AUTHOR
GS25 Convenience Store
May isang lalaking costumer na pumasok sa store ni Limario at diretso ito sa counter...
"hello po!" bati ng lalaki kay Limario
"good morning, anong bibilhin mo?" tanong ni Limario dito
"dalawang kaha na fortune red" sagot ng lalaki
"ok fortune red" sabi ni Limario habang kumukuha siya ng sigarilyo sa shelf
"four hundred fifty lahat dalawang kaha" sabi ni Limario sa lalaki at binigay niya na dito yong dalawang kahang sigarilyo
"ok" sabi ng lalaki at binigay na niya yong bayad kay Limario
"subukan mong wag na mag yosi, oh ito ang sukli mo" sabi ni Limario sabay bigay niya ng sukli sa lalaki
"opo salamat" sabi ng lalaki at naglakad na palabas ng store at umalis na
*
"hay naku grabe napasobra yata ang inom ko kagabi" sabi ni Limario at uminom siya ng tubig
Habang umiinom ng tubig si Limario bigla niyang naalala yong nangyari kagabi, unang una yong pagkanta nila Jisoo at Rosé habang umiinom siya ng beer tapos naalala niya din na kumuha siya ng madaming beer para sa mga ito.
"teka, naalala ko na, bayad na ba ang binili ng mga yon, hindi kung ano ano kinuha nila dito sa store tapos ako pagbabayarin nila!" (problemadong sabi ni Limario sa isip isip niya habang tinitignan niya lahat sa cash register ang lahat ng mga nakuha sa store nila Jennie, Jisoo at Rosé)
"hays naku naman mga buraot talaga yong mga yon! Jennie patay ka talaga sakin!" gigil na gigil na sabi ni Limario at kinuha niya sa bulsa ang phone niya
Pagbukas ni Limario sa phone niya nakita niyang may message si Mina pero naka unsent na...
"bakit niya kaya in-unsent yong message?" sabi ni Limario at tinitignan niya kung anong oras dumating yong unsent message ni Mina
"teka two AM, anong ginagawa ko ng two AM?" sabi ni Limario
Naalala na naman ni Limario yong pagkanta nila Jisoo at Rosé habang umiinom siya ng beer, naalala niya na din na natutulog si Jennie sa tabi niya ng mga oras na 2 AM.
"naku hindi! hindi sana niya ko nakita, pero bakit niya binura yong message, lagot na ko hindi ko man lang siya matanong, ano bang sasabihin ko kung tatanungin ko siya kung bakit niya binura yong message!" tarantang sabi ni Limario
"Limario mag isip ka!" sabi pa niya at umiisip siya ng message na sasabihin niya kay Mina
--- ---
Nasa office naman si Mina at umiinom siya ng coffee tapos iniisip niya kung bakit kaya iniwan siya ni Limario sa gym kagabi para lang makipag inuman sa mga batang babae tapos iniisip niya din yong sinabi ni Limario na may babaeng part timer na ito, bigla namang tumunog yong phone ni Mina dahil nag message na si Limario.
Agad naman binasa ni Mina yong message ni Limario...
Message Box
hi babe pasensya na kung hindi ako nakatawag last night -Limario
ano yong message na sinend mo tapos binura mo? -Limario
busy ka ba babe? -Limario
tawagan mo ko pag nabasa mo
to. -Limariomaaga akong makakauwi, gusto mo mag dinner tayo later? -Mina
sure! sige! -Limario
*
BINABASA MO ANG
The Part-Timer
Fanfic"Admiration and familiarity are strangers" DISCLAIMER: This story is Jenlisa Fanfiction only don't take it seriously, readers must be 18+ and above. NOTE: Another taglish story for Jenlisa fans, please support it.