Chapter 20:

3.9K 43 12
                                    

Julie's P.O.V

Haay, napaka-saya ng linggo ko pero nandun parang yung part na malulungkot na lang ako bigla, feeling ko kase may rebelasyong mangyayari na ewan ko, I can't predict kung ano man yun, hindi naman ako si madam auring te.

''Welcome!!'' Bati ko sa mga customers namin na pumapasok sa cafe.

''Miss Julia Rodriquez can I talk with you?'' sabi ng Boss namen na si Ysabelle, napaka lamig ng boses niya feeling ko galit ata siya, pero ano naman nagawa ko? Maayos naman ako sa trabaho ko. Wala naman akong magagawa kundi sumunod sa office niya.

JP's P.O.V

Bullsh*t talaga.......

FLASHBACK...

Ysabelle is now calling...

''Hello.''

''HAHA, I know you are on acting Peter, ilang buwan nga ba ang kontrata niyo?''

''What? What are you trying to say?''

''Ah, oo nga pala hmm.. Its 12months right? Pero ilang buwan na nga ba kayong nagdra-drama? Ahh yeah it's almost---''

''Shut up, Ysabelle...''

''Oo nga pala It's almost 9months na... nagli-live in pa kayo---''

''I said, Shut up!!!''

''HAHAHAHAHA.....''

Call ended...

Julie's P.O.V

F*ck you ka talaga John Peter Stanton, kahit kelan talaga lagi mong pinaglalaruan ang nararamdaman ko, bwisit ka bwisit bwisit, Feeling ko parang gripo na 'tong iyak ko, ang lakas lakas ng tulo ng luha ko....

FLASHBACK...

''So Julia, I want you to be honest on this time?''

''Okay po ma'am''

''Sino ka nga ba talaga? Fiance ka nga ba talaga ng Fiance ko?''

''Ha? Ano pong pinagsasabi niyo?''

''Shut up and Answer my question..''

''Hindi po.''

''HAHAHA right, nagpa-panggap lang naman kayo diba? How stupid you are!''

END OF FLASHBACK...

Kahit kelan simula pa ng mga bata tayo, lagi mo na lang akong ginugulo, lagi mo na lang akong pina-iiyak, wala kang kwenta, mamatay ka na sana pedro ka, hayop ka! Galit na galit ako sayo, lagi mo kong pinapahiya. Ang bobo ko pa kasi bakit, bakit ko ba pinatulan yang kaek-ekan mong Wanted: Hot Girlfriend mong advertisement? Mahal naman kita, kahit nung mga bata pa tayo, pero bakit ang tanga tanga ko? All this time Hindi ko masabi sayo lahat ng nararamdaman ko, Hindi ko masabi sayong mahal na mahal kita, dahil natatakot akong mareject mo. Ayoko na sayo. Kahit kelan, wala kang kwenta.....

Ysabelle's P.O.V

''Peter, can you please shut up your mouth? Lasing ka lang at please, wala ng babalik na Julia dito sa bahay mo.''

''Jul---'' Sa sobrang irita ko hinalikan ko siya ayokong marinig yung pangalan na 'yon.

Ding...Dong...Ding...Dong...Ding...Dong...

Errr~ How stupid naman ng taong ito hell, hindi ba niya alam na nakaka-istorbo siya? Wala naman akong magagawa diba kundi harapin ito, at pagtingin ko sa peephole nakita ko si Julia.

Julie's P.O.V

Sasabihin ko na sa kanyang mahal ko siya, wala namang masama kung aamin ako diba? Mabuti nga 'yun para kahit papaano gumaan naman ang kalooban ko. Pagbukas ng pinto sumalubong sakin ang naka bathrobe, magulong buhok ni Ysabelle, sumulyap ako sa sofa at nakita ko si Pedro'ng naka bulagta at bukas ang Polo. Naiiyak na ako, istorbo ba ako sakanila? Nandito lang naman ako para magpaalam ha.

''Aaah.... Sorry kukunin ko lang sana yung mga gamit namen ng tita ko sa taas?'' Yun na lang ang tangin nasabi ko sa kanya.

''Ah yun ba yung mga basura? Ah nandun na lahat sa Janitor's House, akala ko kasi mga basura lang. Sorry.'' tas sinaraduhan pa niya ako ng pinto, Bwisit talaga mga tao badtrip.... ayoko na sainyo. lalo ka na John Peter Stanton, pag ako talaga naka-move on Who you ka saking hayop ka!!!...

-----------------------------------

WANTED: Hot Girlfriend (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon