Chapter 5

8 3 0
                                    

Chapter 5


Nakatulala ako habang pinapahiran ng foundation ni Edison ang leeg ko, halos wala sa sarili dahil sa gulong nananatili sa isip ko. Napakagat-labi ako at napatingin sa malaking salamin sa harapan. Para akong nagiging estranghero sa sarili kong katawan sa suot kong puting gown na may mahabang slit sa gilid, bumabagay ang maluwag na pagkakatupi ng tela sa bawat hakbang ko. Kahit gustong-gusto ko ang gown, hindi ko magawang ngumiti nang totoo.



“Ano bang nangyari sa'yo, Venus? Aba, may chikinini ka dito.” tumigil si Edison sa paglalagay ng makeup at itinaas ang isang kilay, sumulyap sa akin nang may kuryosidad.


Napalunok ako, sinubukang magpaliwanag ngunit parang nabubulol ang dila ko.




“Ah… ano, nakagat lang ng ipis,” sagot ko, pilit na nginitian siya nang may konting kaba. Hindi ako sigurado kung nakakumbinsi ko ba siya, pero tumango-tango lang siya at nagpatuloy sa pag-ayos sa akin.




“Grabe, ang malas naman ng ipis na ‘yon, nakahanap pa ng ganitong flawless na leeg.” biro niya habang inaayos ang buhok ko. Pero ramdam kong may pagdududa pa rin sa mga mata niya.




Tumigil ako sa pag-iwas ng tingin sa salamin at napako sa repleksyon ko, pilit na itinatago ang mga bagay na tumitimo sa puso ko—ang mga gabi ng pagkalito, at ang mga galit at tampo kay Isaiah.


Dahil sa tampo at galit niya, nawala yung puri ko!



Ilang saglit pa, pumasok si Ejay sa studio, suot ang itim na suit na bumagay sa matikas niyang tindig. Agad siyang ngumiti nang makita ako, at kahit pilit kong itinatago, hindi ko maiwasang mapansin ang ginhawang nadarama tuwing kasama ko siya.




“Ready ka na?” tanong ni Ejay, pinipilit kong ibalik ang ngiti habang tinutugunan siya.






“Yup.” sagot ko nang mahina, pilit iniwasan ang tingin ni Edison na parang nababasa niya ang nasa isip ko.



Sa gitna ng pag-pose namin ni Ejay, naramdaman ko ang bigat ng isang titig. Napalingon ako at nakita ko si Isaiah sa gilid ng set, nakatayo, nakasandal sa pader habang nakapamulsa ang mga kamay. Wala siyang kahit anong ekspresyon sa mukha, pero sa likod ng malamig niyang mga mata, alam kong nagagalit nanaman ‘yan—may gagawin man ako o wala palagi namang galit sakin ‘yan. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang panga, at ramdam ko ang tensyon sa kanyang presensya.


Ano kaya ang ginagawa niya dito?




“Great chemistry, you two!” sabi ng photographer, halos hindi mapigilan ang excitement niya sa bawat click ng camera. Hinawakan ni Ejay ang kamay ko, at pinatong ito sa dibdib niya habang nakaharap kami sa isa’t isa. Pakiramdam ko, sobrang lapit namin, na halos maramdaman ko ang tibok ng kanyang puso.


Iba ang photographer ngayon, dahil wala si Mr. Tanaka.



Sa gilid ng mata ko, nakita ko kung paano lalong nagtagis ang bagang ni Isaiah. Bahagya akong nagkunwaring hindi siya nakikita, ngunit hindi ko maiwasang manginginig sa ilalim ng bigat ng kanyang tingin.




Infairness, ang pogi niya sobra kahit palaging walang expression ang kanyang mukha.



“Alright, Ejay, can you lean in a bit closer to Venus?” utos ng photographer, tila wala siyang ideya sa tensyon na bumabalot sa set.




Ozoa Series #1: Written in The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon