RAIN CLOUD: 24

1.6K 87 4
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:


"Arwin pwede ba na maupo ka na muna? Nahihilo na kami sa'yo kakapabalik balik mo." ang sabi sa akin ni Justine na siyang pumuna sa pabalikbalik kong paglalakad sa sala ng bahay nila. "Pwede ba na maupo ka na muna at kumalma ka na muna, hintayin na lang natin na dumating ang iba pa." ang dagdag pa nito at lumapit ako sa kanya na kasalukuyang nakasandal sa dingding na malapit sa pinto.


"Kalma, Justine paano ako kakalma kung alam ko na nawawala si Drip, paano kung may nangyari na sa kanya na di maganda? Bagay nga na mahalaga sa atin pag nawala ay halos di na tayo magkandaugaga kakahanap eh paano pa kayo yung tao, at yung taong nawawala ngayon di lang basta tao para sa akin, tiyaka pinsan mo din siya Justine, kaibigan niyo, sabihin niyo sa akin ngayon paano ako kakalma nito." ang sabi ko na hindi na alam kung ano ba talaga ang dapat gawin.


"Nandoon na kami Arwin, oo nauunawaan ka naman namin na mahal mo si Luke at sobrang halaga niya sayo, ikaw na din ang nagsabi na pinsan nitong si Justine si Luke at kaibigan namin siya, amindao naman kami na nag-aalala din kami pero kung pare-pareho tayo, lalo ka na ang hindi kakalma sa sitwasyon ngayon walang mangyayari baka sa halip na mahanap natin siya ay mas mamoblema pa tayo." ang sabi naman ni Kaloy na nakaupo sa isang sofa at napatingin ako sa kanya.


"Tama sila Arwin, dapat huminahon ka sa ganitong pagkakataon, hindi ba nakikita mo naman siya sa tuwing nawawala siya?" ang sabi naman ni Niccolei na katabi niyang nakaupo sa isa pang sofa si Orly.


"Yun na nga eh, sa tuwing nawawala si Drip laging may hindi magandang nangyayari sa kanya, halos buhay niya na yung nakataya sa mga ganitong sitwasyon kaya masa natatakot ako pag di ko siya nagagawang bantayan, kasalanan ko talaga to, dapat di ako pumayag na mag-isa siyang umuwi kanina." ang sabi ko na may paninisi sa sarili ko.


Lumapit sa akin si Justine at niyakap ako nito at hindi ko na napigilan pang maluha, "kalma na Arwin, tutulungan ka naman namin sa paghahanap sa pinsan kong iyon, sa tagal niyo na ni Luke, alam kong kilala mo na siya, kahit na iyakin yon ay lumalaban naman yon, huwag mo nang sisihin din ang sarili mo, hindi mo naman to ginusto, at kung sakaling tama man ang hinala natin na si Clarence ang may pakana nito sa tingin ko naman at naniniwala ako na hindi niya pa din magagawang saktan si Luke kahit na sobrang galit niya dito, kahit baligtadin natin ang mundo, may pinagsamahan sila ni Luke at magkaibigan pa din sila." ang sabi ni Justine bilang pagpapakalma sa akin at niyakap ko lang si Justine at di na nagsalita pa.


Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pinto, bumitaw si Justine sa pagyakap sa akin at ganon din ako, tumayo si Kaloy sa pagkakaupo niya at pinaupo niya ako sa sofa na inuupuan niya, habang si Justine naman ang siyang nagbukas ng pinto, pagbukas ni Justine ng pinto ay mabilis na pumasok sila Von at Chini kasama sila Eunice, Sarah at Russel na pare-parehong mukhang pagod na pagod at mababakas agad ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.


"Guys ano tong nalaman ko na nawawala si Luke? Ano bang nangyari?" ang bungad na tanong ni Von.


"Huwag niyong sabihin na si Clarence ang gumawa nito?" ang dagdag na tanong naman ni Russel.


"Hindi pa naman kami sigurado na siya nga pero siya pa lang ang duda namin." ang sabi ni Orly.


Rain.Boys IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon