginawang proyekto.
~
"Yanagi, Prinsesa Cassandra!" Sigaw ko at tumakbo sa kanila.
"Oh Ivan," bungad ni Yanagi sa akin. Nakangiti pa siya.
BINABASA MO ANG
MAGICAL SERIES 1: The Long Lost Princess (Book 1 The Arrivals)
FantasíaSi Cassandra ay nabuhay sa mundo ng mga tao, her life was so much like a fairy tale life. Isa siyang anak ng isang mayamang businesses man sa kanilang bansa, her life was perfect. Until one day she and her friend Yanagi saw a handsome guy that wear...