~SCHOLARSHIP~Rowan Rem
7 palang ng umaga pero tagaktak na agad ang pawis ko dahil sa pag bubuhat ng sari saring gulay dito sa palengke.
"Rem pag tapos mo dyan itong akin naman ang buhatin mo paki lagay sa pwesto ko ha!"
Sigaw ni aling berta na isa sa mga suki ko rito sa palengke may katandaan na si aling berta di na nya kayang mag buhat ng mga gulay at prutas na paninda nya kaya ako ang inuutusan nya"Sige po aling berta ako na bahala dyan ilalagay ko lang tong karga ko sa pwesto ni kuya estong!"
Paalam ko sa kanyaNginitian nya naman ako at saka umalis na
Matapos kong ilagay at isalansan ng ayos ang panindang gulay ni kuya estong agad naman nyang ibinigay sa akin ang porsyento ko sa pag bubuhat
"Maraming salamat kuya estong!"
"Dinagdagan ko na yan rem malakas ka sakin e"
Saad nya sabay ngiti sa akin
Nahawa namn ako sa ngiti nya dahil kita ang bungi nyang ngipin sa unahanNag paalam na ko kay kuya estong at agad dumaretcho kung saan naka abang sakin ang susunod kong bubuhatin mga paninda namn ni aling berta.
"Aba rem napakasipag mo talagang bata maswerte sila alfredo sayo kumpara sa dalawa mong kapatid"
Bungad na sabi ni aling berta sa akin ng masalansan ko ng ayos ang mga paninda nya"Kelangan kong mag doble kayod ngayon aling berta kase mag papasukan na isa pa kailangan ni tatay ng gamot"
"Palagi ko ngang isinasama kayo ng tatay mo sa panalangin ko lalo kana hayaan mo't may awa ang dyos makakaraos din kayo"
Napangiti namn ako sa sinabi ni aling berta kaya namn talga ako nag susumikap dahil kay tatay
Nangako ako sa kanya na mag tatapos ako at magiging isang magaling na architect .Mula kase nung mag kasakit si tatay at na paralisado na di na nya kaya pang mag trabaho pa kaya bilang pag tanaw ng utang na loob kay tatay ako ang kumakayod kung tutuusin di naman nila ako obligadong alagaan dahil ampon lang ako pero dahil kay tatay at pag mamahal nya heto ako malapit na ko sa pangarap ko.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang lagpas alasdose na pala ng tanghali kaya pala nagugutom na ko
"Reeeeeem!"
Agad akong napailing sa boses na yun
Walang iba kundi ang bestfriend kong si liam
Actually kaklase ko sya mula elem kame sya lang ang nag iisa kong bestfriend
Agad namn syang lumapit sa akin"Nakita rin kita kanina pa kita tinatawagan "
Reklamo nya"Lowbatt kase ako! Chaka alam mo namang dito tlga ako sa palengke"
"Bat kase ayaw mo tanggapin yung bigay kong phone sayo e"
Nakanguso nya pang sabiNapakunot naman ang noo ko sa sinabi nya
"Ayoko diba nga yung last na bigay mo sakin nyan nawala ko!"
"Sus nawala ba tlga!"
Dudang sabi nya sa akinSa totoo lang di tlga nawala yung bigay nyang phone sakin nung nakaraang taon regalo nya pa sakin yun nung bday ko brand new iPhone yun kaso kinuha sakin ni kuya Ben at binugbog pa ko kaya hayun hinayaan ko nalng nag sinungaling nalang ako kay liam na naiwala ko ayaw nga nyang maniwala
"Baket mo pala ako hinahanap!"
Tanong ko"Kase may natanggap akong email diba nag apply ka ng scholarship sa san marco university don sa pangarap nating university"
Biglang naagaw nya ang atensyon ko at napaharap na ng tuluyan sa kanya
"Ano daw sabi"
Kinakabahang sabi ko
YOU ARE READING
THE FOUR CORNERS OF ROWAN'S HEART
Romance"Rowan Rem Delgado's life is about to get complicated. Four women, one heart. Join Rowan, a young Architecture student, as she navigates love, friendship, and college life. With four women dying for her attention, she's torn between her feelings, am...