Truth behind the Lies 5

18 1 0
                                    

* Hi readers! ito na yunng bagong installment sa TBTL. 

sana magustuhan nyo ito at patuloy ninyong abangan ang story ko.

^________________^

=========================================================

Chapter 5 Giovanni

<Priceless Payback>

"Hi Yvette." pambungad ko kay Yvette nung malapitan ko ang grupo ng rawr sisters.

Hahahaha >.<

Halatang nagulat sila na sila ang nilapitan ko. Sa gwapo ko ba namang ito sinong hindi matutulala sa akin. Lalo na itong si Yvette. :")

"Do I know you?" sabi sa akin ni Yvette ng buong pagtataray habang patayo sya para level kami.

"O please, I know you know me. I've been in your dreams palagi, hindi ba?" pangaasar ko naman sa kanya. "In fact, i think it was you in my dreams last night too (wink)." 

"Eeeeeew! I dont know who you think you are mister. You're just a creep to me!" 

Arawch! Medyo natalbugan ako nung sinabi nya ah. Parang wala atang effect kay Yvette itong bago kong itsura. 

Pero syempre hindi ako papatalo. Inexpect ko na rin to kahit pano.

Lumapit ako sa kanya hanggang sa mapaupo ulit sya sa bench. Humawak ako sa may sandalan sa parehong gilid nya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"W-what are you doing you c-creep?" nauutal na sinabi ni Yvette. Nagtatapangtapangan pero hindi naman na sya makatingin sa akin ng diretso.

"What's wrong Yvette? Kinakabahan ka na no?" pangaakit ko sa kanya. "Nakikita mo ba tong mga labi na to? Para sayo lang yan kung gusto mo." (sabay dila ng konti sa lips) 

"Huh? Ah...Uhm w-whatever!" mataray na sagot ulit sa akin ni Yvette. pero this time halatang wala nag tigas yung mga salita nya. Untiunti na atang tumatalab itong ginagawa ko sa kanya.

 May naririnig akong mga buntong hininga sa ibang tsismosong tagapanuod namin. pati nga itong mga rawr sisters e, nganga.

Dahan dahan ko nilapait pa mas lalo ang mukha ko sa mukha ni Yvette na ngayon ay pumukit na lang. 

Di ko alam kung gusto lang nya takasan ang kahihiyan o sadyang bumigay na sya sa kagwapuhan ko. 

Pero!

Bago pa man kami pagpyestahan ng mga langgam at mga tsismosa, lumakad na ako palayo kay Yvette at sa mga kaibigan nyang bad influence. 

Andun lang sya nakapikit. -.-

Sige lang Yvette antayin mo halik ko. HMMahahaha

----------

Pumunta muna ako sa may library sa 2nd floor ng research building. Kelangan ko lang muna ipaprint yung assignment namin na hindi ko naiprint kahapon kasi sa pagkahumali ko sa pamimili. hehe.

Sabi ko pa sa sarili ko na okay lang malate ako ng konti sa unang klase namin para grand entrance ako at mapansin nanaman ako ni Yvette.

Mukha namang gumagana yung plano ko na magkaron ng bad boy image dito sa skul para next time, hindi na kailangan ni Yvette matakot sa ibang bullies dahil ako ang makakaharap nila.

In short, hindi na nya kailangan magpanggap. Ako na lang ang sasalo sa kanya.

So yun na nga, pagdating ko sa library lumapit ako sa may student assistant sa printing room tapos inabot ko yung flashdrive ko. Parang adik sya na nakatingin sa akin habang kinakapa yung usb port sa may CPU.

Truth behind the LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon