“Pauwi ka na ba, Love?” Tanong ng nobyo ni Yna sa kabilang linya ng tawag.
“Nag aabang na ako ng Jeep.” Sagot pa ni Yna sa nobyo habang palinga-linga sa magkabilang daan.
Halos bilang na lamang ang dumadaan na sasakyan, halos kotse lahat.
“Ikaw, matulog kana. Mag aalas onse na, Love. I will be safe, makakauwi ako ng buo.” Pinagsabihan at binilinan pa ni Yna ang nobyo.
Matapos sabihin iyon ng dalaga ay may natanaw siyang Jeepney, dahilan para agad niya itong kawayan para pumara.
“Okay, itext mo na lang ako kapag nakauwi ka.” Bilin ng nobyo.
Agarang huminto ang Jeep na pinarahan ni Yna dahilan para agarang paglakad nito papunta roon, mula sa pinaghihintayan niya pa kanina ng masasakyan.
“Ito na sasakay na ako ng Jeep. Bye, Love. Mwuah!” Paalam pa ni Yna.
Bago tuloyang makasakay at maupo sa pinakahulihan ng Jeep. Marami siyang napunang kasabayan na pasahero ngunit tahimik ang lahat. Wala kahit isa ang nagsasalita, ngunit nakatingin sa kaniya lahat ng mga pasahero. Para bang nagtatanong o nagtataka kung bakit nakisakay siya. Nakaramdam naman si Yna ng pagkailang kaya nginitian niya ang mga ito, saka ibinaling ang tingin sa driver at kundoktor ng Jeep sa unahan. Napansin niya pa kasing hindi pa sila umaalis kaya patanong niyang ipinaalam iyon rito.
“Hindi pa po ba tayo aalis?”
“Ikaw lang ba?” Usisa pa ng driver kay Yna.
“Opo, ako lang naman po mag-isa na pasahero sa pinaghihintayan ko.” Magalang pang pagsagot sa driver ni Yna.
At agad na sinabi na rin ni Yna kung saan siya mamaya bababa. Sabay pasuyo sa katabi na ibigay sa driver ang bayad niya. Isang buong limang peso at limang peso na peso.
Ayaw pa abotin ng katabi na katabi niya ang pamasahe niya. Kaya ipinasuyo niyang iyong muli.
“Ale, pasuyo naman po. Bayad ko po iyan, pake pasapasahan at ibigay kay Manong driver.”
Tinitigan pa siya ng Ali, nang matagal bago tanggapin ang bayad niya at maibigay sa Driver. Nilingon pa si Yna ng driver ng Jeep na parang nagtataka ito.
“Bayad ko po iyan. Sa may crossing lang po ako ha, ng Batad Viejo.”
Muling paalala ni Yna kung saan siya papunta at bababa. Walang kamalay-malay at hindi man lang nagtaka sa paligid niya. Hindi niya napuna, na hindi pala basta-bastang Jeep ang nasakyan niya. Noon pa lamang simulang umandar ang Jeep matapos ipaalala muli ni Yna, kung saan siya papunta.
Pagkalikot lamang sa Cellphone ang ginawa niya, paglalaro ng games na Candy Crush. Wala siyang kamalay-malay na unti-unti na palang nagbago ang lahat-lahat, sa tunay na anyo, matapos dumaan sa palikong bahagi ng daan na walang kahit light steet. Ngunit hindi iyon napuna ni Yna na patuloy lamang sa paglalaro. Hindi niya rin pinansin ang biglang pagpatugtog ng music sa loob ng Jeep na sinabayan ng mga pasahero sa pagkanta. Inakala niyang nagkikijamming lamang ang mga pasahero sa musika, kaya nakatutok lamang siya sa Cellphone niya at nakisabay pa kahit wala siya sa tuno. Mali-mali ang lirikong nabibigkas niya, hindi niya rin naman maintindihan ang liriko, ngunit maganda ang tuno ng musika dahilan na nakikisabay siya.
Nang malaglag ang Cellphone niya, mas kinabahan siya dahil akala niyang malalaglag sa Jeep. At pasalamat na hindi na lumundag pa ang Cellphone niya palabas ng Jeep, huminto lamang ito sa paanan ng kaharap niyang pasahero. Dahilan para mabilis niya iyong dampotin, hindi alintana na nasa kalagitnaan ng biyahe. Nang napasakamay na niya ang Cellphone at mag angat ng tingin sa paligid, roon para siyang hinugutan ng hininga. Kumalabog sa takot ang puso niya dahil sa nakikita ng mga mata niya. Hindi niya maigalaw ang bibig sa takot at namamawis na.
Napagtanto niyang hindi namamasaherong Jeep ang nasakyan niya. Kundi ang pangsundo ni Kamatayan, nakisakay siya sa biyahe ng mga patay.
“Sasama ka pa ba, Yna?” Boses ni Kamatayan na nagtatanong kay Yna.
Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya, naririnig niya ang tawanan ng mga patay na pasaherong kasama niya habang nakikipagtitigan kay Kamatayan.
At biglang dinakma ni Kamatayan gamit ang kaliwang palad ang mukha ni Yna, roon pa lamang napasigaw pa si Yna ng napakalakas. Sigaw na nakakakilabot sa takot ngunit nangibabaw ang malakas na tawa ni Kamatayan.
Mabilis ang kalabog ng dibdib sa takot, na nagising si Yna. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa palagi niyang pinaghihintayan ng sakayan. Inilibot niya ang paningin sa paligid, tahimik at walang dumadaan na sasakyan. Tumayo na rin siya kinauupoan kung saan rin siya nakaidlip. Pagod na pagod siya matapos ang shift niya sa pinagtatrabahohan na Ospital bilang Nurse, dahilan para hindi niya mamalayang nakaidlip siya.
Umalis siya roon sa pinaghihintayan niya dahil naninindig sa takot ang mga balahibo niya sa katawan. Lalong-lalo na sa napanaginipan niya parang totoong-totoo para sa kaniya.
Noon pa lamang kasi siya nakaramdam ng ganoong kilabot, kahit matagal na siyang umuuwing late ng gabi o maghahating gabi.
Hindi pa siya nakakalayo ng tuloyan, merong dumaan na Jeepney. Familiar siya sa Jeep na iyon, ngunit bago pa man niya mapagtanto na iyon ang Jeep na sinakyan niya sa panaginip niya, nakita niya ang sarili na sakay ng Jeep kasama ang mga patay.
Napasigaw siya sa takot dahil sa nasaksihan ng mga mata niya.
At lalo siyang nangilabot ng mapagtanto na naliligo siya sa sariling dugo niya, suot ang puting unipurme niya.
#BiyaheDeSundo
BINABASA MO ANG
Biyahe De Sundo
HorrorMadalas ka bang bumiyahe kapag gabi na? Paano kung ang masakyan mong sasakyan ay sundo mo na pala? Handa ka bang bumiyahe kasama si Kamatayan at ang mga patay? #BiyaheDeSundo #HorrorEntry