Chapter 4: Her New Home

12 2 0
                                    

Airah's POV

"Ma'am Airah?" sabi nung maid sa labas

"Haaaaaaaaaahh" hikab ko

"Ma'am Airah?"

Ang aga-aga nang-iistorbo na agad. Tss.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa salamin.

"Wth. Mugto ang mga mata ko." sabi ko sa sarili ko

Lumapit na ako sa pintuan at saka binuksan ito.

"Ma'am Ai - - -"
"Bakit?" bungad ko na halatang ikinagulat nung maid
"Ay Ma'am Airah sabi po ni Madam na mag-ayos na raw po kayo at naghihintay na sa baba sina Ma'am Tricia at Sir Billy" paliwanag nung maid
"What?!" sabi ko
"Sabi po ni Ma - - -"
"Hindi ako tanga kaya 'wag mo ng ulitin. Sabihin mo sa kanila bababa na ako" sabi ko
"Sige po" sabi nung maid at saka umalis na

The heck. Atat talaga silang palipatin ako eh. Tch.

Bahala na si Batman. Siya na ang bahala sa akin.

Wala na akong magagawa ngayon kundi ang maligo at mag-ayos. Tss.

After 1 hour ...

"I'm here." sabi ko nang makababa na ako
"Airah, ang tagal mo naman bago nakababa 'yan tuloy naghintay pa ang tito at tita mo." sabi ni mama
"Sorry po." sabi ko
"No it's okay Ria. At least nakapag-usap pa tayo saglit." nakangiting sabi ni tita kay mama
"So, paano, Ria at Chad, tutuloy na kami. Salamat" sabi naman ni tito
"Sige. Ingat." sabi ni papa
"Magpakabait ka roon Airah" singit pa ni mama

Hindi na lang ako nagsalita at baka kung ano pa ang salitang lumabas sa dila ko.

"Let's go Airah" nakangiting sabi ni tita sa akin
"Sige po tita." sabi ko kay tita

This is really is it Airah. Okay, lilipat ka na talaga ng bahay.

Paano na ako ngayon? Haaaayy!

"Nandito na tayo ija. Tara na sa loob" sabi ni tito
"Yes tito" sabi ko

Pagkapasok namin sa loob ng mansion ...

"Welcome home Ms. Airah" sabay na bati sa akin nung mga maids at saka yumuko
"Thank you" ang tanging nasabi ko na lang

Seriously? Pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko?

"We do hope that you'll feel at home here ija." nakangiting sabi sa akin ni tita
"Tita, nakakahiya naman po sa inyo at talagang pinaghandaan ninyo pa po talaga ang pagdating ko rito." nahihiyang sabi ko sa kanila
"No ija, 'wag kang mahiya. Because someday, you'll be part of our family na rin" nakangiting sabi ni tito sa akin
"Po?" litong tanong ko
"You'll know it sooner or later ija" sabi naman ni tita na bakas ang kasiyahan sa mukha

Okay? Parehas din sila ng mga parents ko na kung ano-ano ang nalalaman. Naman. Ano ba 'tong napasukan ko?

"Manang Betchay, pakisamahan naman po muna si Airah sa kwarto niya" sabi ni tito sa isa sa mga katulong nila
"Opo Sir. Tara po Ms. Airah" yaya ni Manang sa akin
"Sige po" sabi ko kay Manang

"This is the start of something new here in my new home" sabi ko sa isip ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Ilalim Ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon