PART 6

11 2 0
                                    

AUTHOR

Nasa labas si Jennie ng convenience store, nakaupo siya sa isang tabi at nagmumuni-muni, bigla naman lumabas si Limario at nakita niya si Jennie...

"anong ginagawa mo jan?" tanong ni Limario kay Jennie

"oh mister Manoban, nakita mo na yong cctv footage na hinahanap mo?" sabi ni Jennie

"hindi pa, ang hirap hanapin eh" sabi ni Limario at tinabihan niyang maupo si Jennie

"oo nga pala Jennie, wag mo tong sasabihin sa parents ko ha" dugtong ni Limario

"bakit?" tanong ni Jennie

"basta wag, pipilitin kong ayusin to ng ako lang, ayoko lang kasi na mag alala pa sila mom sakin" seryosong sabi ni Limario at buntong hininga na lang ang tugon ni Jennie dahil naiintindihan naman niya si Limario

*

Manoban's House

"hindi pala umuwi si Limario kagabi" sabi ni Marco kay Cherry

"nandoon sa store" sabi ni Cherry habang kumakain siya

"bakit? kumuha na siya ng part timer ha bakit kailangan doon pa siya matulog?" sabi ni Marco

"teka sa tingin mo ba may gusto si Limario kay Jennie?" dugtong pa ni Marco

"ano ba pinagsasasabi mo jan, tigilan mo nga yang kalokohan mo!" bulyaw ni Cherry kay Marco

"anong kalokohan doon sa sinabi ko, bakit ba lagi kang may problema sa sinasabi ko" gigil na sabi ni Marco

"sira ulong to, gusto mo ng away ng ganito kaaga?" sabi ni Cherry

"hindi gusto mong kape? damihan kong asukal" nakangiting sabi ni Marco para hindi na mainis si Cherry

"anong asukal, black coffee lang ako lagi bakit kailangan ng asukal!" bulyaw pa ni Cherry kay Marco

*

GS25 Convenience Store

Buong magdamag si Limario nagche-check ng cctv footage na hinahanap niya sa monitor computer, sa kaantukan niya napadukmo na siya sa desk...

"mister Manoban, tama na muna yan" sabi ni Jennie kay Limario pagpasok nito sa loob ng stackroom

"oh bakit nandito ka pa, umuwi ka na sa inyo sige na" sabi ni Limario sabay hikab

"paano ko naman magagawa na umuwi eh alam kong kailangan mo ng tulong jaan" sabi ni Jennie

"salamat sa concern mo babayaran ko na lang yong O.T mo sige na" sabi ni Limario

"saka na lang yang tungkol sa O.T ko, hanapin muna natin yong footage, may nakita ka na ba" sabi ni Jennie habang tumitingin siya sa monitor computer

Nagulat naman bigla si Jennie dahil nasa likod pala niya si Bambam ang kaibigan ni Limario...

"ahm, mister Manoban nandito yong kaibigan mo" sabi ni Jennie kay Limario habang tinitignan niya si Bambam, agad naman lumingon si Limario

"kaibigan mo ba talaga to?" dugtong pa ni Jennie

"oo chaka filipino yan mukha lang black american ang ayos niya tapos mahilig sa reggae" sabi ni Limario

"i am original filipino, mukha akong mas bata sa age ko pero matanda lang talaga sakin ng five months si Limario" sabi ni Bambam

"ah hahah, parang mas tamang sabihin na mas matanda ang itsura mo para sa edad mo" natawang sabi ni Jennie

"Limario bro magpahinga ka na ako nang bahala jaan" sabi ni Bambam

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Part-TimerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon