Truth behind the Lies 7

40 2 0
                                    

*Tiyaga tiyaga din.

 Ito na po yung bagong installment sa storya ni Van at Yve.

Please recommend this story to your friends. Sana patuloy po ninyong basahin ang storyang ito at sana magustuhan ninyo.

Dont forget to vote and comment Wattpaders!

>.<

follow me on twitter @03kurisu_i_am

Enjoy!!!!

--------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 7 Yvette

 <A Spark>

Nagulat ako nung niyakap nya ako.

Parang ang saya lang nung feeling.

Kasi ilang beses na akong nagtaray sa kanya pero hindi sya tinatablan. 

Pakiramdam ko tuloy useless umarteng bitch sa kanya kasi hindi naman effective. 

Ang laki nung nawalang timbang sa mga balikat ko.Ang sarap nung feeling na, parang kaya kong ipakita sa kanya yung totoong ako.

Ang init nung yakap nya. 

Amoy lalake pa sya. hehe.

Gusto ko din syang yakapin. Muntik ko na nga ginawa e. 

Pero hindi kasi ganito kadali yun e.

Pag nalaman ng skul yung totoong ako, alam kong hindi maganda ang mangyayari.

Maraming gaganti sa akin kasi andame ko nang nabully. Pag nalaman nilang push over lang pala talaga ako.. 

hmm..Wala akong takas.

Tapos andyan pa yung animal instincts..

Hindi pwede, HIndi ako papayag maging push over. I need to keep this lie for as long as i can.

"Hoy ano ba! Wag mo na nga akong manyakin!" sigaw ko kay Van.

Teka parang di ako sanay na tawagin syang ganun ah...Creep na lang. >.<

"Im sorry pero hindi ko lang napigilan, hehe. Ang saya ko kasi na makita kang nakangiti at hindi nagtataray." paliwanag naman nya sa akin.

"Well whatever it is that you came here for I am not interested. Umalis ka na creep bago ko pa ipatawag ang mga security guard dito sa subdivision!"

Nawala yung ngiti sa mga labi nya.

Parang biglang napalitan ng lamig yung tuwa na nararamdaman ko kanina. 

Hindi ko sya kayang tignan ng diretso kasi nakakalungkot yung mga mata nya. 

Wala e. Ang tanga ko lang kasi nabuhol na sa buhay ko itong pagsisinungaling ko. Habang nakatingin ako sa mga mata nitong creep na to....

Nawawalan ako ng pagasa na makawala pa sa kalungkutan na epekto ng pagpoprotekta ko sa sarili ko.

bahala na....

:'(

"Get OUT!!!!" sinigawan ko na lang sya para matapos na.

"Ok Yvette. Im sorry." sambit nya bago sya tumalikod at umalis.

Dumaan na lang sya sa front door this time. Ni hindi na sya nakalingon ulit sa akin bago umarangkada yung sasakyan nya papalayo.

Bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga na lang....

Nakatingin lang ako sa kisame ng matagal. Bumabalik yung mga panahon na hindi ko magawang maging tunay na masaya kasi nagtatago ako sa mga kasinungalingan ko.

Siguro isa nanaman ito sa mga yun. 

Eeeeeeesh! Si Ms. Pascual kasi e! 

Bakit kasi kailangan nyang ipasok sa isip ko na pwedeng mabago lahat nung cree.....ni Van ang buhay ko.

Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Ang hapdi ng puso ko...

Tapos tulo pa ng tulo yung mga luha ko. Parang ewan lang!

Aaaaaaagh! ayoko ng ganito! Pero kasi wala akong magawa........

Kailangan ko tong gawin e.... :'(

Pero sa ngayon, sa apat na pader ng kwartong to ko lang pwede iiyak ang lahat.....

--------------------------------------------------------------------------------------

 -kinabukasan sa school-

"Hey sis! Ano yang ginagawa mo?" tanong ko kay Laine nung makita ko sya sa may garden na nagsusulat.

"Uh wala to, the usuals nag d-dear diary ako..." sagot ni Lalaine habang nakayuko lang.

Lagi naman syang ganyan e. Hayaan ko na din lang baka nag-aaral. 

kailangan nya yan e. hehe.

"So sinong push over victim natin today?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hay naku sis, anyone will do. Ikaw ba may prospect na?" teka binalik lang nya yung tanong sa akin.

Tinignan ko sya tapos parang natatawa na lang ako kasi laging mukhang clueless itong si Lalaine.

Parang hindi ata sya pinaggagatas nung bata sya.

Haha. Joke kasi.

"Uh Laine alis muna ako ha, may kailangan lang akong asikasuhin." paliwanag ko sa kanya.

Wala naman talaga akong gagawin. Parang tinatamad lang akong sakyan yung mga semplang nya ngayong araw.

Napakasinungaling ko na talaga kasi andali ko syang napaniwala. >.<

Naglakad ako palayo sa garden. Ayaw ko nang dumaan sa may quadrangle kasi baka andun na naman yung mokong na creep na yun.

So sa likod ng gym na lang. Wala kasing masyadong tao dun e.

Naglalakad ako tapos biglang may narinig akong tawanan. Yung tipong naghaharutan.

Na-curious ako pero hinayaan ko na lang. 

Ba....

Paki ko sa kanila no.

Pero akala ko lang yun... Nakita ko kasi kung sino yun.

Yung creep na si Van at yung isa naming kaklaseng madaldal.

Yung muntik ko nang maging first victim nung first year kami, remember?

Sya yung kaharutan nung creep na stalker na ewa na yun...

Ewan ko pero napikon talaga ako.. Ang OA kasi nila!

Nagkikilitian pa na parang mga abnoy.

Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako.....

"Hi Yvette!!!!" biglang sigaw nung creep na yun.

"Uh....WHATEVER LOSERS!!!! MGA HALIPAROT!" sagot ko naman sa kanya sabay alis.

GrrrrrrRRRrrr!

Nakakaloko yung ngiti nya ah!

Kala nya maiinggit ako?? 

Pero bakit ganun..

Parang may spark sila....

 Sino ba yung babaeng yun sa kanya........

-----------------------------------------------------------------------------------

Pasensya na kayo bitinin ko muna yung chapter ha. sakit kasi ng ulo ko.

Pero Pramis may kasunod agad itong Chapter 7. siguro mamayang hapon o gabi..

Please rate this story and leave a comment for suggestions!!!

follow me at @03kurisu_i_am in twitter.

Thank you!  >.<

Truth behind the LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon