SIX

5 0 0
                                    


                     ~PROF PERFECT~




Nagising ako ng maaga ngayon dahil
Ito na ang unang araw ng pasukan
Sa totoo lang excited ako sa mangyayari sa akin
Iniisip ko na ito na ang bagong simula sa buhay ko .

Nag handa na ko ng isusuot  ko at nakaayos narin ang gamit ko para lumipat sa san marco university
May kalayuan namn kase ang University sa bahay namin kaya tama lang siguro na tanggapin ko yung dorm na para sa mga scholar na kagaya ko

Nakapag usap na din kame ni tatay at pumayag sya na don ako basta every weekends  uuwi ako dito para sa kanya

Matapos ko maligo inihanda ko na ang almusal namin ni tatay 9 pa naman ang start ng klase at 7am palang naman kaya sasabayan ko muna si tatay sa pag aalmusal

"Wow sarap ng almusal ha!"

Biglang sabi ni kuya ben  na  nakalapit na pala sa amin ng di ko namamalayan

"Aba rem pormadong pormado ka ah"
Nakangisi nyang sabi sa akin

"Ngayon na kase ang unang araw ng klase ko kuya!"
Magalang na sabi ko
Natawa naman sya na tila ba may sinabi akong nakakatawa talaga

"Alam mo rem di ka ba nahihiya na makikisalamuha ka sa mga tao don ni wala ka sa kalingkingan ng mga yun!"
Pangungutcha nya sa akin

Bat naman ako mahihiya e di namn sila pinunta ko don kundi ang mag aral.
Sya nga di nahihiya an laki ng tyan nya kakainom tapos amoy putok pa

"Bat ganyan ka makatingin ha papalag kana?"
Pag babanta nya sa akin napangisi nalang ako kupal talaga tong tao na to
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at hinarap muli si itay

"Tay una na po ako yung mga bilin ko tay ha mag iingat po kayo dito"
Paalam ko ke tatay sabay yakap at halik sa pisngi nya.

Natanaw ko naman ang pamilyar na kotse ni liam binusinahan naman nya agad ako kaya lumapit na ko sa kanya at pumasok na sa loob ngbkotse nya may usapan na kase kame na sabay kame gusto daw nyang sabay kame mag lilibot sa buong university
Mabuti na nga lang  at same kame ng schedule  ni liam di na kame mag hihiwalany nitong bff ko

Pag pasok palang namin ng  san marco university  napanganga na ako nakapunta namn na ako dito nung enrollment at pag bibigay ng requirements  pero di naman namin to napasok ng tuluyan kundi sa may bungad lang

Sumalubong sa akin ang malawak na  San Marco University, at ang ganda ng nakikita ko! Ang mga gusali ay moderno at elegante, may mga linya at hugis na nagpapakita ng katuturan at kaunlaran.

Napangiti din ako sa mga puno at halaman na nakakapalibot sa campus. Ang mga silid-aklatan ay malalaki at may mga modernong kagamitan, na magpapadali sa akin na mag-aral at mag-research.

Nakita ko rin ang mga laboratoryo, studio, at sports facility. Ang galing ng mga pasilidad dito! Hindi ko akalain na magkakaroon ng ganitong klase ng unibersidad.

Ang mga estudyante ay mukhang masaya at nakakarelaks. Nakakaramdam ako ng excitement  at pag-asa. Alam kong magiging maganda ang aking paglalakbay dito.

"'Galing nito, 'di ba?''
sabi niya. Halatang namangha din sa nakikita namin

"Nakakaproud  na naging-scholar ka dito.'"
Nakangiting sambit ni liam

"'Oo, "  sagot ko.   "Sana magpatuloy ang magandang pakiramdam ko dito.'"
Positibong sagot ko

Nang mapagod at sinamahan naman ako ni liam sa kwarto ko kung san ako pwedeng manatili bilang scholar

Di naman gaano karami ang dala ko kaya mabilis ko lang naayos ang gamit ko sa loob ng dorm di naman ito kalakihan sakto lang para sa akin may sarili din akong cr dito sa loob ng kwarto ko kaya okay na okay to sakin

THE FOUR CORNERS OF ROWAN'S HEART Where stories live. Discover now