PADABOG ko hinila ang ataul na lagayan ng mga unan na galing sa'king silid. Hapong hapong ipinunas ko sa'king mukha ang dulo ng aking abong bistida sabay upo sa nakabukas na ataul kung saan nagmukha akong bangkay sa loob nito. Inayos ko ang pagkakaupo sa loob habang pumikit ng mariin ng maramdaman ang init ng haring araw.
Heto ang gusto ko. Tahimik lang. Walang utos dito utos doon. Walang sayaw sayaw!
Pwe!
Ilang minuto ko lang ipinikit ang aking mga mata ng may maramdamang kakaiba. Kumunot ang noo ko. Para kasing may nakatitig sa'kin.
Nakuha nga lang ang aking atensyon sa hindi pamilyar na kanta na narinig.
"Oh ano? Mas feel ne feel mo naba ang pagiging-commercial girl, insan?"
Sumimangot ako ng marinig ang boses ni Bahrain kasabay din noon ang pagkahinto ng tugtog sa kaniyang keypad na cellphone. Nang iminulat ko ang mata nakita ko siyang nakadungaw sa'kin habang yakap yakap ang mga unan na kailangan painitan para raw mamatay ang mga germs nito.
Agad ko sininghalan ang babae. "Alam mo? Panira ka talaga! Minsan na nga lang ako lumabas sa silid ko e-epal ka pa!"
Umirap ang mga mata nito sabay inilapag ang unan sa isang bench.
"You know Armenia, kung ano man ang iniisip mo. Let it go! Kita mo ako, ganda lang..."Hindi ko siya pinansin at humiga na sa ataul, ipinikit ko ulit ang mga mata. Sabi sa isang mga nabasa ko, maganda raw ang init ng araw tuwing malungkot ka.
Ehem---The heat from the sun will penetrates our bodies, and that heat will push away all negative emotions. Ewan ko lang kung legit information iyon. Wala naman masama kung paniniwalaan ko eh.
Ang mahalaga tunog matalino ako sa'king trivia!
May narinig ako na hakbang papalapit sa'min. "Hey you two! Tinatawag na tayo ni Grandma, napaaga ang pagpili,"
Liningon ko si Cyprus na masama ang titig sa'min. Napagod na naman ata ito sa paglalakad papunta sa garden. Inangat ko ang dalawang braso para hilahin nila ako papaalis. Agad naman nilang dalawa inabot ito sabay hila sa'kin.
Nakasauot kami ng floral lacey dress na hanggang talampakan ang haba. We walked silently sa mural hallway ng Cathedral na mismong mga yabag lang namin ang maririnig. I heard the deep breaths of these two ladies beside me.
"Sino kaya ang makukuha sa'tin?" Tanong ni Bahrain na halatang kabado.
Nagsalita ulit siya, "bakit naman ata napaaga? Akala ko ba sa May 1 mismo ang pagpili?"
Nagkibit balikat si Cyprus.
Ngumisi lang ako at relax na relax lang. Mukhang napansin ito ng dalawa dahil umirap sila sa'kin. Mukhang nayayabangan na naman sa inasta ko.
"Bakit tila hindi ka kinakakabahan Armenia? Like duh? Kapag nabunot ka paalam na sa single life mo!"
I rolled my eyes, hindi maalis alis ang ngisi ko. "Matagal na ako rito. It's been a long long time na to the point na I'm a lucky b*tch-kahit minsan walang pumipili sa'kin. So chill lang, okay?"
Nakita ko ang pagsimangot nila.
I am one of the elderly lady of Cathedral of Ladyship. This is same as like as an orphanage but definitely, a home for girls, women, ladies o kung ano man ang tawag nila sa mga babae. When your parents doesn't want you bilang isang babae sa pamilya you will thrown in this place. I am the eldest daughter of familia Hebrew. Ang pamilya ko ay parte ng hierarchy ng palasyo. A viscount from the South. But yeah, hindi nila tanggap na babae ang una nilang panganay so ipinatapon na nila ako rito. At the age of five, I lived here together with other ladies na may kapareho kong kinalalagyan ng buhay.
BINABASA MO ANG
I Choose You
RomanceSTORY: I Choose You: Armenia STARTED: ENDED: GENRE: ROM-COM STATUS: on-going _ Armenia is one of the ambitious young lady of Cathedral of Ladyship, a prestigious institution where she refines her intellect and skills to become a perfect partner for...