Curses of Fear

29 6 2
                                    

Curse of Fear

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Curse of Fear

"Huwag na huwag kayong dadaan sa Talachian Trail, kung ayaw niyong makulong sa sumpa ng inyong mga kinakatakutan!"

Bago pa man umakyat ng Mount Wildflower ang grupo nina Riley, maraming beses niyang narinig ang babalang iyon mula sa mga nakatira malapit doon sa paanan ng nasabing bundok. Gusto man rin niyang itanong kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit ba ipinagbabawal nila ang pagdaan ng mga hikers sa Talachian Trail, nawawalan siya ng lakas ng loob dahil sa bigat na nararamdaman niya mula sa mga taong nagsambit ng babalang 'yon.

Lima rin silang umakyat ng araw na 'yon. Ang tatlo sa kanila ay kasing-edad lang ni Riley, habang ang isa sa kanila ay mas matanda ng ilang taon. Aatras na rin sana si Riley bago pa sila pumasok ng Achian Trail—isa sa dalawang trails ng Mount Wildflower na bukas para sa mga hikers—ngunit dahil sa takot na mapag-iwanan siya ng apat na kasama ay wala na rin siyang nagawa kundi sumunod sa pinakadulo ng pila nila.

Habang binabaybay ng grupo ang Achian Trail, napansin ni Riley ang biglaang pagtarik at pagdami ng mga kawayan sa magkabilang-gilid ng dinadaanan nilang trail, bagay na ipinagtaka niya. Ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon dahil base sa mga nakita niyang notes mula sa mapa na hawak niya, wala ni isang kawayan ang mayroon sa Achian Trail dahil nasa mataas na kapatagan ang trail na 'yon.

"Sir Easton, sure po ba kayo na tama pa rin ang dinadaanan natin ngayon? Mukhang hindi na po ito ang Achian Trail na nasa map." Dahil nasa bandang likuran si Riley, isinigaw niya iyon sa kanilang trail leader na si Sir Easton na nasa pinakaunahan naman nilang lahat.

"Are you joking right now, Riley?!" pabalik na sigaw ni Caroline kay Riley na naglalakad sa likuran ni Sir Easton. Kitang-kita sa tagatag ng pawis sa buong mukha at katawan ng dalaga na hindi siya sanay sa gan'ong mountain hiking.

"I'm not joking, guys." Inayos muna ni Riley ang eyeglasses niya bago magpatuloy sa pagsasalita. "Sabi sa note na nandidito sa map, high plain trail ang Achian Trail. Kaya dapat hindi steep trail ang dinadaanan natin ngayon."

"Kapag ikaw nananakot or nagbibiro lang, sasabunutan kita dyan!" iritang sambit ni Caroline. "Hindi ako sumama mag-hiking para maligo lang sa pawis ah!"

"For the very first time, I agree with Caroline," wika naman ni Samhayne na naglalakad sa harapan ni Riley. "Don't do harmless jokes, Riley. Dumidilim na't nasa kalagitnaan pa tayo ng kawalan—"

"Ang sabihin mo, Sammy, duwag ka lang na malapit ng maihi sa salawal!" bigla namang pagputol ni Uno nang sumang-ayon si Samhayne kay Caroline. "At ikaw naman, Riley, why don't you trust Sir Easton? Mas naniniwala ka pa sa papel kaysa sa tao!"

Napakagat na lang sa labi si Riley. Hindi lang dahil sa isinigaw sa kanya ni Uno, kundi dahil rin sa hindi man lang siya pinansin ni Sir Easton at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad sa unahan nilang lahat. Napabugtong-hininga na lang din ang dalaga, ngunit nanatili siyang nakatitig kay Sir Easton, umaasang tama pa rin ang trail na binabagtas nila sa mga oras na 'yon.

Curses of Fear ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon