Chapter 3: The Agreement

16 2 0
                                    

Airah's POV

Aaaarrrrggghhh! Bwiset! Bwiset! Bwiset! Aaahh! Nakakainis talaga ang lalaking 'yon! Humanda talaga siya kapag nagkita ulit kami!

TOK! TOK! TOK!

"Ano?!" sigaw ko habang pinupunasan ang mukha kong natalsikan ng mga putik kanina

"Ma'am Airah, pinabababa po kayo nila Ma'am at Sir" sabi ng katulong namin

"Bakit daw?" tanong ko sa kanya

"Hindi ko po alam Ma'am" sagot niya

"Sige, pakisabi bababa na ako." wika ko

"Opo Ma'am" sagot niya at umalis na

"Ano na naman kaya ang pasabog nila this time" sabi ko sa sarili ko

"Anong kailangan ninyo?" walang galang na bungad ko kina Mama at Papa nang makababa na ako sa hagdan

"Airah! 'Yan ba ang itinuturo sa Academy? Ang hindi gumalang sa mga magulang mo!?" sigaw ni mama

"Ria, huminahon ka." sabi ni papa

"Paano ako hihinahon Chad kung itong anak natin ay lumalaki ng walang galang" sabi ni mama

"Mabuti na lang ako wala lang galang, eh kayo? Tss." pabulong kong sabi

"May sinasabi ka Airah?" tanong ni mama

"Wala." pabalang kong sagot

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa Airah. Hindi ka na dito titira sa mansion natin. Napagdesisyunan na namin ang lahat and we already have our agreement. Lilipat ka na sa mansion nila Tita Tricia mo bukas." sabi ni papa

"What!? Anong agreement?! Ano na naman bang kabaliwan ang binabalak ninyo ha?!" kaunti na lang at maghi-hysterical na ako sa harap nila

"Malalaman mo rin 'yun when the right time comes Airah." sabi ni papa

"No way! Hindi niyo ako mapapaalis dito!" sigaw ko

"As a matter of fact Airah, nandun na ang mga gamit mo sa mansion nila. Ikaw na lang ang hinihintay doon." sabi ni mama

"The hell! Ano bang problema ninyo ha at pati ako dinadamay niyo pa!" hindi ko na talaga mapigil ang galit ko

"It's for your future Honey." sabi ni papa

"What future? I really don't understand you! Could you just please explain it to me!" sinusubukan kong huminahon pero no use

"Sundin mo na lang ang sinabi namin Airah" sabi ni mama

"The hell! I hate you!" sigaw ko at saka ako tumakbo paakyat sa kwarto ko

Bakit ba puro malas na lang ang natatamo ko? Di ba pwedeng palagi na lang akong masaya?

Tumutulo na pala ang mga luha ko. Punas ako nang punas sa mga mata ko pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga ito. Nagsisisigaw ako sa loob ng kwarto ko, wala na akong pakialam kung marinig man nila ako.

"Putang inang agreement na 'yan!" hagulgol ko

"Ano bang ginawa ko sa kanilang mali at ginaganito nila ako?!" sigaw ko pa

Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako nang dahil sa kaiiyak.

Sa Ilalim Ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon