Prologue

69 5 0
                                    


"Oh, sino baba nang 7/11 dito lang tayo."

Agad akong nag handa nang gamit kasi babaan ko na. Siksikan sa Jeep as usual kasi pasokan nanaman at maraming estudyante at isa na ako roon.

Kakagaling ko lang sa part time job ko sa isang burger junction mga isang sakayan lang galing sa dorm ko. Pagka baba ko ay saktong kumulo ang tyan ko dahil alas dos palang ay gumising na ako at nag kape lang kanina. Mag aalas nwebe na at dahil Nine Thirty pa naman ang first subject ko ay tinahak ko na ang daan patungo sa likod na bahagi nang school namin.

Nagugutom ako at mukhang isang Dynamite at tatlong puso lang ang kakayanin nang budget ko kaya agad akong nag order kay Manang Cecile, suki ko rito, bago pa ako maubosan, favorite ko pa naman iyon.

"Nako ang putla-putla mo nanaman, Allison. Hindi ka na naman nag agahan ano?" iyan agad ang bungad sa akin ni Manang. Napa iling nalang ako kasi baka sermunan nanaman ako nito at nakakahiya. Ang dami pa namang customers.

"Hehe, isang Dynamite po at tatlong puso. Tsaka coke!"

"Oo na. Nag tabi ako nang Dynamite mo ang bilis kasi maubos. At may fried chicken pa ako sayo narin to. Kumain ka na at nang makapasok ka na. Dapat hindi ka late at first day of school ngayon!"

Parang naging Anghel si Manang sa paningin ko nang inilahad na niya ang orders ko at may free pang Friend Chicken!

"Salamat, Manang! Kaya lahams kita saur much ehh!"

Napatawa nalang si Manang at inasikaso na ang ibang customers na dumarami na pala.
Agad akong pumwesto sa maliit na lamesa at bangketo sa area nila Manang.

Mataas na ang sikat nang araw at kahit mainit banda sa lugar ko ay nag walang bahala na ako kasi mamatay na ako sa gutom.

"What do you mean wala nang Dynamite, Ate? I just saw you take out two Dynamites and gave it to that guy!"

Nakuha ang attention ko sa stall ni Ate at may estudyante doong mukhang kapre sa taas. Yawa mukhang nasa 6 feet or something siya. Medyo may kahabaan na ang buhok pero hindi naman siya mukhang balasubas, bagay sa kanya. May matangos na ilong, magandang pangangatawan mukhang batak sa gym si Angkol, parang popotok na ang muscles sa sout niyang Blue University Shirt.

Salubong ang kaniyang makapal na kilay at nakaturo ang kaniyang daliri sa akin, napansin ko tuloy ang mukhang mamahaling relos niya. Mayaman to sa tindig palang at pananalita.

Teka??

Ako ba tinutoro nito? Nilunok ko ang huling kagat nang manok ko at tinapunan nang tingin si Manang.

"Naka reserba na kasi kay, Allison iyan. Alam ko kasing mauubosan siya kaya nag tabi ako. Di bali bukas ipagtatabi kita. Marami pa naman akonf ibang paninda pumili ka nalang, Hijo"

Nakita ko ang pagka taranta sa mata ni Manang Cecile kaya tumayo na ako na dala ang coke ko.

"Gusto mo sayo nalang itong isa? Diko pa nakakagat. Patapos narin naman akong kumain." Alok ko nalang sa estudyante kasi mukhang galit na galit siyang naka tingin sa plato ko.

"No thanks. I don't eat left overs." aniya at nag lakad na paalis

"Abat- kapal nang mukha ako nanga nakikipag share!" diko na pigilan at mukhang narinig niya kaya tinaasan ko siya bang kilay nang lumingon siya.

"Reserve twenty pieces for me  tomorrow, Ate.". 'yon lang ang huling sinabi niya pero tinapunan niya pa ako nang tingin, lalo na ang lace nang ID ko. Pagalit pa nitong isinara ang pinto nangg magarang sasakyan niya. Edi wow mayaman!

