6 : Masterpiece

15 3 0
                                    


After two and a half days, natapos ko rin ang wall painting ni boss Ky. I did not overthink when it comes to the details, but I didn't also hold back with the colors.


I smiled at the picture I took on my phone. Kanina kasi pagkatapos ng huling duty ko sa Medora, tinapos ko na ang dingding at nagmadali akong kuhanan iyon ng picture. I sent it to him.


Saka ako dumeretso ng Lumiere dahil may maagang band rehearsals bago kami mag-perform. This is because I keep delaying our band practice.


Ngayon ko na rin sana balak sila kausapin tungkol sa magiging set-up ko sa Medora. Kahit na anong laban kong isama sa gig sina Wesley, ayaw talaga ni boss Ky dahil nga may mga banda rin siyang inaalagaan.

Sana maintindihan ni Wesley. Humahanap pa rin ako ng tyempo.


"Okay, doon sa pangalawang kanta saka mo na lang pasukan ng chorus part." Wesley instructed me after we took a break. "Nagugutom ako. Sinong gusto ng kwek-kwek?"


Halos lahat kami nagtaas ng kamay. Sinamahan ko si Wesley na lumabas ng bar para bumili ng pagkain, at para ma-open ko na ang tungkol sa Medora.


"Ahm, Wesley..."


Inakbayan niya ako bigla. "Kung magso-sorry ka dahil sa huling usap naten, okay na 'yon. Wala na sa akin 'yon. All good." Sabi niya habang nakangiti.


"May g-gusto lang akong sabihin--"


"Nga pala, may bago akong kantang sinulat. Narinig na nila Madam Richy kanina noong may sakit ka. Approved! Kakantahin ko mamaya. Wish me luck, ha!"


Napangiti ako sa kanya. Paano ko naman masisingit ang sasabihin ko kung napakasaya ng kaibigan ko ngayon? I don't want to spoil it. Not if tonight is special for him.


Natulog muna ako sa staff room ng bar at nagpagising na lang nang mga bandang ala sais ng gabi. Halos mga anak na rin ang turing sa amin ni Madam Richy kaya naman pinapayagan niya kaming mag-stay doon sa bar niya.


Nang dumagsa na ang nga tao at ready na kaming tumugtog, tinawag na kami ni Madam Richy sa stage. We played our set hanggang sa iwan ko si Wesley sa stage nang kantahin na niya ang solo niya.


If miracle's having you
Then save me from grace
If our time here is through
Then let's spend our days
with brave face


The crowd loved it. Ako rin. Ang lakas ng palakpak ko sa kanya. Wesley did it. He finally wrote a song that reaches people. Nakakatuwa.


"This song is for you." Rinig kong sabi niya habang nakatingin sa akin. Lumingon ako sa likod pero parang ako talaga ang tinignan ni Wesley kanina. "Thanks for having The Mystique tonight, guys! Thank you!"


Natameme ako sa kalagitnaan ng palakpakan sa loob ng bar. Nang bumaba na sina Wesley sa stage, deretso kami sa labas para tumambay.


Tahimik pa rin ako sa gilid nang mapansin ako ni Edel na hindi nakikipagkulitan. "Hala si Trixie, kinantahan lang nanahimik na."


At kasunod no'n ang panunukso nila.


"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Wesley sa akin. "Don't worry, hindi ako nanghaharana." Sabi niya habang natatawa. "Don't mind them."


Tricky Trixie (Kalandian Chronicles #4) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon