KALALAPAG lang ng eroplanong pag-aari niya sa dalampasigan ng Isla Raffael si Raffael. Wala siyang pinag-sabihan na uuwi siya maliban na lamang kay Myra na siyang dahilan ng pag-uwi niya ng pilipinas. Sinulatan niya ito sa dating address na iniaatatch nito sa tuwing mag susulatan sila at ipinaalam nga niyang uuwi na siya. Ngunit wala man lamang itong reaksyon o reply man lang sa sulat niya. Ngunit magkaganon pa man, eh' umuwe pa rin siyang umaasa na nabasa nito ang liham niya.
Mag-aanim na buwan na rin itong hindi sumasagot sa mga sulat at mga tawag niya. Si Myra ang kapenpal niya na naging kasintahan na rin niya sa loob ng dalawang taon. Maganda ang babae at sexy base na rin sa mga pinapadala nitong letrato sa kanya. Madalas rin silang mag-usap ng babae sa telepono ngunit biglang naputol ang kumonekasyon nila nang bigla na lamang niya itong 'di na makontak.
May pakiramdam rin siyang hanggang sa mga panahong iyon ay nag tatampo pa rin ito sa kanya. Nais naman niyang pag bigyan ito sa kahilingan nitong umuwe na siya, ngunit hindi sinasadyang nag karoon siya ng problima sa isa sa mga pag-aari niyang kumpanya na siya ngang ikinagalit nito sa kanya. Ngunit heto at 'di pa rin niya natiis na hindi ito pag-bigyan, kahit na humigit kumulang anim na buwan nang hindi ito nag paparamdam sa kanya. Ang huling sulat naman na ipinadala niya rito'y mag dadalawang buwan ng di sinasagot nito."
Myra..." naibulong na lamang niya sa isip at saka bumaba na ng choper na pag-aari niya. Isa siyang business man. Nagmamay-ari siya ng isang Garment factory sa Amerika, Pag-aari niya rin ang isang sikat na shopping mall 'don. Ngunit ang lahat ng yon ay hindi niya ni minsan nabanggit kay Myra. Ang alam nito'y namamasukan lamang siya bilang manager ng isang Wine Company doon. Ayaw niyang malaman nito na ganoon siya kayaman. Kahit ang Isla Raffael ay hindi niya nabanggit rito. Gusto niya kasing makilala siya nito bilang isang simpleng tao..
BINABASA MO ANG
IMPOSTORA
RomanceAkin siya Mailaine! Akin siya,"Ang Kapal ng pag-mumukha mong mag panggap bilang ako!" galit na galit na sigaw ng kapatid na si Myra mula sa labas.