Bwesit mukhang makikita ko pa ang kapre na 'yon kasi magkapareho kami nang School. Nag bayad na ako kay Manang at nag pa salamat. Nagpa reserba nalang rin ako para bukas para di ma ubosan.

Mag aalas dos na nang matapos ang orientation sa isang org na sinalihan ko at alas Sinco pa ang next class ko kaya napag pasyahan kong umuwi muna sa dorm para maglinis. Ngayon darating ang dorm mate ko at dapat extra linis ako para may. magandang impression,diba?

Mga ten minutes lang naman ang layo nito sa school at nasa second floor lang ang room. Nang dumating ako bumungad agad sa akin ang cute na Teddy Bear na naka upo sa maliit na beanbag sa gitna nang room.

May tradition sila sa School na kada room ay may Teddy Bear na magmimistulang taga bantay. Ewan ko ba ang weird pero kasi ang cute naman nang stuffed toy na ito. Dahil sa kanya medyo hindi na ako mag isa sa dorm dahil wala pa ang dormate ko.

Naglinis na ako nang banyo, nag mop sa sahig at inayos ko ang bedside table niya at pinunasan ang mga alikabok sa cabinets na nakalaan sa kaniya.
Nag pahinga nalang ako pagkatapos at naghihintay nalang na mag alas Sinco para bumalik sa School.

"Why don't you just live sa Condo ko, Dennis. It can even fit a family of two there. Bakit gusto mo pa mag dorm? The space is too little and you'll be rooming with a total stranger!"

Napabalikwas ako nang bangon sa pagkakahiga sa bed ko nang bumukas iyon at may dalawang lalaking nakatayo sa pinto at mukhang nag tatalo.

"Kuya! Let me be independent naman and you're too paranoid.  Hindi na ako bata ano ba!"

Namukhaan ko agad ang lalaking matangkad at mulhang kapre. Sabi ko na ngaba magkikita pa kami nito.

Bumaling ang mata ko sa medyo maliit na lalaki na naka cream colored cardigan at white inner. Naka black slacks at Airforce 1 shoes.

"Hello! Are you my roommate? My name's Dennis. Den nalang for short!"

Ito mukhang mabait at hindi kapre. Parang mas matangkad lang ako sa kanya nang mga ilang inches.

"Ah~ Oo... ako nga pala si Allison Kurt. Nice to meet you." Nakipagg kamay ako at nginitian siya.

"Ay nga pala, my brother, his name is Coen Chance. Graduating Student na siya  Business Course."

Hilaw na nginitian ko ang Kuya niya na alam kong namukhaan ako. Dahil hindi niya naman inilahad ang kamay niya ay hindi rin ako nag aksaya pa nang energy na kilalanin siya.

Tinaasan niya lang ako nang kilay at ewan kong namamalik mata lang ba ako oh nakita kung umirap siya bago nagpaalam sa kapatid.

Bwesit, ang maldita! Ako pa ang inirapan? Sarap tusokin nang mata nang gago. Gwapo nga gago naman.

"I'll get going, Denden. Remember we have dinner with the boys later."

"Okay, Kuya. Ingat see you!"

Kumaway lang si Den at tinapunan na naman ako nang tingin bago tuloyang umalis ang kapre.

"So! Roomies??"

Buti nalang talaga cute itong kapatid niya at least bawing bawi sa kapangitan nang ugali nang kuya~

Sana kahit ka dorm ko ang kapatid niya hindi ko sana siya ma kasalamuha araw-araw.
Pero syempre mapagbiro rin si lord eh, gusto niya ata mag bardahan kami nang kapre na iyon araw-araw!

Pero kong di lang cute at mabait itong kapatid niys, ni anino ko di niya makikta bwesit naman oh~

The Teddy Bear Project (Dynamite Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon